“Let’s start a new Cornelia, Let’s start again.”sabi niya sa akin bago ako yakapin ng sobrang higpit. Natulala ako sa sinabi niya. Start a new? Start again? Nahihilo na ba siya? Inangat ko ang kamay ko at marahang tinulak ang dibdib niya para maka-kalas ako sa yakap pero mas lalo pa niyang hinigpitan ang yakap.
“Seven years Cornelia, Seven years. Pinilit naman kitang tanggalin sa sistema ko pero hindi ko nagawa.”sabi niya sa akin habang sobrang higpit ng yakap niya sa akin. Tinutulak ko ang dibdib niya para maka-alis ako sa yakap na ito. Nanlalambot na ang tuhod ko kanina pa at hindi ko na kakayanin kung magpapatuloy ng ganito.
“TJ Pwede ba?!”sigaw ko sa kanya at napahinga ako ng malalim. Nakahugot ako ng lakas pero hindi sapat iyon feeling ko lalo kong nanlambot ng makita ko ulit ang mukha niya.
“Magsisimula ulit? Sa tingin mo kaya ko iyon?”sa tingin mo kaya kong magsimula kasama siya kung hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan yung sakit na dinulot niya. Pitong taon.. Oo humihilom ang sugat. Oo lumilipas ang panahon at pagpapatawad pero hindi madaling gawin iyon kung hindi pa siya humihingi ng tawad sa nagawa niya, Sa mga nagawa niya.
“Bakit? Bakit hindi mo kaya? Ako kaya ko kahit na iniwan mo ko at nawala ka ng parang bula seven years ago.”sumbat niya sa akin. Ang kapal ng mukha niyang manumbat, Wala siyang karapatang manumbat dahil sa aming dalawa ako dapat ang magsumbat kung ano ang dahilan kung bakit ako nawala ng parang bula.
“Gago ka TJ, Gago ka pa rin hanggang ngayon. Selfish Jerk.”sabi ko sa kanya bago ako lumabas ng kwartong iyon. Pumasok ako sa washroom ng floor na ito at agad na pumasok sa isang cubicle. Napasandal ako sa dingding dahil feeling ko sobrang nanghina ako. Grabe ka TJ ang lakas pa rin ng impact mo sa akin.
Napahawak ako sa dibdib ko na ang lakas ng kabog. Alam kong may nararamdaman pa ako sa kanya pero iniisip ko palang ang mga bagay na kinuha niya sa akin noon hindi ko alam kung saan napupunta yung nararamdaman ko sa kanya.
Nang bumalik ang paghinga ko, Lumabas ako sa cubicle at napatingin sa salamin. May smudge ng lipstick sa gilid ng labi ko na hindi napunasan kanina, Agad kong kinuha ang panyo sa bulsa ng skirt ko at pinunasan ang labi ko. Nakagat ko ang lower lip ko ng maalala ko kung gaano kalambot ang labi niya.
The way his lips move in my lips passionately and gently earlier hindi ko makakalimutan ang halik niya. Kung paano siya humalik noon hindi iyon nagbago hanggang ngayon. Winaksi ko agad kung ano ang iniisip ko at inayos ang sarili ko. Lumabas ako ng washroom at nagulat ako ng makita ko siya sa labas pero kasama niya yung naga-apply na model sa amin.
I wonder who she is? Ano siya sa buhay ni TJ? Pero bakit ko naman aalamin? Wala akong pake kung sino siya sa buhay ni TJ dahil in the first place wala naman akong dapat pake kay TJ.
“Tatawagan na lang daw ako ni Miss Anderson and ni Mrs. San Diego kung sakaling tanggap ako.”sabi niya kay TJ, Nasa gilid sila ng pintuan ng Conference room. I act naturally at hindi sila pinansin pero napansin ako ng kasama niya. I forgot her name..
“Nice to meet you again Miss Crea Fuentabella, Ang ganda niyo po pala talaga sa personal.”puri niya sa akin.
“Nice to meet you too, Tatawagan ka na lang namin kung tanggap ka.”nakangiti kong sabi sa kanya at napatingin ako kay TJ. Pakiramdam ko naging awkward ulit ang atmosphere sa aming dalawa, Papasok na sana ako sa Conference room para mawala na naman yung awkward feeling ng hawakan niya ang braso ko na nagdulot ng milyon-milyong boltahe sa katawan ko.
BINABASA MO ANG
My Guy (series)
RomanceLove is unconditional, it is powerful. Even the person you hate the most, you won’t know what will happen once you fall in love to that person. Tristan James Gonzales is the man i used to hate for being my mom’s other guy but who would have thought...