Foolish Hearts (Teaser)

3.7K 61 9
                                    

Nakaratay si Trick sa kama, Hinang-hina ito at putlang-putla ang mukha. Hirap na hirap din ito sa paghinga at umuubo-ubo pa. Pumasok naman bigla si Ashley sa loob ng kwarto niya para tignan kung buhay pa ba ang lalaking iyon dahil siya ang may kasalanan kung bakit ito nakaratay ngayon.

“Ash..”tawag ni Trick kay Ashley at agad namang lumapit si Ashley. Kahit na naiinis siya kay Trick nararamdaman pa rin niya ang guilt dahil kasalanan niya kung bakit ganyan ang sitwasyon ni Trick ngayon.

“Anong kailangan mo?”tanong ni Ashley na mahinahon na hindi naman niya madalas ginagawa kay Trick. Ngumiti si Trick at hinawakan ang kamay niya, Agad namang kumunot ang noo ni Ashley.

Pilit niyang tinatanggal ang kamay ni Trick sa kamay niya pero hindi pumayag si Trick at huminga ng malalim habang nakatingin kay Ashley.

“Ash hindi ko na kaya..”hinang-hina na sabi ni Trick, Natigilan si Ashley at tinignan si Trick na bakas sa mukha na hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Trick.

“Ikaw na bahala kay mama at papa ha? Magpakabait ka na rin please? Alagaan mo rin si Grea, Sabihin mo sa kanya mahal na mahal ko siya kaya wag siyang maging pakawara kapag nawala na ako-”hindi natapos ni Trick ang sasabihin niya dahil agad siyang binatukan ni Ashley na naging dahilan kung bakit lalong sumakit ang ulo niya.

“Leche ang drama mo! Tigilan mo ko Trick may lagnat ka lang!”asar na sabi ni Ashley kay Trick saka ito tinulak. Asar na umalis si Ashley sa kwarto ni Trick, Si Trick naman matawa-tawa sa naging reaksyon ni Ashley sa pambibiro niya.

Napa-ubo pa si Trick at suminghot dahil sa plema’t sipon. Samantala asar na asar si Ashley kay Trick, May sakit na nga ito ang lakas pa rin mang-asar.

_________________________

Hindi ko alam kung kailan ko ipo-post 'to makikita niyo na lang sa news feeds niyo na susulpot. Basta Rom-Com 'to hahaha hindi komplikado tulad nitong My Guy Series, Lol!

~Cynthia

My Guy (series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon