Dedicated kay Ate haha gaganda ng comments niya XD
Jason and Ashlyn at the side.___________________________________
"Nagawa niyo na?"tanong ko kayna Shiela mula sa kabilang linya. Nandito na ko sa Venue ng kasal nila Jason at Ashlyn, Sila on the way na kaya lang naman sila natagalan dahil may pinagawa muna ako sa kanila. I know that's childish but sure ako malaki ang tulong ng pinagawa ko sa kanila.
"Actually, Hindi namin nabutas ang gulong ni Tita Amelia b-"pinutol ko agad si Shiela! Ano ba naman iyan? Bakit hindi nila nabutas?!
"WHAT?!"napataas ang boses ko at na-frustrate ako, Bubutasin lang naman yung gulong eh.
"Calm down Cornelia, Oo hindi namin nabutas ang gulong ni Tita Amelia pero may ibang nag-butas."explain ni Shiela kaya naman napa-kunot ang noo ko, Sino ang magbubutas ng kotse ni Mom?
"Sino? Nakita niyo ba?"tanong ko kay Shiela at napakagat ako ng labi, Kung sino ka man. I am so thankful hindi ko man alam kung bakit mo kami tinulungan but still thank you.
"Well would you believe us kung si Coraline ang nagbutas ng gulong ni Tita Amelia?"rinig kong matawa-tawang sabi ni Shiela mula sa kabilang linya. Namilog ang mga mata ko sa narinig ko, S-si Coraline ang nagbutas ng gulong ni Mom? Wait! D-Don't tell me.. May alam siya?
No it's impossible, Hindi naman niya alam ang balak ko pero pwede rin. It's also possible that Coraline would know, She's too smart pero alam kaya niyang si TJ ang kabit ni Mom? Sht! Masisira ang plano ko, I will ask her if i came back to Manila kung may alam nga siya.
"Pero yung gamot? Nakuha niyo kay Laura?"pagche-change topic ko sa kanila. Nakarinig ako ng tawa mula sa tatlong babae, Sure akong sila nila Guia iyon.
"Oh yes Nelia! Dala ko yung gamot na sinasabi mo, Pahirapan pa ang pagkuha ko diyaan."pagmamayabang na sabi ni Laura, Rinig ko ang boses niya. Ni-loud speaker siguro ni Shiela ang phone niya.
"Thanks girls, Sige una na ko may kailangan lang akong asikasuhin."sabi ko at in-end ko na ang call saka ako pumunta sa malapit sa entrance kung saan nandoon si TJ habang nasa labas naman ang press. Hindi sila pwedeng makapasok dahil private ang kasalan na ito, Well sino ba naman kasing tanga ang hindi magko-cover ng kasalan ng isang sikat na Model na si Ashlyn at ang General Manager ng G. Hotel and Resort.
"Hey!"tawag ko kay TJ at tumalikod ako para hindi ako makunan ng press, If ever na makuhanan nila ko. Likod lang ang makukuha nila.
"Uy Cornelia."sabi niya, Ngumiti ako ng malaki kahit na hindi ko dapat siya ngitian but it's a part of my plan and i must do it.
"Sino inaantay mo? Oh wait! Let me guess! Yung girlfriend mo ba?"matawa-tawa kong tanong sa kanya at ngumiti na nanlalambing kahit na nandidiri talaga ako sa pinag-gagawa ko sa kanya. I can't imagine na nagpapa-cute ako sa lalaking ito.
"Oo ang tagal niya, The wedding will start in five minutes."natatarantang sabi niya, Well he looks cool pero yung boses niya natataranta na. Tumingin ako sa leeg niya, Nung nakaraan ko pa siya gustong sakalin pinigilan ko lang yung sarili ko kasi kapag pinatay ko siya hindi ako makakapaghiganti sa kanya tapos makukulong pa ko.
BINABASA MO ANG
My Guy (series)
RomanceLove is unconditional, it is powerful. Even the person you hate the most, you won’t know what will happen once you fall in love to that person. Tristan James Gonzales is the man i used to hate for being my mom’s other guy but who would have thought...