Other 8

9.7K 87 22
                                    

Young Cornelia and Coraline at the Multimedia =)

________________________________

"Coraline mag-impake ka."sabi ko kay Coraline habang mahigpit ang hawak ko sa phone ko. Hindi kami sinasagot ni Mom at sure ako nandoon siya sa lalaking iyon!



"Ate saan tayo pupunta?"tanong sa akin ni Coraline, Hinarap ko siya sa akin.



"Coraline lilipat tayo ng bahay, Tayong dalawa lang it's for your own good para hindi ka masyadong stress and you need a new environment."sabi ko kay Coraline, Napa-frown naman siya sa sinabi ko.



"Ate lilipat mo rin ako ng school?"sabi niya umiling naman ako kay Coraline. Hinawakan ko sa kamay ang kapatid ko.



"No doon ka pa rin mag-aaral, Sa Condo Towers nila Shiela tayo lilipat."nakangiti kong sabi kay Coraline tumango naman siya at umakyat sa itaas, Pag-akyat niya doon na sobrang sumama ang loob ko. Nakita namin ni Shiela si Dad kanina sa Mall and confirmed may kabit din si Dad kaya mas lalong nagpuyos ang damdamin ko sa parents ko, Hindi na kailangan malaman ni Coraline ito dahil alam kong mas masasaktan siya dahil naniniwala siya na walang kabit si Dad at si Mom lang.


Dinial ko ang number ni Mom, Last na talaga kapag hindi siya sumagot aalis na talaga kami ni Coraline dito. I wait pero wala pa rin kaya i gave up! Inis na inis akong pumasok sa kwarto ko para mag-impake ng mga gamit ko. Paglabas ko naabutan ko si Coraline na may dalang maleta at binababa niya, Binitawan ko ang akin at nilapitan ko siya.



"Ako na sumunod na ka lang sa Garage kunin mo lahat ng gamit mo tapos kapag nakababa ka na sa Garage antayin mo lang ako may aayusin ako."sabi ko kay Coraline at tumango muna siya bago bumalik sa kwarto niya. Ibinaba ko ang gamit ni Coraline sa may garage at umakyat ulit ako para kunin naman ang mga gamit ko.


Nang matapos kami ni Coraline ay pinapunta ko siya sa may garage para ipahanda ang kotse, Kumuha ako ng malinis na papel at nagsimulang magsulat sa papel. Habang nagsusulat ako tumutulo ang mga luha sa mata ko, Oo nasasaktan akong iiwanan namin ang Mom namin pero mas masakit kung patuloy kaming aasa na maibabalik pa sa normal ang pamilyang ito. Iniwan ko sa kama ang sulat at lumabas na ko sa kwarto ko. Bumaba ako sa may garage at tinulungan ko sina Manang na ilagay ang mga gamit namin sa Trunk ng kotse ko.



"Hindi ba talaga namin kayo mapipigilan Cornelia?"tanong ni Manang umiling naman ako kay Manang.



"Sorry po kayo na po bahala kay Mom, Sige po alis na po kami ni Coraline."sabi ko kay Manang at pumasok na ko sa kotse, Tinignan ko si Coraline na nakatingin lang sa bintana ng kotse ko.



"Wala ka bang naiwan?"tanong ko sa kanya, Tumingin siya sa akin at ngumiti ng pilit.



"Wala na kong naiwan ate, Tara na."sabi niya at nag-drive na ko. Patingin-tingin ako kay Coraline na nakatingin sa bintana ramdam kong umiiyak siya.



"Coraline wag ka ng umasa na babalik pa tayo sa dati, Sirang-sira na tayo."sabi ko at biglang tumulo ang luha sa mata ko.



"Bakit ate? Hindi na ba natin maibabalik si Mommy at Daddy sa dati?"sabi ni Coraline sa akin pinunasan ko naman yung luha ko gamit ang isa kong kamay habang ang isa ay nasa manibela.



