Special Chapter (Coraline's Side)

8.8K 84 7
                                    

This is the First Special Chapter of MMOG, Short lang po ito!

Alexa and Coraline at the multimedia.

_______________________________

Hi Mommy.bati ko kay Mommy at yinakap ko siya, Yinakap niya rin ako pabalik at ng magkalas kami sa yakap ay napatingin ako sa suot niyang damit. Bihis na bihis si Mommy, Saan siya pupunta?

Coraline! You dont know how much I miss you, Bumalik na kayo ng ate Cornelia mo dito please?pagmamakaawa niya sa akin. Tinitigan ko lang si Mommy at napansin niya atang nakatingin ako sa kanya ng mabuti.

Aalis ka pala Mommy? Sayang yung pinunta ko dito, I thought may kasama ako sa Noche Buena tonight. Ill go and i am sorry for wasting your time.sabi ko sa kanya at lumabas na ko ng bahay. May luha na tumulo sa mata ko na agad ko namang pinunasan, It’s okay Coraline.. It’s okay. Walang problema masaya ka.. Walang problema masaya..

Coraline!"sigaw ni Mommy pero hindi ako lumingon dahil sa patuloy na agos ng luha sa mata ko. Nang makalabas ako ng gate ay napatingin ako sa kotse na nasa labas, usually nasa garahe ito bakit nandito?

Hindi kaya magkasamang magpapasko si Mommy at yung boyfriend niya? Napa-titig ako sa kotse at nilapitan ko iyon. Umupo ako para tignan kung ano ang pwede kong gawin nang may napansin akong kumikislap sa may gilid malapit sa gulong. Tinignan kong mabuti at isang bubog mula sa bote, Napangisi ako at kinuha ko iyon.

Magce-celebrate si Daddy kasama yung babae niya tapos ganun din si Mommy sa lalaki niya? Tsk! Sorry but Little Coraline would not allow that.sabi ko sa sarili ko at tinusok ko yung bubog sa gulong ni Mommy. Ganoon din ang ginawa ko sa tatlo pang gulong, Nasugatan pa nga ako ng bubog pero hindi ko ininda yung sakit dahil mas masakit yung puso ko.

Nasasaktan ako kasi alam ko, Nasasaktan ako kasi marami akong alam na hindi ko na lang pala dapat inalam. Ang bata-bata ko pa para masulusyonan lahat ng ito at pakiramdam ko isa akong walang kwenta dahil wala akong magawa para mabuo ulit yung pamilya namin, Feeling ko pabigat ako kay Ate kasi siya lang halos ang gumagawa ng paraan. Tumayo ako at tinapon ang bubog sa may trashcan malapit sa bahay namin at saka ako naglakad habang tumutulo ang dugo sa palad ko.

Si Daddy kilala ko kung sino yung girlfriend niya, Bumisita ako doon kanina sa kanya hoping makakasama ko siya ngayong pasko pero narinig kong magce-celebrate sila ng girlfriend niya mamayang gabi.. Ayun sinira ko yung preparations sa Dinner nila mamaya. Ngayon naman sinira ko ang gulong ng sasakyan ni Mommy para hindi siya pumunta sa lakad nila ng boyfriend niya. Kilala ko rin nga pala yung boyfriend ni Mommy, Siya yung lalaking kumain ng Dinner sa amin nung nakaraan at kuya rin siya ni CJ. Si CJ na bestfriend ko na lihim kong gusto kaya ngayon hindi ko alam kung mamahalin ko pa rin ba siya o magagalit ako sa kanya.

At higit sa lahat.. Alam ko rin ang plano ni Ate Cornelia kaya nga nasasaktan ako kasi wala akong mai-tulong sa kanya. Dinala ako ng paa ko sa Condo ni Alexa.

Cora anong nangyari sa kamay mo?! Oh my gosh! Tuloy! Ate Crizel yung emergency kit po!tarangtang sigaw ni Alexa ng makita ako sa kalagayan ko. Agad ko naman siyang yinakap at napaiyak ako, Buti na lang at nandito siya at may makakaramay ako.

Anong nangyari Cora? Uy!sabi niya habang hinahagod ang likod ko, Dumating naman si Ate Crizel dala ang emergency kit.

My Guy (series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon