Only 10

8.8K 88 10
                                    

“Ate Cornelia, Gutom na po ako.”rinig kong tawag sa akin ni Coraline pero inaantok talaga ako kaya naman hindi ko muna siya pinansin dahil antok na antok talaga ako, Nagising ang diwa ko pero yung mga talukap ng mata ko gustong pumikit and all i want to do today is stay at my bed.

“Ate Cornelia, Hindi pa ko nakakapag-breakfast and it’s Lunch time.”rinig kong tawag ni Coraline kaya naman napadilat ako ng mata ko. Umupo rin ako ng dahan-dahan dahil feeling ko ang bigat talaga ng pakiramdam ko at the same time antok pa rin ako. Late na rin kasi ako nakauwi kagabi dahil sa sobrang saya namin hindi na namin namalayan ang oras.
 

Nothing special happened tonight, Well for me wala pero kay TJ meron. First time pala nila ulit mag-celebrate ng birthday with TJ dahil nga sa workaholic pala talagang tao si TJ and kung mag-Happy Hour ito minsan lang. Nag-chess lang ulit kami ni CJ and a dinner together with the Gonzales.


Babangon na sana ko ng makaramdam na naman ako ng hilo, Napapadalas na talaga ang pagkahilo ko this past few days. Hindi muna sana ako babangon sa kama kung hindi lang ako nakaramdam ng pagsusuka kaya agad akong napatakbo sa CR sa loob ng kwarto ko.
 

After kong sumuka, Pumunta ko sa sink at nagmumog. Napatitig ako sa salamin at bigla kong may naalala.. Teka ang bilis naman ata. Kagagaling lang namin kahapon saka di ba nung first and second wala naman iyon kasi negative ang lumabas sa pregnancy test. Di kaya may sakit ako? Wag naman sana hindi ako pwedeng magkasakit, Paano si Coraline kapag nagkasakit ako? Winaksi ko na lang yung iniisip ko at saka ako nag-get up.
 

Agad akong nagluto kay Coraline ng tanghalian namin dahil for sure gutom na gutom na siya, I remember it’s Thursday wala ba siyang pasok?

“Wala ka bang pasok Coraline?”tanong ko sa kanya at umiling naman siya habang naglalagay ng pagkain sa pinggan niya na niluto ko.

“Foundation Day lang, Wala naman kaming gagawin doon kungdi pumunta sa mga walang kwentang booths. I rather stay home and do my Projects.”sabi ni Coraline, Medyo nag-mature siya after the incident. Naawa naman ako sa kapatid ko kaya naman hinawakan ko ang kamay niya.

“When i was in your age, I am enjoying it especially kapag may event sa school kasi iyon yung time para makapag-unwind ang mga students sa pag-aaral.”sabi ko kay Coraline at tinignan lang ako ni Coraline ng seryoso.

“That was also the time na walang problema ang pamilya kaya mae-enjoy mo talaga ate but this time may problema so how could i enjoy kung makikita ko sa school eh puro pamilya? Nag-set up sila ng Family Gathering na event sa Foundation Day namin how could i enjoy?”sabi ni Coraline at kumain na siya, Naawa naman ako bigla sa kapatid ko saka ko siya yinakap. Hindi niya dapat nararanasan ito, Dapat sa ganitong edad nagsasaya siya. Ine-enjoy niya ang pagiging kabataan niya at dapat kinikilig siya sa crush niya pero sa tingin ko hindi niya magawa dahil may malaking harang sa dibdib niya at yung taong kakikiligan niya dapat eh kapatid ng taong sumira sa pamilya.

“A-ate i am sorry, I didn’t meant that..”sabi ni Coraline at umiling na lang ako sa kanya, Hinawakan niya ang pisngi ko at may pinunasan siya doon. Di ko alam umiyak na pala ako kaya yinakap ko na lang siya.

  

=======
=======

“Cornelia anong meron at ngayong hapon ka lang nakapasok?”tanong ni Shiela habang nakapamewang sa gilid at nakataas pa ang kilay niya. Natawa naman ako dahil ang cute ni Shiela lalo na yung kilay niya.

My Guy (series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon