Final

5K 114 11
                                    

“Hindi na darating ‘yun, Inaway mo ba naman kagabi.”nakangising pananakot sa akin ni Marc pero sorry siya alam ko sa sarili ko na okay kami ni Cornelia bago ko siya ihatid sa kanila.

“Saka isa pa di ba hindi pwedeng magkita ang ikakasal sa bisperas ng kasal? Hala ka Tristan! Hindi darating si Cornelia, Hindi matutuloy ang kasal.”pananakot naman ni Colton kaya lang medyo over reacting yung pagkasabi niya kaya walang naniwala. Binatukan pa siya ni Finn.

“Alam niyo tumigil na kayo, Nag-text na si Laura malapit na raw sila.”seryosong sabi ni Finn at tumingin sa wrist watch niya habang hawak ang phone niya kung saan ata nag-text ang asawa niya.

Nakita ko si Mama na papunta sa gawi namin kasama yung pinsan kong si Sofie na halatang asar pero nakangisi. Pagkalapit nilang dalawa sa akin mabilis na hinaplos ni mama yung buhok ko at yinakap ako ng mahigpit. Ngumiwi si Sofie sa kadramahan ni mama pero masisisi ko ba siya? Kasal ko na ‘to.

“Parang kailan lang..”sabi ni mama na maluha-luha habang inaayos ang necktie ko, Natawa naman ako tapos si Sofie naman bumuntong hininga bago magsalita para i-segueway si mama.

Nagpaliwanag na sa akin si Tita, You know what ang arte niya.”asar na sabi ni Sofie sa akin. Inilingan ko na lang si Sofie mas magandang hindi na lang siya nagsalita pero natutuwa ako at dumalo siya sa mismong araw ng kasal ko. Nung engagement party kasi hindi siya dumalo dahil nga sa asar daw siya kay Cornelia matapos akong hagisan ng singsing noong reunion namin sa Ancestral House namin.

Ang sabi pa niya “You don’t do that to a Gonzales.” Humalakhak pa si Kenrick na pinsan ko rin na kapatid niya dahil halos pumutok siya sa asar noon kay Cornelia.

“Sofie ayos na kami, May nangyari lang talaga at kasalanan ko rin naman iyon.”sabi ko sa kanya at bumuntong hininga siya saka ako tinapik sa balikat.

“Pero seryoso Kuya TJ, Ang cute ng anak niyong dalawa. I can’t believe na pitong taon niyang tinago ang gwapong batang iyon, Like seriously?”napalakas ang boses ni Sofie kaya maraming napatingin sa kanya pati mismong mga sakristan dito sa simbahan. Si mama naman siniko si Sofie at sinenyasan.

“Kalma Fie, Tignan mo tuwang-tuwa na naman si Charles sa paglaki ng butas ng ilong mo.”sumingit naman ang kapatid ni Sofie na si Kenrick kasama yung isa nilang kaibigan.

“Whatever.”pagsusungit ni Sofie at umirap bago umalis sa harapan namin. Si mama inilingan si Sofie saka umalis para makipag-usap sa mga bisita namin.

“Congrats TJ! Matatali ka na, No freedom anymore.”sabi ni Kenrick kaya tinulak ko siya ng mahina pero imbes na mainis siya sa akin tumawa na lang siya sa ginawa ko.

“Best wishes, Mr.Gonzales.”sabi ng kaibigan ni Kenrick, Napakunot ang noo ko. Tumawa yung tatlong ugok sa gilid ko habang si Kenrick napatigil sa pag-tawa hanggang sa na-realize niya ang sinabi ng kaibigan niya.

“Ay Gago!”saka tumawa si Kenrick, Namutla naman yung kaibigan niya saka umalis sa harapan ko. Tawa ng tawa si Kenrick na sinundan yung kaibigan niya.

Maya-maya pa may sumigaw mula sa labas. “Nandyan na yung Bride!” Sa wakas! Dumating na rin ang sasakyan. Umalis na sa tabi ko sina Colton at Finn kaya obviously si Marc ang best man ko. Kahit naman gago ‘tong lokong ‘to siya pa rin ang pinaka-close ko sa lahat dahil bata palang kami magkaibigan na kami ni Marc.

“Ayan na yung bride mo, Yayain ko na rin kayang magpakasal si Shiela? Sa ating apat ako na lang ang walang asawa eh.”sabi ni Marc sa akin at siniko ko siya dahil ano? Magpapakasal siya para lang maki-uso?

“Pakasalan mo si Shiela dahil nakikita mo na yung kayong dalawa sa pag-tanda hindi dahil gusto mo lang maki-uso.”sabi ko sa kanya at nag-sign of the cross siya sa akin saka yumuko.

“Amen.”sabi niya sabay tawa kaya sinamaan ko na lang siya ng tingin saka inilingan. Tumingin na ako sa may pintuan ng simbahan at hindi ko maiwasan na ngumiti ng sobrang laki dahil natanaw ko na si Cornelia.

Nakita ko na ang babaeng makakasama ko habang buhay, I never thought that this girl will complete my life.


What the hell is wrong with you?! Alam mo bang nagasgasan ang kotse ko!”galit na sabi ko sa kanya at kinaladkad ko siya sa kotse ko kung saan niya nagasgasan. Matapos niyang makita ang gasgas sa kotse ko she just stared at me na parang hindi siya makapaniwala.

Magsasalita na sana ako sa kanya dahil shit! Male-late na ako sa pupuntahan ko at kailangan ko ng umuwi.

Nagasgasan lang ang kotse mo kesa naman sa kotse ko sinira mo yung bumper ko.”sabi niya sa akin habang itinuturo ang bumber niyang may sira nga. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa oras na ito dahil siguro inis ako na ginasgasan niya yung kotse ko o dahil sa parang paiyak na siya.

My Guy (series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon