I K A T L O
Gaya ng napag-usapan ni Ava at MJ, nagkita sila alas kwarto kinahapunan sa Fountain of Love. Marami ng tao ngayon doon dahil uwian na. Konti lang naman kasi ang estudyanteng pumapasok sa gabi. "Saan tayo?" tanong kaagad ni Ava habang umiinom sa Vita Milk niya. Mahilig siya roon. Hindi na mawawala sa sistema niya iyon. "Sa bahay na lang tayo. Tinatamad akong gumala ngayon. Manuod na lang din tayo ng Descendants." Sabi ni MJ at nagsimula ng maglakad palabas. Chineck niyang muli ang cellphone niya kung meron na bang mensahe ang kasintahan, pero mukhang desidido nga itong baliwalain siya.
"Kung mahal ka pa, itetext ka pa. Kakamustahin." Pagpaparinig ni Ava. Pero gaya ng laging ginagawa ni MJ ay dinedma niya ito. Nang makarating sila sa bahay niya ay agad silang dumiretso sa kwarto. Nagbihis sandali si MJ at paglabas niya ay nakahanda na ang TV niya para manuod. "Wala ka na bang chips?" Inabot ni MJ ang plastik na nakasabit sa door knob. Meron pang tatlo at nilantakan na nila iyon at sinimulan manuod.
Kalagitnaan ng kanilang panunuod, narinig nila na may nagdodorbell sa labas. Napaisip naman si MJ kung may bisita ba silang inimbita. Tinignan niya si Ava at umiling-iling ito habang nanunuod at kumakain. Tumayo na lamang siya at lumabas para alamin kung sino ang bisitang dumating. Sumilip siya sa bintana. Medyo madilim na rin ng sumilip siya. Nakita niya ang bulto ng isang lalaki habang naghihintay na pagbuksan siya. Nanlaki ang mata niya at agad-agad lumabas.
"Anong ginagawa mo rito? Gabi na." sabi niya habang namamadaling buksan ang gate. Tinaasan siya ng kilay nito at naglakad papasok. Inilock naman ni MJ ang gate. "Bawal na ba ko pumunta dito?" malamig na sagot nito. Tinikom na lamang ni MJ ang bibig niya at sumunod. Ibinaba ni King ang bag niya sa sofa at pabagsak na naupo doon. "Jayce! Sinong dumating?" Sigaw ni Ava habang palabas. Napalingon doon si King at ng makita ni Ava kung sino iyon ay dali-dali siyang tumakbo pabalik ng kwarto ni MJ. "Oops." hindi pinansin iyon ni King at nilingon ang girlfriend na tahimik na nakatingin sa kanya. Para naman siyang nakaramdam ng kung ano sa titig nito.
"Wag mo kong tignan ng ganyan dahil ako dapat ang tumitingin sayo ng ganyan." sabi na naman ni King. Tila binuhusan ng malamig na tubig si MJ. Hindi pa rin tapos ang issue? Bulong niya sa sarili. Maliit na bagay lang ang pinag-awayan nila. Nakalimutan dalhin ni MJ iyong draft ni King na siyang kinagalit niya dahil kailangang kailangan niya iyon.
"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo. Kung ang sinasabi mo ay yung nakaraang araw, humingi na ako ng tawad. Kung hindi mo kayang tanggapin iyon, wala na sa akin ang problema." Sagot ni MJ. Naglakad siya papuntang kusina at naghanap ng pwedeng iluto para sa hapunan nila ni Ava. "Tapos na iyon. Iba na ang issue ngayon, Margarette." Mahinang sabi ni King at pinagmasdan ang girlfriend na kumilos sa loob ng kusina. Nagulat si MJ sa sinabi ni King pero hindi niya pinahalata at itinuloy ang ginagawa. "Hindi ko alam kung ano ang issue mo sa buhay. Ilang araw mo din akong hindi kinibo." sagot uli niya at tahimik na naghiwa ng rekados. "Nakita kita sa canteen kanina." Alam na ni MJ kung saan patungo ang usapan kaya sumagot na kaagad siya. "Wala akong kasama. Siya lang iyong available." na dapat ay mag-uusap tayo pero gaya ng sabi mo, hayaan na lang ako. Gustong-gusto niyang sabihin ngunit sinusubukan niyang limitahan ang sarili.
Para namang gustong suntukin ni King iyong pinto ng refrigerator at mainis sa sinagot ng girlfriend. "You should call me!" Call you? Call you even though you're expecting someone than me to text you? "Ayokong makaistorbo." Malamig na sabi niya. Hindi alam ni MJ kung bakit hindi niya iyon masabi sa kasintahan. At some point, she realized that she's afraid to find out that her boyfriend is being out of their way. Na sumasarili ito ng landas at ayaw ng sundin ang landas na binuo nilang dalawa. "Istorbo?! Alam mong break time ko iyon! At ikaw! May klase ka! Tapos ay nakikipag-usap ka pa sa Mav na iyon kahit may pasok ka?! Ano?! Landi landi na lang kapag hindi ako nakaharap?!" Agad nakatanggap ng malutong na sampal si King at napakagat na lamang siya ng labi sa sakit.