"Hindi na! Hinding-hindi na!"sigaw ko at hininto ko ang kotse. Sinubsob ko ang mukha ko sa manibela at umiyak, Narinig ko ang hikbi ni Coraline na hinahagod ang likod ko ramdam kong pinapatahan niya ako. Kung masakit para sa akin ang lahat paano pa kaya kung si Coraline na? Mas masasaktan siya kapag nalaman niyang parehong may kabit ang magulang naming dalawa.



"Ate sorry."rinig kong sabi ni Coraline at ramdam kong yinakap niya ko kaya naman umayos ako ng upo at yinakap siya ng sobrang higpit.



"Sorry din kung nasigawan kita, I am sorry hindi na uulitin ni Ate."sabi ko at hinalikan ko sa buhok si Coraline, Siya na lang ang pamilya ko at hindi ko kakayanin kapag nawala sa akin si Coraline.



“Tara na Ate.”sabi ni Coraline at nagdrive na ko papunta sa Condo Towers nila Shiela. Tahimik lang kami buong byahe ni Coraline, Kailangan kong maging matatag para sa aming dalawa dahil sa tingin ko kaming dalawa na lang ang natira sa pamilya naming dalawa.


Nang makarating kami sa Condo Towers inasikaso kami agad ng mga staffs dahil kilala naman ako dito dahil kaibigan ko si Shiela. Nasa cart naman ang mga gamit namin habang ang mga importanteng gamit namin ay hawak naming dalawa ni Coraline. Sinalubong kami ni Shiela sa floor namin nakapamewang pa ang loka.



“Welcome to my Palace!”bonggang sabi ni Shiela at natawa naman kami saglit ni Coraline dahil mukhang tanga si Shiela pati yung nagtutulak ng Cart na Staff niya tumawa rin.



“So ako na ang pumili ng Condo Unit niyo since malapit na tayo sa Penthouse kaya medyo malaki na ang napili ko para sulit din ang bayad mo.”sabi ni Shiela ngumiti naman ako sa kanya.



“Thank you ng marami Shiela sobrang maraming salamat.”sabi ko kay Shiela hanggang sa makapasok kami sa Condo Unit.



“Ano ayos ba?”tanong ni Shiela sa amin habang nakangiti. Tinignan ko ang paligid ayos naman, Maganda at Maaliwalas ang lugar sobrang peaceful.



“Oo salamat.”sabi ko kay Shiela at inayos na namin ang mga gamit namin. Paulit-ulit si Shiela sa pagtatanong sa amin kung ayos lang ba at kung okay ba yung Unit at paulit-ulit kaming sumasagot sa kanya.



"Sigurado kayo ayos na talaga sa inyo itong Condo Unit?"pag-aasure ni Shiela sa amin, Ngumiti naman ako kay Shiela at hinarap siya.



"Naku Shiela paulit-ulit tayo? Oo sobrang sure na ayos sa amin itong Condo Unit sobra pa nga eh tatlo ang kwarto dito eh dalawa lang kami ni Coraline."sabi ko kay Shiela, Hinawakan naman ako ni Shiela sa balikat.



"Reserved yan baka kasi dito ako madalas matulog."sabi ni Shiela at humalakhak, Natawa naman ako sa sinabi ni Shiela. Napaisip naman ako gagawin ko na lang Guest Room yung isang kwarto.



"Ate, Ate Shiela lalabas lang po ako."sabi ni Coraline kaya naman napakunot ang noo ko saan pupunta si Coraline ng ganitong oras?



"Saan ka pupunta?"tanong ko kay Coraline, Naka-jeans at hoody jacket siya.



"Nakita ko kasi na may Garden sa ibaba gusto ko sanang magpalamig."sabi ni Coraline napatingin naman ako kay Shiela.



"Sige Coraline magpalamig ka sa Garden, Safe doon don't worry."sabi ni Shiela at lumabas na si Coraline sa Unit namin. Nginitian ko naman si Shiela at inayos ko na ang mga gamit namin, Tinulungan naman niya ko.



"Napansin ko nga medyo tumamlay iyang si Coraline hindi tulad ng dati na pala ngiti."sabi ni Shiela sa akin, Napatingin ako kay Shiela she paused a while before she talks again.



"What? Nagsasabi lang ako ng observations ko, Tama lang talaga ang desisyon mo na bigyan ng New Environment si Coraline lalo na ngayon at may kabit si Tita Amelia dumagdag pa si Tito Cornell."sabi ni Shiela kaya napatigil ako at sinamaan ko siya ng tingin.



"Shut up Shiela! Paano kung narinig ka ni Coraline? Edi lalong nasaktan ang kapatid ko tama lang na ako na lang ang makaalam para ako lang ang masaktan hindi niya deserve ang mga ganitong bagay."sabi ko kay Shiela at yinakap niya ko.



"Sorry Cornelia i am so sorry hindi ko na uulitin shh."sabi niya at kinomfort ako. I am still lucky dahil nasa tabi ko si Shiela hindi ko siguro alam ang gagawin ko kung pati ang mahahalagang tao sa buhay ko mawala rin sa akin tulad ni Mom at Dad.



“Shiela bakit ba nangyari sa amin ito? Bakit kailangan sa amin pa?”tanong ko kay Shiela hinahagod niya lang ang likod ko at nag-iiyak na lang ako.



“Maybe it’s just a challenge from God, Kakayanin mo yan and everything happens for a reason Cornelia.”sabi ni Shiela sa akin, Napatingin naman ako sa kanya at kinonvince ang sarili ko na maaayos pa ang pamilya namin kahit na hindi na.





=======
=======


Napatingin ako sa Wall Clock wala pa rin si Coraline alas onse na kaya nagdesisyon na ko na sunduin siya sa Garden. Lumabas ako ng Condo Unit at naglakad ako papunta sa Elavator, Pipindutin ko na sana ang elevator ng bumukas ito at lumabas si Coraline agad ko naman siyang yinakap dahil sa sobrang alala ko sa kanya.



“Akala ko kung ano ang nangyari sa iyo!”sabi ko kay Coraline, Ngumiti lang siya sa akin ng kumalas kami ng yakap. Napansin kong nag-iba ang aura niya at parang hindi gaanong kabigat tulad kanina.



“Anong nangyari bakit parang nag-iba ang aura mo?”tanong ko kay Coraline at inakbayan ko siya habang naglalakad kami papuntang Condo Unit naming dalawa.



“May nakilala lang ako ate kaya medyo gumaan ang loob ko.”sabi ni Coraline kaya naman napatingin ako sa kanya, Gusto kong makilala ang nagpagaan ng loob ni Coraline.



“Sino naman yan at napagaan niya ang loob mo?”tanong ko sa kanya, Tinignan niya ako saglit at ngumiti siya.



“Her name is Alexa dito rin siya nakatira and tulad natin broken family din siya galing, Kung tutuusin mas masuwerte tayo kasi tayo si Mom lang ang problema pero yung sa kanya parehas na parents niya ang may problema tapos only child lang siya.”nawala ang ngiti ko sa labi ng marinig ko ang sinabi ni Coraline paano kapag nalaman niyang parehas sila ng kalagayan nung Alexa tungkol sa parents namin? Nung tumingin siya sa akin ngumiti ako at inakbayan ko na lang ang kapatid ko.



“Swerte nga tayo.”iyon na lang ang nasabi ko bago kami pumasok sa Condo Unit namin. Agad na pumasok sa bedroom niya si Coraline napatingin naman ako sa pintuan ng kwarto niya, Umiling na lang ako sabay pasok sa kwarto ko. Humiga ako sa kama ko at pumikit, If i could only bring back the past gagawin ko maibalik ko lang ang masasayang times namin ng pamilya ko.




Naalimpungatan ako dahil sa tunog ng phone ko, Napatingin ako sa side clock ko ang aga-aga sinong walanghiya ang tumatawag ng ganito ka-aga? Kinuha ko iyon at sinagot.



“Hello?”walang gana kong sagot dahil antok na antok ako, Anong oras na ko nakatulog kagabi dahil nga inantay ko pa si Coraline.



“Naistorbo ko ba ang tulog mo Mais?”napataas ang kilay ko kahit na nakapikit ako. Walanghiya talaga ang agang mangistorbo bwisit na lalaking ito.



“Hoy lalaking panda may pangalan ako at hindi mais! Kung wala kang matinong sasabihin ibababa ko na ito dahil antok na antok ako bwisit!”sigaw ko sa kanya sa kabilang linya peste natutulog yung tao tapos biglang mang-iistorbo?



“Chill lang mais hindi ka naman mabiro eh.”sabi niya kaya napilitan akong dumilat at sumandal sa headboard ng kama ko.



“Nangaasar ka ba talaga? Sabi ng Cornelia hindi mais ang pangalan ko punyeta saka alam mo ba ang kasabihan na magbiro ka na sa lasing wag lang sa bagong gising na ginising.”sabi ko sa kanya at napatawa siya sa sinabi ko, Umiling na lang ako dahil tinawanan ako ng loko.



“Ano bang kailangan mo at napatawag ka ng ganito ka-aga? Hindi pa nga sumisikat ang araw sa bintana ko bwisit ka!”sabi ko sa kanya tumikhim naman siya at pumikit ako dahil antok na antok talaga ako.



“May kakilala kasi ako nagtanong sa akin kung may kilala raw akong designer ng Wedding Gown and Tuxedo then yung Boutique mo ang una kong naisip so gusto mo ba silang i-assist?”tanong niya sa akin, Sus iyon lang pala punyetang lalaking ito.



“Sige-sige ako na magde-design ng Wedding Gown and Tuxedo nila sa kasal papuntahin mo na lang sila sa Boutique ko for more details.”sabi ko sa kanya at ibaba ko na sana ang phone ko para bumalik sa tulog ng sumigaw siya.



“WAIT LANG!!”sigaw niya sa kabilang linya kaya nagising ang kaluluwa ko dahil natulilig ang tenga ko sa sigaw ng bwisit na lalaking ito.



“Ano ba?! Gusto mo ba talagang masira ang eardrums ko ha?!”asar na sabi ko dito sa lalaking ito.



“Eh kasi hindi pa ko tapos magsalita baka kasi ibaba mo yung phone mo okay?”pagkasabi niya nagsmirk ako, Paano niya nalaman na ibaba ko? Aba may sa maligno rin itong lalaking ito ha.



“Oh ano pa sasabihin mo bilisan mo peste ka.”sabi ko sa kanya at umiling na lang ako feeling ko nawala na talaga ang antok ko bwisit!



“Eto nga mamaya pupunta kami ng kakilala ko sa bahay namin kasama yung Fiancee niya.”sabi niya at habang nagsasalita siya bumabangon ako para maglakad sa Closet para maghanap ng susuotin ko papunta sa Boutique.



“Oh tapos?”tanong ko sa kanya at hinanda ang mga gamit ko. Inayos ko ang kama ko habang nakikipag-usap sa kanya.



“Ayun nga gusto ko sanang pumunta ka sa bahay namin para sukatan silang dalawa saka gusto ka ulit makalaro ng Chess ni CJ.”sabi niya kaya napa-”O” na lang ang labi ko habang sinasabi niya iyon.



“Ah okay sige susubukan kong makapunta anong oras ba?”tanong ko sa kanya sabay ipit sa tenga ko ng phone at nilatag ang comforter sa kama ko.



“Maybe Dinner ipapakilala ko rin kasi sa parents ko ang girlfriend ko eh.”sabi niya at napa-iling na lang ako so kailangan i-inform niya ko about sa girlfriend niya? As if i care.



“Okay sige na ibaba ko na ito.”sabi ko sabay baba ng phone at pumasok na ko sa banyo para maligo. Bwisit lang nawala talaga ang antok ko pero okay na rin para maipaghanda ko ng agahan si Coraline.

_______________________________

Reaction Guys? Magkikita na kaya ang mag-ina?

~Cynthia

My Guy (series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon