A/N: Sobra kong natatawa na natatakot para kay King kapag nagbabasa ako ng comments. Hahahaha. Thank you guys! 💕
L A B I N G - I S A
MJ's Point of View
"Salamat, Mav. Pasensya ka na sa istorbo ha. Naabala ka pa namin ni Ava."
"Ano ka ba Jayce! Ok lang kay Mav yan. Hahahaha. Crushh... *hik* crush ka kaya niya. Di ba, Mav? Di ba?"
Tinakpan ko ang bibig ni Ava at alanganing ngumiti. Adik ba tong si Ava? Sinabihan ko na kasi siya kanina na wag iinom e!
Tinignan ko si Mav na natatawa habang tinitignan si Ava na nakahiga sa sofa. "Gusto mo ba ng kape, Mav?"
"Hindi na, MJ. Uuwi na rin ako. Midnight na rin."
"May curfew ka ba?" natatawa kong tanong at sinamahan na siyang lumabas. Tumawa siya at umiling. "Wala. Pero sure akong hinihintay ako ni mama." agad naman akong naguilty ng marinig kong naghihintay ang mama niya. "Nako. Pasensya ka na talaga, Mav. Hinihintay ka pala ng mama mo. Sorry."
"Why do you always keep saying sorry even though you didn't make a thing to make sorry?
"Cause that's the only thing I had. Wala namang bayad kapag nagsorry di ba?"
"Pero nawawalan ng value yung salitang sorry e." at doon ko naalala ang sinabi ko kay King. Ang hipokrita ko lang dahil sinabi ko kay King iyon. Na wag siyang magsorry dahil nawawalan ng value. Kaya lang, yung ginagawa niya na inihihingi niya sa akin ng sorry ay paulit-ulit niyang ginagawa. Mas nakakawala ng value ang ginagawa niya di ba?
"Alam mo, Mav. Gabi na e. Hahaha. Uwi ka na. Mag-ingat ka sa daan. See you after Christmas break!"
Umuwi na si Mav at pumasok na ako sa loob. Napabuntong hininga naman ako ng makita ko si Ava na tulog na tulog. Inayos ko na lamang siya ng higa at kinuha ng kumot sa loob ng kwarto ko. Pagtapos ay inilock ko na ang bahay at naglinis ng katawan.
Pabagsak akong nahiga sa kama dahil sa pagod. Medyo nahihilo rin ako dahil nakainom ako at dahil na rin sa antok. Pero ayaw pa ng katawan ko. Marami na naman ang bagay na lumilipad sa utak ko. At gusto kong tuluyan na sila lumipad palabas ng sistema ko. Ayaw ko ng isipin to. Nadudurog ako sa tuwing iniisip ko to. Pakiramdam ko, isa na naman akong batang musmos na naniwala sa sinabi ng ama.
Walang pinagkaiba si King kay papa. Parehas silang manloloko. Parehas silang hindi marunong tumupad ng pangako. Sana ay hindi na lang ako namulat na may papa. Sana hindi ko na lang nakilala si King noon. Sana pala hindi ko na lang siya inaway noong pinahiya niya yung kaklase ko sa isang restaurant. Sana lahat ng yun hindi na nangyari sa buhay ko. Sana iniwasan ko na lang lahat. Sana nagawa kong wag pansinin noon ang paligid ko.
---
Nagising ako ng marinig kong mayroong nagsusuka sa labas. Kahit pupungas-pungas pa ako dahil bagong gising ay lumabas pa rin ako para icheck yung nagsusuka. Sino pa di ba? E di si Ava.
"Ano? Nailabas mo na ba ang lalamunan mo?" binato ako ni Ava ng tuwalyang hawak niya at habang naghihilamos. Ako naman ay nagtimpla ng kape at naglabas ng saging. "Kung nasa kondisyon ka, pagtapos mong kumain, mag-exercise ka. Nakakatulong daw yun para mawala ang hang-over." thumbs up naman ang sagot niya sa akin at naupo sa upuan. Ako naman ay sumimsim sa kape ko.
Para siyang baliw ngayon sa itsura niya. Nakakatakot siya sa totoo lang. Kalat kalat pa ang mascara sa mata. Jusko. Anong klaseng babae ba to? "Akala ko ba naghilamos ka? E bakit mukha ka pa ring multo? Malayo pa Halloween. Bumalik ka nga roon. Maghilamos ka." umikot lamang ang kanyang mata at sumubsob sa lamesa. Masakit siguro ang ulo. "Kaya mo pa ba?"