“Happy Birthday Ashley.”kanta namin nila mama kay Ashley at hinipan niya na ang candles sa cake niya. Napa-palakpak kami at nginitian namin si Ashley na sobrang laki ng ngiti.
“This is my Best Birthday ever! Thank you Grandma, Thank you Grandpa and Tito CJ pero mas thank you Daddy!”sabi ni Ashley at niyakap ng maliliit niyang braso ang leeg ko. Nakatanggap din ako ng matunog na halik sa pisngi galing kay Ashley, Nakangiti lang ako magdamag habang pinagmamasdan ko ang natutuwang si Ashley.
“Anong winish mo?”sabi ni mama kay Ashley at tinignan lang ako ni Ashley.
“Sana dito na po kami lumipat ni Daddy, Lagi na lang po kasi akong mag-isa sa Unit kapag nasa work po si Daddy.”sabi ni Ashley at halatang umaarte lang siya na malungkot siya dahil tono ng boses niya lang ang malungkot.
Nakatanggap naman ako ng hampas sa braso mula kay mama.
“Ikaw naman kasi TJ! Pagbigyan mo na kami ng papa mo na dito kayo tumira ni Ashley, Tignan mo pati yung bata malungkot dahil naiiwang mag-isa.”sabi ni mama at tinignan ko si Ashley na binelatan ako habang tumatawa, Sinamaan ko lang siya ng tingin pero pangisi-ngisi lang ang bata.
“Gusto mo ba talaga dito Ashley?”seryosong tanong ko kay Ashley at nawala yung ngisi niya sa labi niya. Marahan siyang tumango at this time alam kong hindi na siya nagpapaawa.
Tinignan ko si mama, si papa at si CJ na nakangiti lang habang nakatingin sa akin kung ano ang desisyon ko.
“Sige.”pagkasabi ko nun ay napa-palakpak si Ashley at nagtatalon pa, Agad siyang tumayo at kumandong kay mama.
“Grandma dito na po kami titira ni Daddy!”excited na sabi ni Ashley kay mama. Napakagat na lang ako ng labi ko ng maalala ko si Cornelia.. She’s back pero hindi ko alam kung na saan siya.
After ng Dinner naglaro ng habulan si CJ at si Ashley sa Garden habang ako nakatitig sa upuan kung saan naglaro kami ng chess ni Cornelia. Gusto ko siyang alisin sa sistema ko noon pa dahil sa ginawa niyang pag-iwan sa akin pero hindi ko nagawa iyon sa loob ng pitong taon. Ngayon bumalik siya at kasama pa niya ang anak ko.
“TJ.”tawag sa akin ni mama sabay tapik sa balikat ko. Napalingon naman ako sa kanya at umupo siya sa tabi ko.
“Wag mong titigan ang set ng chess natin dahil baka matunaw iyan.”sabi ni mama at natawa siya. Sasabihin ko ba kay mama yung nalaman ko ngayong araw? Bahala na..
“Ma nakita ko po si Cornelia..”sabi ko kay mama at alam kong natigilan siya pero inayos niya rin agad ang sarili niya.
“Talaga? Oh anong nangyari matapos mo siyang makita?”tanong ni mama sa akin, Napayuko naman ako.
“She’s back ma.. She’s back with my son.”sagot ko kay mama at narinig ko ang pag-singhap niya.
“M-May anak kayo ni Cornelia?!”malakas na sabi ni mama kaya natigilan sa paghahabulan si CJ at Ashley na napatingin sa gawi namin. Huminga naman ako ng malalim kay mama at tumango.
BINABASA MO ANG
My Guy (series)
RomanceLove is unconditional, it is powerful. Even the person you hate the most, you won’t know what will happen once you fall in love to that person. Tristan James Gonzales is the man i used to hate for being my mom’s other guy but who would have thought...