Other 4

10.7K 99 11
                                    

Guia and Shiela at the side.

__________________________________

Tinitignan ko yung mga Designs nila dito sa Boutique and i found some amusing pero hindi babagay sa katawan ni Amelia. Tinignan ko yung babaeng naka-upo sa harapan ko at tinititigan yung mga Clear Books na hawak niya parang nagre-reminsce siya sa mga Designs nila. Nang may mahagip ang mata ko sa tinitignan niya.

“Wait! Let me see that.”sabi ko at napataas naman siya ng kamay at hinugot ko yung Clear Book na nakapatong sa Coffee table. This is wonderful for Amelia, Tinignan ko siya at ngumiti ako.

“Ito, Ito ang gusto ko para sa kanya.”sabi ko sa babaeng nasa harapan ko then she just nodded and stare to the design.

“Okay fine size ng katawan niya para sa exact measure.”sabi niya sa akin kaya naman na-blanko ako. I don’t know her body size basta ang alam ko sexy siya haha. Until i notice something na parehas sila ng katawan ni Amelia.

“Pwedeng tumayo ka?”tanong ko sa babaeng nasa harapan ko kaya naman nagkatinginan sila na nagtataka sa sinabi ko.

“A-Ako? Bakit?”sabi niya at automatic na tumaas ang kilay niya. Tsk! Sungit naman nitong babaeng ito.

“Oo ikaw tanga! Tumayo ka kasi napansin kong parehas kayo ng katawan ng girlfriend ko and gusto kong malaman kung magka-height kayo.”sabi ko sa kanya tapos umiling na lang siya at napa-cross arms.

“Sir we don’t offer that kind of treatment, Bakit hindi niyo na lang dalhin dito yung girlfriend niyo para siya ang makapili ng babagay sa kanya.”sabi niya pero napangiti naman ako sa pinagsasabi niya.

“This is a Surprise.”sabi ko at napa-iwas naman siya ng tingin, Pahiya siya eh. Ayun tumayo na siya kaya naman tumayo ako para matitigan yung lapad ng katawan niya, Inikutan ko rin siya para sure kaya lang may napansin ako medyo malapad kasi si Amelia kapag yinayakap ko kasi siya parang hindi fit yung katawan ko sa katawan niya pero kahit na ganoon mahal ko pa rin siya.

“Ugh quit staring! Hindi nakakatuwa at tapos ka na ba?”sabi niya sabay cross arms habang nakatingin sa akin napangiti naman ako.

“Medyo parehas kayo ng katawan sige gawin mo ito and i will double the payment.”sabi ko sabay wink sa kanya at halata naman na masuka-suka siya sa ginawa ko. Natawa na lang ako sa reaksyon niya, Nakakatuwa palang mang-asar ng mga taong naaasar agad.

“Kailan kailangan itong Dress?”tanong niya sa akin habang nilalagay yung pansukat sa leeg niya at nagsuot ng salamit sabay lagay ng lapis sa may tenga niya.

“Sa sabado.”sabi ko sa kanya then napanganga siya.

“What?!”gulat na sabi niya and halos mabalibag niya ko palabas ng Boutique niya.

“Are you out of your Mind? The Day after tomorrow mo na kailangan? Aba dapat nag-shopping ka na lang or pumili ka sa mga gawa ng dress dito.”sabi niya sa akin kaya natawa naman ako sa reaksyon niya.

“I want the best for her okay? Kung hindi mo man siya matapos by Friday, Bring that Dress to G. Hotel and Resort at Saturday before 5pm.”sabi ko sa kanya at napanganga siya. Pumunta siya sa may Counter at may kinuhang siyang parang papel saka lumapit sa akin.

“Oh ano yun?”tanong ko sa kanya nagulat ako ng may tinapal siyang papel sa mukha ko kaya naman kinuha ko yung papel at tinignan ko may nakasulat na VIP Private Form.

My Guy (series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon