Pangalawang Kabanata

3.6K 116 14
                                    

P A N G A L A W A

Maagang nagising si King dahil maaga ang pasok nito. Hindi siya sanay ng hindi nag-uumagahan kaya magluluto pa siya. Isinuot niya ang kanyang sando, ginulo ang buhok at lumabas ng kwarto. Paglabas niya ay agad niyang nilagyan ng mantika ang kawali at pinainit ito. Habang nagpapainit ay binuksan niya ang ref. Pero agad bumagsak ang balikat niya ng makita niyang wala ng laman ito. Nakalimutan niyang mag-grocery. At hindi niya alam kung paano. Sanay siya na tagatulak lang habang ang mommy at ang girlfriend niya ang namimili para sa kanya.

Napakamot siya ng ulo at walang nagawa kung hindi isara ang refrigerator. Pinatay na rin niya ang kalan at dumiretso sa kwarto niya para gumayak.

Ng matapos siyang gumayak ay agad din siyang umalis dahil malelate na siya. Dadaan pa siya ng kape sa starbucks dahil hindi talaga siya sanay ng walang laman ang tiyan sa umaga.

Alas diyes ng umaga ng marating niya ang kanyang eskwelahan. Mamayang 11 pa ang pasok niya pero maaga siya dahil nagpasama si Ava sa kanya na mag-grocery. Labas na rin naman na ni Ava at diretso na iyon hanggang ala una. Habang siya ay diretso na hanggang alas tres ang klase niya.

"Ang tagal mo, Jayce! Nakakainis to. Alam mong may klase ka ng alas onse e." sermon ni Ava. Hindi maintindihan ni MJ si Ava. Samantalang on time lang naman ang dating niya. "Baka naman maaga ka lang lumabas." sabi niya. Mahilig lumabas iyan kahit hindi pa tapos ang klase. Trip lang daw niya. "Iyon na nga! Alam mo namang maaga akong lalabas tapooos. Nako ka. Tara na nga." naglakad na palabas si Ava at sumunod si MJ. Nagjeep sila papuntang department store.

"Ava! Hindi naman healthy iyang mga kinukuha mo. Pinagbawalan ka na rin ng doktor sa mga maaalat di ba?" Pigil ni MJ at ibinalik ang mga tsitsiryang kinuha ni Ava. Napakamot naman ng ulo si Ava at itinulak na lamang ang shopping cart. Ito ang laging problema ni Ava sa kaibigan. Sobrang health concious. Gusto ay puro healthy ang kinakain. Kaya hindi masyadong nagkakasakit si MJ, madalas kasi ay gulay ang kinakain.

Habang patuloy sa pamimili ang dalawa na sinasamahan nila ng kwentuhan, biglang may naalala si MJ ng makita niya ang isang set ng mansanas. "Oh bakit?" tanong ni Ava at kumuha ng mga prutas. "Naalala ko lang si King." MJ "Si King na naman." bulong ni Ava at umirap habang nakatingin sa mga prutas. "Oh bakit?" Pahabol na tanong niya dahil mukhang hindi naman ata narinig ng kaibigan niya. "Wala ng grocery ngayon iyon. Halos isang buwan na nung namili kami ng mga pagkain niya." Paliwanag ni MJ habang binabalik ang ilang prutas dahil basta-basta lang nilagay ni Ava at hindi naman sinuri. "Sus. Inaalala mo iyon. Ni hindi ka niya kinakamusta ngayon e. Tinext ka ba?" Napahinto si MJ at agad chineck ang cellphone. Para itong isang bagay na may tunog sa paligid na kroo kroo kroo.

Bago mag-alas onse ay agad din naman natapos ang dalawa. Kakain pa sana sila pero tumanggi na si MJ at sinabing papasok na ito. Na magkita na lamang mamayang alas tres y media sa Fountain of Love.

Sa buong klase ni MJ ay walang ginawa ang utak niya kung hindi lumipad patungo sa department ni King. Hanggang ngayon ay hindi ito nagtetext. Kahit man lang simpleng Good Morning ay wala. Bigla tuloy siyang naalarma. Paano kung naghihintay lang naman pala siya ng text ko? Paano kung gusto lang niyang suyuin ko siya dahil ako naman talaga ang may kasalanan? Ilan lamang iyan sa mga naiisip niya na talaga nga namang nakakapagtuliro sakanya. Hindi na niya matiis ang kanyang nararamdaman kaya naman kahit may klase siya ay naglakad na siya palabas at nagpunta sa department ng kasintahan.

Palabas ang maraming Engineering students ng siya ay makarating doon. Hindi niya alam kung mahahagilap ba niya ang boyfriend niya pero sinubukan pa rin niyang tignan ang silid kung saan ang boyfriend niya. At hindi nga siya nagkamali, nakita niya ito habang nag-aayis ng gamit ang kausap ang kaibigan na si Paul. Nagngingitian sila at mukhang masaya ang pinag-uusapan.

"Magkikita uli kayo mamaya?" Paul

"Ewan. Hindi pa siya nagtetext e. Alanga namang itext ko siya. E siya naman ang may gusto. Hahaha." King

"Duuuude! Ang gwapo mo. Hahahaha." Paul

"Naman! Hahaha." King.

"Alam ba ng girlfriend mo yan?" Paul

Kumibit balikat ang binata at isinakbit ang bag at sa exit dumaan. "Hindi. Hayaan mo siya. Hindi rin naman siya umuwi sa condo kagabi." Paliwanag ni King. Sinuntok naman siya ni Paul sa balikat habang natatawa. Habang ang dalaga ay pinanunuod ang dalawa sa paglabas at ang pag-uusap nila tungkol sa hindi niya matukoy. Susundan niya sana ito ng may pumigil sa kanya. "Wag na. Nasasaktan ka na nga, tutuloy ka pa." sabi ni Mav. Si Mav na kaklase niya noong 1st year na nagkaroon ng paghanga sa kanya. Kaya lang ay tinurn down niya agad-agad dahil nagseselos si King"Gusto ko lang mainform. Ang dami ko na atang hindi alam sa boyfriend ko." sagot na lamang niya at sumama kay Mav.

Dumiretso sila sa canteen dahil nagugutom na sila parehas. Pakiramdam kasi ni MJ ay nagutom siya sa mga narinig niya. Lalo na at marinig iyong hayaan na siya at walang pakialam ang boyfriend niya sa kanya. "May klase ka pa di ba?" tumango si MJ at pinunasan ang gilid ng labi. "Lumabas ka ng klase para lang makita yong boyfriend mo?" tumango uli siya. "Hindi kasi ako umuwi sa condo niya kagabi. Naisip kio, baka nagtatampo. Kaya lang ay mukha namang hindi. Ayos lang pala." sabi ni MJ sa mahinang tono. Tumango-tango naman si Mav at nagkwentuhan na lamang sila malayo tungkol kay King.

Alas dos pa ng hapon ang pasok ni King kaya dumaan muna siya sa cafeteria para kumain. Hindi rin naman siya nakadaan ng kape kanina dahil nalate na talaga siya. Kaya gutom na gutom siya ngayon. Pagpasok niya ay kaunti lamang ang tao dahil ala una na ng hapon. Walang masyadong estudyante. Wala siyang kasama ngayon dahil may mga klase ang kaibigan niya. Hindi talaga niya gusto ang araw na ito pero iyon ang nakatadhana sakanya at wala siyang magagawa.

Nang makabili na siya ng kakainin niya, pumuwesto siya sa bandang gilid para medyo tahimik. Pag-upo niya ay agad siyang kumain habang nag-iiscroll sa cellphone. Ni hindi pa rin nagtetext ang girlfriend niya. Kahit man ganun ay nag-aalala pa rin siya. Nakakapanibago lang na magbubuong isang araw na itong hindi nangungulit sakanya. Dati ay hindi makatatagak iyon at pupuntahan siya sa classroom niya at hihingi ng tawad.

Kumunot ang noo niya ng may pamilyar na boses ang narinig niya. Ibinaba niya ang cellphone niya at hinanap kung nasaan iyon. At ng makita niya ang hinahanap niya, parang hindi pa niya nagustuhan ang nasaksihan.

"Mav! Hindi nga kasi." natatawang sabi nito. Kanina pa siya hinaharot ni Mav dahil sinusura niya itong iyakin dahil sa ikinuwento niya noong bata si MJ. Katawa-tawa para kay Mav iyon pero si MJ ay hindi natutuwa pero dahil sa tawa ni Mav ay natatawa na rin siya.

Agad nag-init ang ulo ni King. Nag-usap na sila noon ni MJ na dapat ay iwasan na niya si Mav. Pumayag si MJ. Ang hindi maintindihan ni King ay bakit magkasama ngayon ang dalawa.

"Kaya pala walang oras magtext. Kaya pala hindi umuwi sa condo kagabi. Naglalandi na."

---

Happy All Saint's Day :)!!

P.S. Hindi lang yan :) may susunod pa.

Dangerous ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon