Other 6

10K 90 4
                                    

“Cornelia ito nga pala yung damit na susuotin mo, Pasensya ka na kung dito ka pinag-stay ni mama.”sabi nitong ulupong na ito. Hindi ako naka-uwi sa amin, Dito ako mag-stay hanggang bukas dahil sumakit ang tiyan ng driver nila at gabi na rin daw kaya dito na raw muna ako tumuloy.



“Okay lang Mr. Gonzales salamat nga pala dito.”sabi ko at kinuha yung T-shirt at shorts ng Mom niya habang nag-uusap kami sa may pintuan, Nasa labas siya ako naman nasa likod ng pinto.



“Wala iyon saka TJ na lang tutal mas close ka pa sa parents ko kahit na ngayon ka lang nila nakilala.”sabi niya na may halong selos ang tono ng boses niya napatawa naman ako dahil parang ang childish niya.



“Okay.”sabi ko at ngumiti ako medyo awkward, Di ko alam kung bakit isasara ko na sana yung pinto ng humarang siya.



“Teka sandali lang! Naisip ko kasi na hindi naging maganda yung unang pagkikita natin.. Gusto ko sanang magkaroon tayo ng maayos na pagpapakilala, TJ.”sabi niya sa akin at inangat ang kamay niya na parang makikipag-shakehands, Nakaramdam naman daw ako ng kilig, Hindi naman ako inosente para hindi ito maramdaman pero bakit naman ako kinilig sa kanya?



“Uhm.. Cornelia.”sabi ko at inabot ko yung kamay niya saka kami nagshakehands.



“Sige una na ko, Good night and Feel at home kung may kailangan ko katukin mo na lang ako sa kwarto ko.”sabi niya bago umalis sa harapan ko at ako naman sinarado ko na yung pinto ng nakangiti. Sumagi sa isip ko ang katagang, Kung hindi ko nakilala ang lalaking ito baka ngayon depress na depress ako at pinoproblema ang mga problema ko. He’s a Blessing in disguise indeed.


Kapag sa ibang bahay ako natutulog namamahay pa ako at matagal bago ako makatulog pero sa bahay nila mabilis akong nakatulog siguro dahil sa pagod. After breakfast umalis kami agad ni TJ siya na ang naghatid sa akin at sabi ko sa kanya ibaba na lang niya ko sa Boutique since marami pa akong naiwan na gamit doon.



“Salamat sa paghatid.”sabi ko bago tanggalin ang seatbelt at bumaba sa sasakyan niya. Kinuha ko ang susi sa Sling Bag ko at binuksan ang Pintuan ng Boutique, Dumiretso agad ako sa Office ko para kunin yung mga gamit ko.



“Ang refreshing naman ng Office mo.”sabi ng isang boses sa likod ko kaya nagulat ako kaya nilingon ko kung sino.



“Eh? Anong ginagawa mo dito? I thought umalis ka na.”sabi ko sa kanya at tumawa naman siya.



“Hmm.. Tambay muna ko dito saglit kasi pupunta ako mamaya sa Hotel at Resort namin ipinapahanda ko pa kasi yung Venue sa date namin ng girlfriend ko.”sabi niya at napatingin naman ako sa kanya ng hindi makapaniwala.



“Oh bakit ganyan yung tingin mo?”tanong niya sa akin at umiling na lang ako saka pumamewang.



“Seriously talagang sa iba mo pa ipapahanda yung venue sa date niyo ng girlfriend mo? Wala ka bang karoma-romantic bone diyaan sa katawan mo?”sabi ko sa kanya at bumalik sa ginagawa ko.



“Ha? Anong ibig mong sabihin?”tanong niya sa akin, Inosente ba siya sa mundo? O first time magkaroon ng girlfriend?



“Sabihin mo nga sa akin, Ilan na naging girlfriend mo at hindi mo alam ang salitang Effort?”sabi ko sa kanya at napaisip naman siya sa sinabi ko.



“Ah ang sinasabi mo dapat ako mag-ayos ng lakad namin ng girlfriend ko? Haha! Alam mo ba Cornelia na bukod sa Venue marami pa kong surprise sa kanya like i said i want the best for her kaya wag kang magsalita diyaan hindi mo alam.”sabi niya at napatawa na lang ako saka ko binato ng crumpled paper ang loko.



“Oo na! Oo na tumigil ka na diyaan.”sabi ko at nilagay ko sa Trashbin yung mga crumpled paper na nagkalat sa Desk ko.



“Pero alam mo ba nung nakita ko siya naisip ko na siya na yung babaeng makakasama ko habang buhay, Yung Forever kong makakasama.”sabi niya kaya natigilan ako. Forever? Natawa naman ako sa word na yan, Nilingon ko siya at napatingin siya sa akin dahil tumatawa ako ng sarcastic.



“Oh bakit ka tumatawa?”tanong niya sa akin, Forever naniniwala siya doon?



“Seriously naniniwala ka sa Forever? Paalala lang TJ wag kang umasa sa Forever dahil baka bukas makalawa break na kayo dahil walang permanente sa mundo.”asar ko sa kanya at alam kong naaasar siya kasi napa-pokerface siya sa sinabi ko.



“Ano namang masama kung maniwala akong Forever na kami? Saka Cornelia bakit ang Bitter mo?”sabi niya kaya kumunot naman ang noo ko. Bitter? Ako? Wow lang bakit naman ako magiging bitter?



“Hindi ako Bitter, Nagpapaalala lang.”sabi ko sa kanya at inayos ko ulit yung mga kalat sa desk ko.



“Talaga? Eh bakit hindi ka naniniwala sa Forever kung hindi ka Bitter?”sabi niya at naasar naman ako. Binitawan ko yung Trashbin at yung hawak kong kalat saka ako humarap sa kanya ng nakataas ang kilay.



“Ano naman sa iyo kung hindi ako maniwala? saka TJ para sabihin ko sa iyo hindi ako Bitter at kaya hindi na ko naniniwala sa Forever dahil based on experience, Wala talagang Permanente sa mundo.”sabi ko sa kanya at napa-smirk naman siya. Ramdam niya sigurong asar na ako at sure akong natutuwa itong ulupong na ito sa kaloob-looban niya.



“Meron pang Permanente sa mundo Cornelia nabibitter ka lang kasi kaka-break niyo lang ni Colton.”sabi niya at doon na ko sumabog, Anong akala niya si Colton lang ang naging boyfriend ko at ang dahilan kung bakit hindi ako naniniwala sa Forever?!



“So sinasabi mo kaya hindi ako naniniwala sa Forever dahil kay Colton?”sabi ko sa kanya at natawa na naman ako ng sarcastic tumigil ako at tinignan siya ng look na hindi makapaniwala.



“Unang-una hindi ako Bitter dahil kay Colton at Pangalawa Mr. Gonzales para sabihin ko sa iyo hindi ako pinanganak kahapon para si Colton lang ang maging boyfriend ko para sabihin mong Bitter ako sa Forever, In my Twenty One years existing in this fvcking life naka-anim na kong boyfriend and include Colton in those six at anong nangyari? Hindi kami tumagal kasi hindi talaga totoo talagang walang permanente sa mundo, Walang Forever.”sabi ko sa kanya at lumapit siya sa akin, Nagtatalo ang mga mata naming dalawa dahil diyaan sa pesteng Forever na yan.



“Alam mo baka naman hindi nakatadhana sa iyo yung anim na iyon di ba? Kaya chill ka lang darating din yung Forever mo.”sabi niya kaya napa-pokerface ako sa sinabi niya. Yung totoo sa akin talaga niya sasabihin yan? Nag-iinit ang ulo ko pigilan niyo ko maibabaon ko sa lupa itong Ulupong na ito.



“Kahit anong sabihin mo hindi na ko maniniwala sa Forever..”sabi ko sa kanya at sumeryoso ang mukha ko bago ako tumalikod.



“Impatient.”sabi niya kaya napaharap ako sa kanya dahil naiinis na ko.



