I K A W A L O
"Ma? Kwento mo naman sa akin kung paano mo nahuli si papa na may babae."
"Bakit ka naman biglang naging interesado sa panloloko ng papa mo? Akala ko ba ay ayaw mong malaman ang ginawa ng papa mo?"
"Wala lang, mama. Pakiramdam ko kasi ay kailangan kong malaman kung paano ba naging masamang tao ang papa ko."
Mapait ang pagkakasabi ni MJ. Galit siya sa manloloko ng dahil sa ginawa ng papa niya. Galit din siya sa papa niya. Kaya nga muntik na silang mag-away ng ate niya ng sabihin nito sakanya na tatanggapin ng ate niya ang offer ng daddy niya na pag-aaralin si Tasya sa ibang-bansa. Pero ng ipaliwanag ni Tasya ang magiging lagay nila pagtapos at ng maisip niya kung ano ba ang lagay nila noon, pumayag siya.
"Alam mo, anak? Ganyan ang tingin ko sa papa mo noon. Isang masamang tao. Syempre, may asawa siya at dalawang anak. Ang alam natin pare-parehas ay nagtatrabaho siya ng mabuti sa Canada para saatin. Pero may iba na pala tong pamilya roon. Pero lumipas ang panahon, hindi ko na matawag na isang masamang tao ang papa mo. Alam mo kung bakit? Hindi naman kasi na sa sinasadyang panahon, mahanap ng papa mo yung tunay na mahal niya. Walang masamang tao kapag nagmamahal."
"E ikaw mama? Wala ka pang naipapalit kay papa? Ang ibig sabihin? Hindi mo pa nahahanap ang para sayo?"
Ibinaba ni MJ ang ballpen na hawak niya at sumandal sa upuan niya. Nakaindian seat na siya sa swivel chair niya at nakapikit habang nakatingala at nakikinig sa mama niya.
"Required ba anak ang magkaroon ng partner habang nasa mundong ibabaw?"
"Ewan ko po."
Natawa sa kabilang linya ang mama ni MJ. Natatawa siya sa mga tanong at sagot ng anak niya. Wala naman talaga siyang balak ipaalam ang tungkol sa nakaraan. Dahil ito na mismo ang nagsabi nung minsan na ayaw malaman ni MJ ang ginawang pang-abandona sakanila ng papa niya.
"Tignan mo? Pero kung ako, ok lang naman siguro. Ano bang masama kung single, nak? Ika nga ng iba, mabuti ng single kesa committed ka sa isang tao na hindi mo naman alam kung para sayo. Tignan mo naman ang mga pari. Pupwede silang walang partner. Siguro naman ang isang normal na tao, pwede rin."
"Pero required sakanila na bawal mag-asawa, mama. Dapat kasi, maghanap ka na ng kapalit ni papa."
"Anak, ok na ko. Basta nandyan kayo ni Tasya, kumpleto nako."
"Pero paano mo nga po nahuli si papa na may babae? Anong naging reaksyon niyo?"
Bumaba ng upuan si MJ at dumiretso sa kama niya. Umilalim siya sa kumot niya at tumagilid habang hawak pa rin ang cellphone. Hindi niya alam kung bakit sinasabi niya ngayon lahat to sa mama niya.
"Paano mo ba huhulihin ang partner mo na may iba ng kinakasama na nasa ibang bansa, anak?"
Napaisip si MJ. Paano nga ba? Wala siyang ideya kung paano. Unang-una, magkalayo ang mama at papa niya. Pangalawa, hindi pa uso noon ang video call at puro tawag lamang sa cellphone. Mahal pa ang tawag. At hindi ito nagpaparamdam. Paano nga ba nalaman ng mama niya?
"Ma, hindi ko alam."
"Bakit ba lagi mo na lang sinasabi na hindi mo alam? Bakit hindi mo isipin kung paano? Sa tingin mo ba ay isang teleserye ang kwento namin ng papa mo na nahuli ko siya sa kwarto kasama ang babae niya? Ganun ba, MJ? Ganun ba yung ineexpect mo na ikwento ko sayo? Hindi lahat ganoon ang nagiging dahilan kung bakit naghiwalay. Oo, nandoon na yung ideya ng third party. Pero sa lagay namin ng papa mo? Ganoon ang mangyayari? Magkalayo kami ng papa mo. Hindi nakikita ang isa't-isa. Ni hindi naging active ang sex life namin. Ni hindi kami nag-uusap. Sa tingin mo anong mangyayari?"