“Anong ginawa mo sa showcase kanina Cornelia?”tanong sa akin ni Shiela ng makauwi kami sa bahay namin nila Trick. Nilingon ko si Shiela na at tinignan ko siya na parang walang nangyari sa after party.
“What? Successful naman ang showcase ah.”matawa-tawa kong sabi kay Shiela at pilit na hindi binabanggit ang tungkol sa nangyari sa after party.
“No Cornelia, Not that! Anong ginawa mo kay Tristan?”tanong ni Shiela kaya naman agad akong nataranta, Sinamaan ko muna siya ng tingin bago ako tumingin kay Trick.
“Trick umakyat ka sa taas, Tiray samahan mo si Trick sa taas para makapagpahinga na siya.”sabi ko kay Trick at Tiray. Ayokong marinig ni Trick ang pangalan ni TJ kahit na ano pa! Mapa-Gonzales, Tristan or whatever basta walang kinalaman sa kanya hangga’t maaari ayokong banggitin ang lahat ng bagay tungkol sa kanya sa harapan ni Trick.
“No Trick, You stay.”napatingin ako kay Guia na nasa likod ko. I thought si Shiela lang pero bakit pati siya? Sinamaan ko rin ng tingin si Guia bago ko ibalik ang focus ko kay Trick.
“Trick umakyat ka na at magpahinga.”sabi ko sa anak ko na paakyat na ng magsalita si Guia na napatigil sa anak ko at sa akin.
“Bakit ba ayaw mong marinig ni Trick ang tungkol sa papa niya?”tanong ni Guia kaya naman nilingon ko siya at sobrang talim na talaga ng tingin ko sa kanya.
“Guia!”sigaw ko kay Guia para tumahimik siya pero imbes na tumahimik nagsalita pa siya lalo.
“Magalit ka na sa akin Cornelia pero wala na akong pake. Kung noon hindi mo nagawang magalit sa amin ni Colton pero ngayon okay lang sa akin kahit na magalit ka dahil sobrang naaawa na ako sa anak mo.”sabi ni Guia sa akin bago siya tumingin kay Trick habang ako naman ay napapahinga ng malalim sa sobrang galit ko kay Guia.
“Cornelia ina rin ako, Ayokong nakikitang nasasaktan ang anak ko at sa tingin mo ba ayos lang si Trick? Hindi Cornelia, Hindi ayos si Trick.”mahinang sabi ni Guia kaya nagsalubong ang dalawang kilay ko. Hindi siya ang magsasabi kung ayos o hindi si Trick.
“Tama na Guia, Trick umakyat ka na.”utos ko kay Trick at tinignan ko si Trick na nakahawak lang sa hawakan ng hagdanan habang nakatingin sa akin.
“Cornelia tama na please? Hanggang kailan mo iiwas si Trick sa papa niya? Hanggang kailan mo siya itatago kay Tristan?”tanong ni Guia sa akin kaya nilingon ko siya.
“Hangga’t kaya ko. Walang karapatan si TJ kay Trick dahil walang kwentang tao si TJ.”sabi ko kay Guia at tinalikuran ko silang dalawa ni Shiela bago ako lumapit kay Trick na nasa hagdan.
“Trick magpahinga ka na.”utos ko kay Trick na nakatitig lang sa akin at para bang wala siyang maibigay sa akin ni eskpresyon.
“Cornelia kailangan ni Trick si Tristan, Kailangan ni Trick ang ama niya.”at napatigil ako sa paglalakad ko, Nagsalubong ang dalawang kilay ko at nilingon kong muli sina Guia at Shiela.
“Hindi namin kailangan ni Trick si TJ, Kung kailangan man ni Trick ng ama nandyan si Jaiden siya ang pwedeng tumayong ama ni Trick.”mariin kong sabi kay Guia pero inilangan niya lang ako.
“No Cornelia you’re wrong. Kung ikaw hindi mo kailangan si Tristan, Si Trick kailangan niya si Tristan dahil hindi mapupunan ni Jaiden ang pagiging ama kay Trick dahil hindi siya ang totoong ama ni Trick.”umiiling na lang ako habang pinapakinggan si Guia, Hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga sinasabi ni Guia.
BINABASA MO ANG
My Guy (series)
RomanceLove is unconditional, it is powerful. Even the person you hate the most, you won’t know what will happen once you fall in love to that person. Tristan James Gonzales is the man i used to hate for being my mom’s other guy but who would have thought...