Dalawampu't Dalawang Kabanata

2.5K 99 3
                                    

D A L A W A M P U 'T D A L A W A

Masakit para sa isang babae na mapagbintangan ka sa isang bagay na alam mo sa sarili mo na hindi mo ginagawa. Kahit nga bilang isang tao, kahit ano pa ang kasarian mo, masakit iyon kahit pa ilang beses mong sabihin na matapang ka at hindi iyon totoo.

Lumabas ako ng ospital na iyon na wala kahit ano. Walang pera, walang cellphone, walang gamit. Lalong-lalo na ang dignidad ko. Ito na lamang suot ko at ang gauze na ito na nasa ulo ko ang meron ako. Hindi ko alam kung paano ako uuwi at kung paano ko isasalba ang sarili ko sa problema na ito.

Dahil wala nga akong kahit ano, wala akong choice kung hindi maghanap ng tindahan na pwedeng makitawag. Kung meron dito. Kung wala, lalakad na ako pauwi.

I'm so hopeless..

"Ate, pwede po bang makitawag? Sandali lang."

"Limang piso sampung minuto."

Masungit na turan saakin noong dalaga na nagbabantay sa tindahan. "Pwede bang mamaya na lang yung bayad? Pagdating nung kaibi--"

"Ay hindi pwede! Bayad muna bago tawag! Hindi mo ba nababasa ang karatula sa harap? Kung hindi mo kayang magbayad, umalis ka na dito." hinila niya ang telepono papalapit sa kanya at ipinagpatuloy ang paglalagay ng kilay. "Sige na naman, miss. Magbabayad naman ako mamaya. Tatawagan ko lang kaibigan ko at magpapasundo dito. Hindi naman ako tatakas."

"Sus! Limang piso lang, te wala ka? Napakahirap mo naman!"

"Miss, makikitawag lang ako. Babayaran kita." nauubusan nako ng pasensya, sa totoo lang. Nang dahil sa limang piso nahamak pagkatao ko. Ilang beses ba nilang hahamakin ang sarili ko?

Sa huli ay pinatawag niya rin ako. Una kong tinawagan si Mav pero hindi ito sumasagot. Alam kong hindi sumasagot si Mav sa mga unknown calls, pero sinubukan ko pa rin. Sinabihan ko na siya noon na sagutin ang ilang tawag na ganoon ang lagay dahil baka importante. Pero ayaw niya dahil ayaw niya. At dahil ayaw nga niya, hindi siya sumagot sa tawag ko.

Masama na ang tingin saakin ni Tintin - narinig kong tinawag siya kanina ng ilang mga tambay dito at binibiro-biro siya kaya nalaman ko ang pangalan niya.

"Hello, Ava!" tila ko nagkaroon ng pag-asa ng sagutin niya ang tawag. Napatalon pa nga ako sa sobrang tuwa.

"Bakit, MJ? Nasa klase ako!"

"Sunduin mo naman ako, Ava. Ditch ka muna."

"Abno ka! Hindi pwede! Major subject to! Tsaka bakit landline gamit mo? Nasaan cellphone mo?"

"Mahabang kwento. Ganito na lang. Tawagan mo si Mav sabihin mong sunduin ako dito sa Tindahan ni Kapitana. Doon sa kanto ng Taguig ng ospital. Basta! Hanapin kamo niya ko. Bilisan mo."

"Osige. Nandyan siya mga 20 minutes. Sige na."

Ibinaba na niya ang tawag at ako naman ay nagpasalamat kay Tintin. Masama pa rin ang tingin niya saakin. Siguradong binabantayan niya ako kung tatakas ba ako o hindi.

Mahigit pa sa 20 minutes ngayon ang itinatayo ko rito. Hindi ko alam kung ano na bang nangyari kay Mav, but I slowly loss my patience. Goodness! Nasaan ka na ba Mav?! Gutom na gutom nako!

"Oy, miss! Ano na?! Aba! Mag-iisang oras ka na dito ah!" sita saakin ni Tintin. Nilingon ko lamang siya at nginitian at agad ibinalik ang tingin sa daan. Kung siya ay naiinip na, paano pa ko?!

Maya-maya pa ay nakita ko na ang isang kulay black na montero sport na dumarating. Mukhang nakita niyang nandito ako sa gilid at dito dumiretso sa harap ko. Pagbaba ko ay nakita ko kaagad sa mukha niya ang pag-aalala. Marahil siguro sa sugat sa noo ko at marahil bakit ako nandito. "Save your questions. For now, pay the call I used. Dali na. Gutom nako."

Dangerous ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon