Official 5

7.7K 95 11
                                    

After ng lunch namin ni Trick, Dinala ko muna siya sa Couture. Hindi ko siya mauuwi knowing that TJ might be waiting outside our house. Kailangan ko na talagang mag-hire ng maid asap, I am thinking of asking a favor again for Shiela and Guia.

“Trick dito ka lang muna sa Office ko ha, May aasikasuhin lang ako.”sabi ko kay Trick at tumango naman siya habang busy sa PSP niya. Lumabas ako sa Office ko at pinuntahan si Shiela at Guia na kakalabas lang sa Elevator, Kakatapos lang din siguro nilang mag-lunch.

“Kayong dalawa, May kilala ba kayong maid? Trusted maid na pwedeng magbantay ng bahay at magbantay kay Trick?”tanong ko kay Shiela at Guia, Nagkatinginan naman silang dalawa at tumango si Guia.

“May kilala ko, Yung pinsan ng katulong namin sa bahay. Doon muna sa amin nag-stay since wala pa siyang nahahanap na trabaho, Kung gusto mo siya ang i-hire mo.”sabi ni Guia sa akin at napakagat naman ako ng labi ko.

“Pwede na ba siya ngayon?”tanong ko kay Guia na nag-shrug, Tinapik naman ako ni Shiela sa braso ko.

“Bakit naman kailangan mo ng katulong suddenly?”sabi ni Shiela at halatang naghihinala siya. Sumingit naman agad si Guia kaya nagpapasalamat ako ng sobra.

“I will call her and ask her na pumunta dito para makilatis mo, Sayang naman at magaling siya. Muntik ko ng ma-hire eh.”sabi ni Guia at napa-pokerface si Shiela.

“Eh bakit hindi mo hinire?”sabi ni Shiela at napangiti naman ako sa closeness ni Shiela at Guia. Biglang tumunog ang phone ko at napakunot ang noo ko kung bakit tumatawag si Coraline.

“Hello Coraline, Napatawag ka?”tanong ko sa kapatid ko ng sagutin ko ang tawag niya.

“Hello ate! Matatapos na kasi itong murals ko dito sa Cebu kaya pwede akong sumunod diyaan sa Manila para naman makasama ko yung pamangkin ko.”masayang sabi ni Coraline at halatang excited na siyang makita si Trick since Four Months din silang hindi nagkita dahil nasa Cebu si Coraline para sa trabahong inalok sa kanya sa Cebu na mag-pinta sa vandalized wall sa isang pampublikong daanan kung saan madalas may traffic.

Nagtapos ng Fine Arts si Coraline dahil nahiligan niya ang pagpinta nung nasa LA kami. Nakakatuwa dahil mabilis siyang nakapag-move on sa nangyari dito sa pilipinas noon dahil sa pagpipinta niya. She let out all of her emotions to every painting she paints kaya nga ganoon na lang ako naging ka-proud sa kanya dahil imbes na magmukmok sa tabi at madepress sa nararamdaman niya. Sa canvass niya binunton ang mga hinanakit niya.

Medyo close rin sila ni Trick dahil bukod kay Shiela, Si Coraline ang madalas na kasa-kasama ko tuwing inaalagaan ko si Trick. Alam ni Coraline ang lahat ng tungkol kay Trick kahit na sa katiting na bagay na ayaw at gusto ni Trick. Kahit na ang ama ni Trick ang nanakit sa amin noon, Mahal din naman ni Coraline si Trick tulad ng pagmamahal ng isang kadugong pamilya.

“Ganoon ba? Sige see you soon.”nakangiti kong sabi kay Coraline, Nag-usap pa kami ng medyo matagal bago kami nagpa-alam sa isa’t-isa dahil tatapusin na talaga niya ang murals ng makauwi na raw siya.

Dumating na rin yung katulong na sinasabi ni Guia sa akin na nagngangalang Tina Reyes na pwede nating tawaging Tiray. Madaldal at biba si Tiray kaya nga nakakatuwa dahil kahit ang liit at hindi naman ganoon kagandahan ay sobrang taas pa rin ng self-confidence niya sa sarili niya. Hinire ko agad dahil ang gaan agad ng loob ko sa kanya.

My Guy (series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon