Nagii-sketch ako ng may tumawag sa phone ko, Tinignan ko pero unregistered number kaya hindi ko sinagot kasi wala naman siya sa contacts ko. Nag-miss call lang siya pero maya-maya tumawag ulit same number kaya naman sinagot ko na.
"Hello?"sagot ko mula sa kabilang linya habang busy sa pag-sketch ko.
"Mabuti naman at sumagot ka Cornelia."masayang sabi ng babae sa kabilang linya ng maalala ko ang boses..
"Tita Thea!"masayang sabi ko at napangiti naman ako, Binitawan ko ang mechanical pencil ko saka ko hinawakan ang phone ko ng maayos.
"Napatawag po kayo?"tanong ko kay Tita at sumandal sa swivel chair ko habang may ngiti sa labi ko. Oo natutuwa ako kay Tita Thea pero kay TJ? No comment.
"Well gusto lang kitang kamustahin and are you free tonight? Birthday kasi ni TJ may handaan kami mamayang gabi dito sa bahay."sabi ni Tita Thea natigilan ako, Birthday niya? Napa-smirk ako, Perfect timing si Tita Thea sa problema ko. It’s been four day since nalaman kong isa akong Fuentabella at naglaslas si Coraline pero tignan mo nga naman ang timing ni Tita Thea.
"Ganoon po ba? Sige po pupuntahan ko si TJ para sabay po kaming makapunta mamayang gabi."sabi ko kahit na nanggagalaiti na ko ngayon. Well actually this event is great, Biruin mo magagamit ko ang araw na ito para mapaibig ko pa lalo si TJ.
"Sige aasahan kita mamayang gabi Cornelia, Bye."sabi ni Tita Thea bago i-end ang call. I smirked at inayos ang table ko bago lumabas ng Office ko.
"Saan punta mo?"sita sa akin ni Shiela na nasa table niya at nagii-sketch din.
"Uh.. Sa Office ni TJ? Haha birthday ng gago pupuntahan ko lang."sabi ko kay Shiela at nag-smirk naman si Shiela sa akin at tinignan ako.
"Cornelia binalaan kita pero hindi kaya gusto mo na siya?"tanong ni Shiela sa akin napa-pokerface ako saka ko tinignan ng seryoso si Shiela.
"That? Will never happen."sabi ko sabay labas ng Boutique. Sumakay ako sa kotse ko at pinaandar iyon, Dumaan muna ko sa Cake Shop para bumili ng cake bago ako pumunta sa Office ng gago. Alam ko kung saan ang Main Building ng Gonzales Group of Companies kung saan President ang loko, I've been there once nung may isa kaming costumer na Directress sa kompanya na iyon.
I'm gonna surprise that jerk, Konti na lang mahuhulog ka na sa akin ng tuluyan. You will fall for me for real at hindi ako titigil hangga't hindi ka tuluyang nahuhulog sa akin at nasasaktan. Nang makarating ako sa Building ng GGC ay sinuot ko ang shades ko at bumaba sa kotse ko, Pinagtitinginan ako ng ilan surely dahil hindi nila ko kilala. Lumapit ako sa reception para magtanong kung nandyan ba si TJ.
“Good afternoon, How may I help you?”tanong ng receptionist kaya naman ngumiti ako ng pagkatamis-tamis.
“Hello, Good afternoon. Nandyan ba si Mr. Gonzales?”tanong ko sa reception, She smiled at me kaya binaba ko ang shades ko.
“He’s here po ma’am, Sino po ba kayo?”tanong nung isa sa akin, Napakagat naman ako ng labi ko saka ko nilapag sa ibabaw ng desk niya yung cake.
“Did you know that it’s his birthday? I just want to celebrate with TJ.”sabi ko sa babaeng nagtanong sa akin kanina at sumeryoso ang mukha niya.
“I am Dulce, Mr. Gonzales’ secretary at sa pagkakaalam ko close people with sir Tristan can only called him by his nickname.”sabi ni Dulce and I smiled at her, Agad naman niya kong nginitian at naglakad na siya kaya sinundan ko siya. Habang nasa elevator kami paakyat tahimik lang kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
My Guy (series)
RomanceLove is unconditional, it is powerful. Even the person you hate the most, you won’t know what will happen once you fall in love to that person. Tristan James Gonzales is the man i used to hate for being my mom’s other guy but who would have thought...