L A B I N G T A T L O
"Akala ko ba gusto mong magmove on?! E bakit sa kanila ka magpapasko?! Gusto mo bang makita uli si King?! Sinasaktan mo lang lang sarili mo e!"
"It was a favor from tita, Ava. Wala naman ibig sabihin ng pagpayag ko. Si tita at si Queen ang dahilan. Iyon lang."
Sabi ko habang inaayos ang buhok ko. Pinony tail ko na lamang to habang kulot ang ibabang bahagi. Nagsuot lang din ako ng puting t-shirt at pinaibabawan ko ng jumper. Nglagay lang din ako ng light na make up at lip tint at ok na ko. Hindi pa pala. Sapatos pa pala.
"Huh. Ganyan ka. Kami ng ate mo at ni kuya, pilit ng pilit sayo na dito ka mag pasko. Tapos sa huli ay kina King ka pa magpapasko. Hipokrita ka."
Natawa ako kay Ava. Normal na uli siya. Nilalait na niya ko e. Sinubukan ko namang umayaw. Kaya lang ay nakakahiyang tumanggi kay tita. Para bang kailangan kong bumawi kahit naman hindi ko kailangan.
Pagtapos kong makipag-usap kay Ava ay nagsuot na ako ng sapatos at inayos ang sack bag na gagamitin ko. Kina tita lang naman ako pupunta. Pero kung makagayak ako, akala mo ay maglilibot ako ng mundo.
Pagkalabas ko ng kwarto ko ay nakarinig ako ng busina sa labas. Kumunot ang noo ko. Wala naman akong inaasahang bisita. Alas diyes na rin ng gabi. Sino namang dadalaw sa akin di ba?
Sumilip muna ako sa bintana para tignan kung sino ang tao sa labas. Nagulat ako ng makilala ko ang bulto ng isang taong nakatayo sa may harap ng gate. Binuksan ko ang front door at binuksan ang gate.
"Ok ka na?" pumasok siya at sinundan ko siya sa loob. Hanggang ngayon ay feel at home pa rin siya. "Uh, oo. Paalis na rin dapat ako. Bakit ka nandito?"
"Pinapasundo ka ni mommy at ni Queen. Delikado raw sa daan. Ito na ba yung mga dadalhin mo?" tumango ako at nagpaalam na kukunin ko lang ang gamit ko sa kwarto at maglolock pa ko ng bahay. Kaya pinauna ko na siya sa sasakyan.
Naghanda rin ako ng pandagdag na handa para mamayang gabi. Gumawa ako ng lasagna na sobrang daming cheese dahil paborito naman iyon ni Queen. Hindi nako nag-abalang magbake dahil alam kong iyon ang forte ni tita. Hindi pa ko pumasa.
Paglabas ko bitbit ang isang lalagyan ay napansin kong may kausap si King. Nasa labas pa siya at masuyo itong kinakausap.
"I'm on my way. Yes.. I'll be there in 10... Ok. Bye. I love you too."
Napalunok ako at muntik ko na mabasag ang hawak kong lalagyanan sa sobrang higpit ng hawak ko. Si Vienna siguro iyon. At kagaya ng nakagawian niya tuwing pasko ay dinadala talaga niya ang girlfriend niya sa bahay.
Naglakas nako ng loob lumabas at lumapit sakanya. "May dadaanan pa tayo?" tumango si King at siya na ang nagsara ng gate dahil napansin niya ang dala ko. "Dadaanan pa natin si.. Si Vienna."
"Ah. I see. Salamat." ngumiti ako ng matamis at binuksan ang pintuan sa back seat. Ngayon ko lang din napansin na ang dala niyang sasakyan ay iyong paborito kong sasakyan niya. Sumikip ang dibdib ko ng maisip ko ang sinabi niya sa akin noon.
"Ikaw lang nga."
Tumawa siya ng malalim habang ako ay nagtatampu-tampuhan pa rin sa kanya kahit na paulit-ulit niyang sinasabi na ako lang.
"Kahit si tita at Queen? Hindi pa nakakaupo dito?"
"Nope. Hindi ko sila sinusundo kapag ito ang gamit ko. I make a promise right?"
Ngumiti ako ng malawak at hinalikan siya ng paulit-ulit sa mukha. Tawa naman siya ng tawa at tumigil lang ako ng muntik na kaming maaksidente. Nagdadrive kasi siya at hinaharot ko na naman.