Dalawampung Kabanata

2.7K 88 6
                                    

D A L A W A M P U

"You seems so bothered, dude. Ilang araw na." sita sa akin ni Troi habang umiinom ng tubig. Magkakasama na naman kaming apat. Ewan ko ba sa tatlong to. Biglang sumulpot dito sa bahay. Kesyo miss na miss na daw ako. Wala na daw akong oras sa kanila kaya sila na lang daw gagawa ng paraan, magkaoras lang ako sa kanila.

May dalawang linggo na rin ang nakalipas tungkol doon sa pinag-uusapan ni Margarette at Mav nung nakaraang tatlong linggo. Ilang araw ko rin silang sinusundan pero hindi na nila pinag-uusapan. Siguro, ok na. Alam na ni Margarette ang lahat ng ginawa niya. At mababaliw nako! Para akong isang reader na hindi inuupdate ng writer yung kwento niya! Yung sabik na sabik ka na sa susunod na kabanata.

"What do you think happened if the woman was drunk then the man was in the state of clearhead?" Their forehead frowned. Pati ako ay napakunot. Ano na bang nakakakunot ng noo doon?

"Is it Vienna?" France

"Eeng!! Mali ka! Si Margarette iyon!" Paul

Napatingin kaming tatlo sa kanya. Umarko ang kilay ko pataas at tinanong siya. "Bakit mo alam?"

"I was there when I saw her and Mav bailed out on the bar. I guess, three weeks ago? Hindi ko na maalalq yung exact date. Pero sure akong sila iyon. Buhat buhat ni Mav si MJ na parang sako. Tapos nagwawala naman si MJ."

"Bakit hindi mo man lang ikinuwento sa amin?!" tanong ko sa mataas na tono. Nagulat naman silang tatlo at natawa pagtapos. "Anong nakakatawa?!"

"Chill, dude." France

"Ano naman sayo kung hindi sinabi? Its not like it's still your business." Troi

"Kahit na!" depensa ko. Pagkakaisahan na naman ako nitong tatlo na to. "Dapat sinabi mo pa rin!"

"Its like gossiping is your thing." France laugh and dribble the ball in front of him. I shot a glare on him and rolled my eyes afterwards. "Mga walang kwentang kaibigan."

"Woohw! Ano bang malay namin kung gusto mo pang marinig pangalan ng ex mo?" Paul

"Damn you!" sigaw ko at inagaw ang bola kay France at shinoot. Tangna. Ex. 2 letters with a big memories. Tangna talaga. Ex. Ex. Ex. Shit!

"Pero alam mo kung anong sagot sa tanong mo?!" sigaw sa akin ni Troi sa malayo dahil hinabol ko ang bola. Huminto ako at tinignan ko siya habang medyo pilit ang mata ko dahil sa sinag ng araw.

"May nangyari sa kanila! Hindi lang basta, alam mo na! Kiss ganun! Skin to skin, dude! Skin to skin!"

"Putangna niyo!"

Humalakhak silang tatlo at hindi ako tinigilan buong araw.

---

Kinabukasan, nandito pa rin ako sa bahay namin. Wala lang. Ang saya ng buhay dito e. Naaalagaan ako ng mabuti. Hindi katulad sa condo. Sawa nakong nag-iisa. Hindi naman kasi laging nandoon si Vienna. Hindi katulad ni Margarette. Lagi akong hinihintay sa pag-uwi ko. Which is what I am looking for Vienna. Kulang e. Alam niyo yun? Talagang may kulang.

"Nahiya ka pa at gumising ka." bati sa akin ni daddy ng bumaba ako. Hinikaban ko lamang siya at naupo sa tabi niya. Nagbabasa siya ng libro tungkol sa profession niya.

Science is a continuous study in the world. Lahat naman ng bagay ay ganoon talaga. Pero iba ang science, araw-araw, may madidiskubre kang bago. At araw-araw, kailan mong pag-aralan. That's why I don't take medicine. Wala lang. Nakakatamad kapag araw-araw kang busy.

Tignan niyo na lang tong magulang ko. Magkaaway silang dalawa ngayon. Hindi pinapansin ni mommy si daddy. Nagagalit. Ngayong araw lang kasi ito nakauwi dahil may patient na talagang minomonitor nina daddy. Hindi na nakakauwi. Ni hindi pa nakakatawag. Minsan nga, sa sobrang lungkot siguro ni mommy dahil sa pag-iisa- dahil wala naman dito si Queen at bumalik na sa London, tumatawag siya sa akin at nagkukwento.

Dangerous ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon