Only 12

8.4K 91 17
                                    

Nakangiti ako habang naglalakad sa hallway ng Condo Unit ko. Yung pakiramdam na nakawala sa hawla yung puso ko? Pakiramdam ko naging malaya ako ng sabihin ko kay Cornelia na mahal ko siya. Sa totoo niyan hindi ko naman talaga alam kung kailan ko naramdaman na espesyal sa akin si Cornelia eh. Hindi ko alam kung kailan basta ang alam ko lang naaasar ako nung nakita ko siyang kasama ni Fuentabella.

Pero aaminin ko na-miss ko talaga si Cornelia, na-miss ko yung presence ni Cornelia simula nung pinalayo ko siya sa akin, Natakot kasi ako nung araw na malaman kong nagpa-check up siyang buntis siya kaya siguro ganoon na lang ako makapag-react.
 

Nilagay ko ang password ko sa Condo Unit ko at pumasok ako sa loob. Nagulat ako ng may yumakap sa akin pagpasok ko and to my surprise it’s Amelia, Hinawakan ko siya sa braso niya para tignan ko siya. Ilang araw ko rin siyang hindi nakita dahil napapadalas ang pagka-Missing in Action niya.

“Na-miss kita, Sorry nga pala kung hindi ko na-celebrate yung birthday mo kahapon may nangyari kasi eh.”sabi niya at napakagat ako ng labi ko bigla akong nakaramdam ng guilt, Oo mahal ko si Cornelia pero mahal ko rin naman si Amelia kaya lang feeling ko kasi mas nangingibabaw si Cornelia sa kanilang dalawa.

“Amelia..”tawag ko sa kanya at ngumiti naman siya sa akin, Alam kong malaki ang sinakripisyo niya para sa akin. Alam kong nasira ko ang pamilya niya dahil sa akin pero natatakot ako ngayon sa mangyayari kapag nalaman ni Amelia ang totoo.. Ang totoo na nawawala na ang feelings ko sa kanya.

“Bakit Tristan?”tanong niya sa akin at pinaupo ko siya sa sofa habang ako nakaupo sa harapan niya habang hawak ang kamay niya.

“Amelia i am sorry.”iyan ang unang lumabas sa bibig ko at napayuko naman ako, Inangat niya ang ulo ko para makita ako.

“Bakit ka naman nagso-sorry? Dapat nga ako ang mag-sorry dahil ang dami ko ng pagkukulang sa iyo eh.”sabi niya sa akin at umiling naman ako, Pinisil ko ang kamay niya at tinignan siya sa mata pero masyado akong nakonsensya kaya iniwas ko ang tingin ko.

“Tristan ano bang problema? Look tumingin ka sa akin please?”sabi nya sa akin, She cupped my face and guide it to her direction.

“Tristan tell me, Ano bang problema mo?”tanong niya sa akin habang nakatitig sa mata ko. Pakiramdam ko sobrang sama kong tao, Pakiramdam ko ang sama-sama kong tao. Binigay niya sa akin lahat pero nagawa ko siyang pagtaksilan. Anong magagawa ko? Nahulog na rin kasi ako kay Cornelia.

“Amelia..”tawag ko sa kanya, Para kong batang humihingi ng tawad sa magulang niya sa sobrang laki ng pagkakamali ko. She lift my head at napakagat ako ng labi ko, Hinaplos niya ang pisngi ko ng maramdaman kong may tumulong butil ng luha sa mata ko.

“Amelia i am so sorry.”sabi ko sa kanya at napa-yuko ako dahil sa sobrang hiya.

 

“Tristan tignan mo ko please? Sabihin mo sa akin ng maayos ang lahat.”sabi niya sa akin at napahinga ako ng malalim. Be a man Tristan, Be a man enough to tell her the truth.

 

“Amelia i think.. I think we should stop right now. Ayoko kitang masaktan because i think I am inlove with someone.”sabi ko sa kanya at hinarap niya ko sa kanya pero hindi ako tumitingin. Guilt, Pain and Sadness.. Halo-halo ang emosyon na nararamdaman ko ngayon.

My Guy (series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon