Official 18

4.8K 96 23
                                    

Kinabukasan puyat akong bumyahe papunta sa Pabrika. Ni-review ko kasi yung mga paperworks para masolusyunan yung problema sa isa sa mga Pabrika ng Couture. May iba na kaya kong i-handle pero may iba na hindi. Tulad na lang ng hindi pagdating ng mga tela sa tamang petsa at oras kapag dumating naman hindi naman high quality tulad ng napag-usapan ng supplier namin ng tela.

FAB na ang nagsu-supply ng tela sa Couture pero hindi naman sa lahat ng pabrika may isang hindi nasali sa listahan at itong pabrika na ito, Dito nagkaroon ng aberya. Mabilis ding maputol ang supply ng kuryente kaya naman kailangan ko talagang bumisita sa Pabrika.

“Ang sabi nung Manager na namamahala sa Pabrika, Marami raw problema doon.”sabi ni Guia habang nire-review ang mga papers habang papunta kami doon sa Pabrika.

Dalawang oras lang ang biyahe at dahil medyo mabilis yung driver alam yung pasikot-sikot sa traffic na lugar mabilis kaming nakarating sa Pabrika.

Agad kaming sinalubong ng Manager at ipinakita sa amin ang tela na late dumadating na hindi pa High quality tulad ng napagkasunduan.

“Cancel the contract with them, Hindi sila sumusunod sa kontrata kapag tinakot kayong Breech of Contract mag-file ng lawsuit.”sabi ko sa Manager dahil may nilabag din yung Distributor na nasa kontrata.

Hindi on-time ang dating ng tela at hindi pa high quality samantalang nagbabayad naman ng tama. Kesa sa mag-sayang pa ng pera i-cancel na lang ang transaction sa kanila. Mabuti nga at nabawasan ang ilalabas na pera dahil si Mr. Sy na ang bahala sa building ng Couture since sa kanila namang utang iyon.

“Yes Miss Fuentabella.”sabi ng Manager at nilibot namin ang Pabrika, Ang ilan sa mga makina kinakalawang na. Medyo mainit din at hindi maayos ang ventilation, Mukhang kailangan i-reconstruct ang buong Pabrika.

“What happened to this place? Ayos pa ang lahat dito last two years.”sabi ni Guia na medyo nagtataka, Napatingin naman ako sa Manager na nag-iwas ng tingin. Hindi ko na lang pinansin dahil yung mga makina ang tinitignan niya.

“Hindi naman kami nagkulang sa sweldo at budget ng Pabrika every month, Anong nangyari?”tanong pa ni Shiela kaya naman parang may mali talaga dito, Parang sinasabotahe o may hocus-pocus na nangyayari dito.

“Let’s just reconstruct the place first bago natin problemahin ang mga iyan maybe hindi lang natutukan ng maigi since sa ibang Pabrika tayo nakatutok.”pag-aako sa mga mali dahil responsibilidad ko naman iyon bilang may-ari hindi ko rin natutukan ito dahil sa iba’t-ibang Pabrika sa ibang bansa. Dito sa Pilipinas lima lang ang Pabrika ng Couture at isa ang pabrika na ito sa lima.

Kung hindi ito maagapan baka magsara ito kaya kailangan kong agapan, Marami ring empleyado ang umaasa dito at ito ang pangkabuhayan.

“Ako mismo ang tutok sa pagko-construct nitong pabrika, We can’t afford to lose a big sum of money lalo na at malaki-laki rin ang gagastusin sa pagpapaayos at pagbili ng bagong mga makina.”sabi ko at pumunta kami sa maliit na office ng Manager ng Pabrika na ito para pag-usapan pa ang pagsasa-ayos ng pabrika.

“Kukuha lang po ako ng maiinom at makakain.”sabi ng Manager at nginitian siya ni Guia habang ako naman tinignan yung mga paperworks sa Couture na dinala ko para asikasuhin. Napansin kong naglilibot-libot si Shiela at Guia sa buong office na para bang tinitignan nila kung may kahina-hinala kaya naman umiling na lang ako.

“I gave up! Wala naman atang ebidensya na may anumalya na nangyayari dito.”sabi ni Shiela sabay sandal sa isa sa mga pader. Napatingin naman ako sa kanya, Iniisip niya bang may anumalya dito? Napatawa na lang ako sa pinag-iisip ni Shiela. Napatingin naman ako kay Guia na napatingin din kay Shiela na naglibot pa.

My Guy (series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon