Official 2

8.3K 96 11
                                    

“Trick dito ka lang sa tabi ko.”sabi ko kay Trick habang nasa waiting area kami. Maraming press sa labas ng Airport at sinusubukan kong i-contact si Shiela na nauna dito sa Pilipinas, Two weeks ago.

“Ma bakit kailangan pa tayong umuwi? Di ba si Tita Shiela na ang bahala sa problema niyo?”nakabusangot ni Trick at umupo ako sa harapan niya para mapantayan siya. Birthday niya ngayon pero lahat ng plans namin a week ago nasira dahil sa nagkaroon ng aberya dito sa Branch ng Coutire Line dito sa Pilipinas.

“Trick, Malaki ang problema okay? Don’t worry dito natin gagawin yung plans natin ngayong araw.”sabi ko at nag-rolyo ng mata si Trick sabay naghalukipkip. Kinuha na lang niya ang PSP niya sa backpack niya saka naglaro, Hinalikan ko naman ang tuktok ng ulo niya at hinaplos iyon habang nasa tenga ko pa rin ang phone na nagri-ring lang.

  

“Hello.”rinig kong boses ni Shiela at halata sa boses niya na kinabahan siya. Napakunot naman ang noo ko dahil sa tono ng boses niya parang hindi maganda.

  

“W-What happened na saan ka na? Saka bakit ang daming press dito sinong nag-leaked na uuwi ako?”tanong ko kay Shiela at narinig ko ang buntong hininga niya.

  

“I am not sure pero don’t worry i am trying to blocked all you’re the article about you at Isa pa pala hindi kita masusundo sa Airport personally. Something bad happened kaya ipapasundo na lang kita sa Driver namin para dalhin kayo sa subdivision na tutuluyan niyo ni Trick. I am on my way to A Towers para asikasuhin ang ilang papeles doon.”paliwanag ni Shiela kaya naman naaasar ako, Anong nangyari?

“Shiela anong nangyari?”nag-aalalang tanong ko, Don’t tell me nakita siya nila Finn? Nila Marc or even worst nakita siya ni TJ? Wag naman sana.. 

“I will explain later, Basta papunta na diyaan si Manong and kasama si Guia.”sabi ni Shiela at napapikit na lang ako ng mariin bago ako sumagot ng okay kay Shiela. Tinignan ko si Trick na busy sa pagpi-PSP niya.
 

After thirty minutes, Sinundo kami ni Guia sa loob ng Airport and dumaan kami sa Private Exit ng Airport. Medyo hassle pa dahil may pilit na pumapasok na press sa loob buti na lang at yung sasakyan naka-abang na sa may pinaka-exit kaya mabilis kaming naka-alis sa Airport.

“Eto na pala si Trick? Ang laki niya na.”masayang sabi ni Guia habang tinitignan si Trick, Napangiti naman ako at hinaplos ang buhok ni Trick. Hindi ko na rin kinayang itago si Trick kay Guia kaya sinabi ko na. Nagpromise naman siyang hindi niya sasabihin kay Colton ang nalalaman niya kaya hanggang ngayon wala pa rin sigurong alam ang asawa niya. 

“Nga pala, Kamusta ang buhay mag-asawa niyo ni Colton?”tanong ko kay Guia. She smiled at me at mahahalata mong masayang-masaya siya dahil lumabas ang dimples niya.

  

“Ayun kahit na stress na stress na ko sa branch ng Couture Line dito at kahit sa kanya ko na naibubunton ang galit sa mga models ng Line natin dito sa Pilipinas ayun napagtya-tyagaan pa rin niya ko. Idagdag mo pa ang sobrang kulit na Cean, Sure akong makakasundo ni Trick yung lokong yun masyadong pilyo.”kwento ni Guia sa akin at mahahalata sa kwento niya na masaya siya. Masaya siya sa pamilya niya, Nagkamali man siya noon sa akin sa pagkuha kay Colton pero yung pagkakamali niyang iyon naging masaya siya.
 

My Guy (series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon