“Cornelia wake up, Closing time na natutulog ka pa rin diyaan?”rinig kong sabi ni Shiela at napadilat ako. Gabi na at nandito pa rin ako sa Boutique while sleeping in the couch.
“What happened?”tanong ko kay Shiela natawa naman siya saka umupo sa tabi ko, Bumangon naman ako sa pagkakahiga ko.
“Nahimatay ka kanina, Tristan even brought you here and hinayaan ka na lang namin matulog since pagod ko ata.”sabi ni Shiela at doon bumalik lahat sa akin, I looked like a desperate one. Napahawak ako sa ulo ko at napaiyak, Sana hindi na ko gumising doon at sana namatay na lang ako.
Gusto ko lang naman gumanti pero bakit parang bumabalik sa akin yung ginagawa ko? Naramdaman kong yinakap ako ni Shiela kaya yinakap ko rin siya pabalik.
“Shiela bakit ganoon? Gusto ko lang naman gumanti pero bakit ako yung nasasaktan?”sabi ko kay Shiela at hinagod naman niya ang likod ko.
“Baka ito na rin yung signal na tumigil ka Cornelia, Eto na rin siguro yung signal na huminto ka na kasi wala ka namang mapapala eh. Siya na mismo ang lalayo sa iyo.”sabi ni Shiela sa akin. Titigil? Ang layo na ng narating ko para tumigil at huminto. Hahayaan ko na lang bang maging masaya si TJ habang ako nagdudusa kasi gusto kong ibalik sa kanya yung nararamdaman ko? Ang unfair naman ata nun.
“Tumigil ka na Cornelia, Tama na.”sabi ni Shiela at pinunasan ang luha ko, Tumango naman ako. Minsan talaga ako parang nagiging ate ko na si Shiela, Napangiti naman ako at inayos ang sarili ko. Sumabay na lang ako sa kotse ni Shiela at iniwan ang kotse ko dito, Hindi naman mawawala iyan diyaan.
Hanggang sa nakarating kaming A Towers at nasalubong namin si Jaiden Fuentabella sa Elevator. Nagulat pa nga siya ng makita kami ni Shiela na pumasok.
“Nice meeting you again Miss Cornelia.”rinig kong sabi ni Jaiden kaya naman nginitian ko siya, Sinundot naman ako ni Shiela at binulungan.
“Kilala mo si Mr. Fuentabella?”bulong sa akin ni Shiela at tumango naman ako tapos ngumiti siya ng malaki.
“Ang swerte mo Cornelia, Kilala ka ni Mr. Fuentabella. Hindi mo ba alam na malaki ang Company Base nila sa States? Fuentabella’s are one of the richest Family in the world.”bulong ni Shiela kaya naman tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Anong akala sa akin ni Shiela mahilig sa mayaman?
“So?”napatikhim naman si Shiela at umayos ng tayo hanggang sa lumabas na kaming tatlo. Ka-Floor nga kasi namin si Jaiden pero si Shiela sa Pent House siya sa itaas kasama si Marc. Dalawa lang naman kasi ang Room sa Pent House eh.
“Pero girl hindi naman talaga sila kasama sa One of the richest Family in the world noon, Tama lang ang yaman nila for the past Twenty Years kaya lang alam mo na lumilipas ang panahon kaya napasama sila. Wala kasing ibang ginawa ang mga Fuentabella kungdi magpayaman eh haha!”rinig kong tawa ni Shiela at siniko ko siya. Marinig siya ni Jaiden ang gaga talaga.
“Pero hindi mo ba halata? Medyo hawig kayo.”sabi ni Shiela kaya naman napataas ang kilay ko, Hawig? Ang layo pero magkakulay ng balat? Siguro.
“Ang layo Shiela.”sabi ko kay Shiela pero kiniliti niya ko sa tagiliran, Usual na ginagawa niya kapag inaasar ako sa isang lalaki.
“Alam mo ba yung kasabihan na kapag magkahawig ang dalawang tao Meant to be? Pero pwede ring magkapatid or magkamag-anak.”tawa ni Shiela at inilingan ko siya, Papasok na sana siya sa Unit namin ni Coraline ng saraduhan ko siya ng pinto. Ka-asar kasi eh kung anu-ano ang pinagsasabi.
BINABASA MO ANG
My Guy (series)
RomanceLove is unconditional, it is powerful. Even the person you hate the most, you won’t know what will happen once you fall in love to that person. Tristan James Gonzales is the man i used to hate for being my mom’s other guy but who would have thought...