“Hindi na talaga ako maniniwala sa Forever kahit anong pilit mo TJ! Bakit? Sige given na hindi nga sila nakatadhana kuno sa akin pero TJ alam mo yung sinasabi ko sa iyo isang example ang Broken Family.. Hindi ba yung mag-asawa nagsabi rin sila na Forever silang-sila na dahil kinasal na sila at nagka-anak na di ba? Pero may dumating na kabit at yung kabit na iyon.. Yun ang sumira sa pamilya kaya sige nga na saan ang permanente doon? Na saan ang Forever?”sabi ko sa kanya at natigilan siya sa sinabi ko. Tumingin ako ng diretso sa mata niya at napahinga ako ng malalim.



“Wag kang magsalita ng Bitter as if kilala mo ako, Hindi mo ko kilala TJ hindi mo alam ang buhay ko at pinagdaraanan ko.”sabi ko sa kanya sabay Tumalikod na ko dahil feeling ko maiiyak na ko. I thought Forever is real but Forever is a Fairytale it doesn’t exist kasi kung totoo yun hindi sana masisira ang pamilya ko.



“Cornelia..”mahinang tawag niya sa akin sapat na para marinig ko.



“If you’re done blabbering your Forever you may leave my shop now.”sabi ko at kinuha ang trashbin at nilagay na doon ang mga kalat. Nang maramdaman kong lumabas na siya sa Office ko naramdaman kong nanlambot ang tuhod ko at kasabay ng pagbagsak ko sa sahig ay tumulo ang luha ko. Napahagulgol ako sa sakit na nararamdaman ko, Nagtatanong pa rin ako kung bakit kailangan sa amin mangyari ang bagay na ito.


Pinunasan ko yung luha ko at napatingin ako sa sahig pero kahit anong gawin kong punas sa luha ko hinding-hindi mawawala yung sakit at patuloy na tutulo ang luha ko. Please Lord bigyan niyo naman po ako ng sign yung sign na malalampasan kung yung Problema ko na ito at kung ano ang gagawin ko.. Please lang po..


Pumikit ako at huminga ng malalim ng tumunog ang phone ko kaya naman napadilat ako at agad na kinuha sa sling bag ko at sinagot.



"Hello?"sagot ko at pilit na inaayos ang boses ko.



"Hello po Miss Hernandez? Teacher po ito ni Coraline."agad ko naman pinunasan yung luha ko at tumayo.



"Hello po Ma'am bakit po kayo napatawag?"sabi ko at pilit na inaayos ang gargal kong boses.



"Si Coraline po kasi Miss Hernandez, Napa-away."pagkasabi nun ng Teacher ni Coraline natigilan ako.. Napa-away si Coraline?! P-Paano?



"Sige po papunta na ko."sabi ko at mabilisan kong kinuha yung Bag ko sabay labas ng Office ko nadatnan ko pa si Guia na kilig na kilig habang may kausap sa Phone sure akong si Colton yun i snap out of the thought and mabilis akong tumakbo palabas ng shop.


Pumara ako ng taxi and told them na sa St. Loraine Academy. Pagdating ko sa School ni Coraline ay dumiretso agad ako sa Principal's Office at nandoon si Coraline kasama yung kapatid ni TJ tapos nasa tapat naman yung nakaaway niya siguro kasama yung Nanay niya ata.



"Anong nangyari Coraline?"tanong ko sa kapatid ko at nilapitan ko siya, Napatingin ako sa kapatid ni TJ na nakatingin sa akin.



"Miss Hernan-"magsasalita na sana yung Principal ng magsalita yung nanay nung nakaaway ni Coraline.



"Ikaw ba ang nanay nitong walanghiyang batang ito? Aba kaya naman pala malandi ang nanay kaya walanghiya ang anak."sa sinabi niyang iyon napatiimbagang ako at nasampal ko yung babaeng yun. Wala akong pake kung sino yung nandito sa paligid namin. Sasampalin niya sana ako kaya lang nakalang ko ang kamay niya.



"Misis unang-una hindi ako malandi, Pangalawa hindi ko siya anak dahil kapatid ko siya at Pangatlo hindi walanghiya ang kapatid ko."sabi ko sa galit na galit na nanay na iyon at hinagis ko ang kamay niya. Tinignan ko si Coraline at humarap ako sa Principal na gulat na gulat sa ginawa ko.



"Ano po bang nangyari dito?"tanong ko sa Principal at tinignan niya muna yung nasampal kong nanay at saka ako tinignan.



"Miss Hernandez nagsabunutan po sa gitna ng Hallway ang dalawang bata at ang nagsimula raw ay si Coraline."sabi ng Principal napatingin naman ako kay Coraline na walang kaemo-emosyon ang mukha at diretso lang ang mukha walang bakas ng pagkakaba. Kilala ko si Coraline hindi siya basta-basta na nanakit kung walang matinong dahilan kaya naman tumingin ako sa Principal.



"Ma'am hindi po kaya may ginawa siya sa kapatid ko kaya siya nasabunutan?"tanong ko at galit na galit na nagsalita yung nanay. Peste hindi ba siya marunong huminahon at magsalita ng maayos?



"So sinasabi mong ang anak ko ang may diperensya? Ha?!"galit na sabi niya sa akin at tumatalsik pa ang laway kaya naman pinunasan ko yung mukha ko.



"Kilala ko ang kapatid ko Misis, Hindi siya basta-basta mananakit kung walang sinabi o ginawa ang anak niyo."sabi ko at tumingin ako kay CJ sure akong may alam itong batang ito.



"Ano ba yung talagang nangyari?"tanong ko kay CJ alam kong alam niya na siya ang kinakausap ko dahil nakatingin ako sa kanya.



"A-Ate kasi po sinabihan ni Faye si Coraline na babaero ang Daddy niyo kaya ayun nagsagutan tapos nahantong sa sabunutan kaya ngayon nandito po kami."sabi ni CJ kaya naman napapikit ako. Si Dad pa ang babaero samantalang si Mom ang may kabit!



"Totoo naman na babaero ang Dad niyo eh, Nakita namin nila Dianna na may kasama siyang babae."sabi nung Faye hindi ko na lang pinahalata na Curios ako kaya gumawa na lang ako ng Kwento.



"Half Sister ni Dad yung kasama niyang babae ang malisyosa naman po ng anak niyo Misis, Sige po Principal ako na pong bahala sa kapatid ko."sabi ko sa Principal at lumabas kaming tatlo nila Coraline sa Principal's Office, Habang nasa sasakyan taxi kaming tatlo dahil ihahatid ko muna si CJ sa kanila napaisip ako habang nakatingin sa bintana.


Ito na ba yung sign na hinihingi ko kanina? Ito na ba yun?





=======
=======


"Sure ka na ba Cornelia? Gusto mong tumira dito sa Condo Tower namin?"pag-aasure ni Shiela sa akin, Family niya ang may ari ng Anderson Towers.



"Yeah sure na sure dito kami titira ni Coraline."sabi ko habang pinaiikot ko ang ballpen ko sa table dito sa Cafe sa A Towers.



"What? You mean kayong dalawa ng kapatid mo? Eh paano si Tita Amelia?"tanong ni Shiela sa akin kaya napayuko ako. Napagdesisyunan ko kasi na humiwalay muna kami ni Coraline kay Mom para hindi siya masyadong ma-stress, Siguro kaya rin siya napaaway kanina dahil hindi maganda ang environment sa bahay.



"Ako ng bahala kay Mom basta lilipat kami ni Coraline dito as soon as possible, Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag lumala pa ang sitwasyon ni Coraline."sabi ko kay Shiela, Yinakap niya lang ako at bigla na lang akong napaiyak. Ang sensitive ko this past few days mabilis akong umiyak dahil sa sakit at sa problema.



"Shh Cornelia, Magiging okay din ang lahat."pagco-comfort ni Shiela sa akin. Yeah magiging okay din ang lahat.. sana.

_____________________________

Shiela and Cornelia at the side =)

~Cynthia

My Guy (series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon