After Nine months..
Nakatitig ako sa malaking tiyan ni Ashlyn, Siguro kung kasama ko si Cornelia ganyan din kaya kalaki ang tiyan niya ngayon?
“Tigilan mo na nga yan Ashlyn, Akala ko ba ayaw mong tumaba?”sabi ni Jason habang nagi-grill ng beef dito sa Korean Barbecue House, Ito kasi ang gustong kainin ni Ashlyn. Inirapan lang ni Ashlyn ang mister niya kaya natatawang inilingan ko na lang silang dalawa.
“Hayaan mo na si Ashlyn, Jason. Kabuwanan na niya kaya hayaan mo siya kumain ng marami.”sabi ko kay Jason at napailing na lang. Hindi naman kasi mahilig sa carbs itong si Ashlyn since model siya pero tignan mo kung kumain ng barbecue eh parang gulay lang.
“Nga pala kamusta ang paghahanap kay Cornelia?”tanong ni Jason sa akin at ngumiti na lang ako habang naglalagay ng beef sa grill. It’s been nine months since she left me, Hindi nagsasalita si Guia kapag naga-attempt akong magtanong sa kanya kung na saan si Cornelia agad na darating si Colton o hindi kaya nandoon si Colton na naka-abang kaya feeling ko may alam din si Colton hindi lang niya masabi sa akin sa hindi ko alam na dahilan.
“Wala pa ring improvement.”frustrated na sabi ko at napansin kong binatukan ni Ashlyn ang asawa niya. Naging mabigat ang kamay ni Ashlyn simula ng magbuntis siya sa anak nila, Babae pala ang baby nila at may pangalan na agad. Gusto ni Jason na Ashley ang pangalan pero dahil sa ako ang pinaglihian ni Ashlyn gusto niya Trixie ang pangalan ng anak nila, Pinagtalunan pa nga nila iyon sa harapan ko ang ending Ashley Trixie ang pangalan ng bata.
“Pinapalungkot mo na naman si Tristan eh.”reklamo ni Ashlyn sinalaksakan na lang siya ni Jason sa bibig kaya natawa naman ako sa ginawa ni Jason.
“Kainin mo na lang ang beefs mo baby okay? Eto pa.”sabi ni Jason at sinamaan na lang siya ng tingin ni Ashlyn pero napangiti agad ng manguya yung beef strips. Ibang klase pala talagang mag-buntis itong si Ashlyn, I wonder kung ganyan din magbuntis si Cornelia. Napangiti na lang ako sa iniisip ko, For the past nine months hindi ko alam kung bakit hindi nawala si Cornelia sa isip ko.
“Ay pare paki-daan naman si Ashlyn sa Ob-Gyne niya magpapa-check up kasi kami after nito eh kaya lang tinawagan ako ni Greg may ipapakita siya sa akin sa site kaya okay lang ba sa iyo kung wala kang dadaanan? Susunod din agad ako.”sabi sa akin ni Jason at tumango naman ako saka ngumiti. Matapos naming kumain sumakay na sa kotse ko ang buntis na si Ashlyn mas gusto niya sa passenger seat since gusto niyang mahiga habang nasa daan kami nakarinig ako ng maliit na pagputok pero di ko pinansin, Napatingin naman ako sa paupong si Ashlyn.
“Ah-Aray! T-Tristan!”sigaw ni Ashlyn kaya naman nilingon ko siya at nanlaki ang mata ko ng makita kong pumutok na ang panubigan niya kaya naman binalik ko ang tingin ko sa kalsada, Sht! Manganganak na si Ashlyn! Kinuha ko yung phone ko sa gilid at pinress ang number ni Jason.
“Hello pare.”chill na sabi ni Jason, Tangina hindi dapat siya maging chill manganganak na ang asawa niya.
“Gago manganganak na si Ashlyn! Pumutok na ang panubigan ng asawa mo.”sabi ko at nakarinig ako ng malakas na paghinto ng sasakyan sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
My Guy (series)
RomanceLove is unconditional, it is powerful. Even the person you hate the most, you won’t know what will happen once you fall in love to that person. Tristan James Gonzales is the man i used to hate for being my mom’s other guy but who would have thought...