Nakikinig lamang si Ava sa kwarto ng makarinig siya ng matinis na tunog. Napapikit siya ng maisip niyang nagkakasakitan na ang dalawa kaya lumabas na. "Umalis ka na." Sabi ni MJ at biglang ibinalibag ang pinto ng kwarto. Tinignan naman ni Ava si King na halatang pagod ang mukha at gusto sanang makausap si MJ. "Wag. Hindi ka niya gugustuhing makausap." Ani Ava at hinatid na sa labas si King. Napasabunot naman ng buhok si King at tinadyakan ang gate ng makaalis si Ava sa harap. "Tangina. Bakit ko sinabi iyon?!"
Kinabukasan, sinusubukang tawagan ni King si MJ ngunit hindi ito sumasagot. Maski sa messenger at twitter, hindi rin ito sumasagot. Nafufrustrate siya. Sobra na naman ang pagiging gago niya. Hindi na naman niya na limitahan ang sarili.
"You look bothered." sabi ni Vienna. Vienna Hollistin. His partner in bed. There are many times happened to them but King, don't take it seriously. He's just being chill. He always calls Vienna for pleasure. And Vienna, on the other hand is just one call away. "Margarette is not answering any of my calls." He said frustratedly. Vienna smirked and caressed his cheeks. "Stop wasting your time on her. If she don't want to answer your phone calls, maybe I can answer all your need." She said seductively and start kissing his jaw line. But King immediately stop her and left her in their usual meeting place.
He start to search for her but it seems fate is also helping MJ to hide. But MJ is not hiding. It is just she has commitment outside the school premises that's why she's not around. Pinuntahan ni King si MJ sa room nito ngunit si Ava lang naman ang nadatnan niya. "Si Marga?" "Wala siya. Hindi pumasok. Hindi ko nga lang alam kung nasaan siya." ani Ava.
"Akala ko ba ay hihiwalayan na ni King iyon para sa iyo?" tanong ng kaibigan ni Vienna na si Des. "Walang ganoong sinabi si King. Hindi niya iiwan iyon. Mahal niyo iyon kahit niloloko niya. Margarette is no fun. And you see, malinaw naman na ako ang nag-uuwi ng saya sa pagtatapos ng araw dahil ako ang huling nakikinabang. Talagang pagsasawaan siya ni King. And talking about King, King like so much adventure. And when he's with me, we're not just having an adventure, we're heading to heaven." sagot ni Vienna habang nakangisi. Totoo naman ang sinasabi niya. Umuuwi siya ng kuntento. Actually, umuuwi sila pareho ng kuntento. Ng masaya. At para bang siya ang pinakamagandang babae dahil nasungkit lang naman niya ang pinakagwapong lalaki sa eskwelahan. "Kawawang Margarette. Hahahahaha." Nagtawanan silang tatlo at nagpatuloy sa paglalakad.
"E bakit parang hindi mo naman ata ginagamit ang laman ng banko mo, MJ?" sabi ng ate Tasya niya sa kabilang linya. Kumagat naman siya sa Sky Flakes na hawak niya at sumagot. "Alam mo namang hindi ako magastos." Paliwanag niya. Ngunit hindi kumbisinsido si Tasya. "Ang payat-payat mo na oh. Gusto mo bang iwan ka ni King dahil ang payat-payat mo na?" Nanahimik si MJ at naalala ang sinabi ng boyfriend niya sakanya. Miminsan lang naman niyang nakasama si Mav pero kung sabihin siya nitong naglalandi ay akala mo hindi ito nagsinungaling nung nakaraang araw.
Matapos ang pag-uusap nilang mag-ate, gumayak na agad siyang mahiga at magpahinga. Maghapon nga siyang wala sa school pero maghapon naman siyang nasa labas at gumagawa ng requirements. Consistent Dean lister si MJ dahil na rin sa boyfriend niyang matalino at ayaw naman niyang mapahiya roon. Hindi nga niya inaakala na kaya pala niyang magdean lister dahil petiks lang naman talaga kung mag-aral siya noong highschool.
Bago siya matulog ay maraming gumulo sa isip niya. Ngayon lang niya aaminin sa sarili na maraming beses na niyang nakita si King na kasama si Vienna Hollistin. Siya lang naman yung babaeng kinababaliwan ng lahat. Yung kapag nakita mo ay babalikan mo ng tingin dahil hindi ka magsasawang tignan. Mabait pa sa lahat. Pero pakitang tao lang naman lahat ng yon.
Hindi niya alam kung paano sasabihin sa boyfriend niya na hindi na mabilang sa daliri niya kung ilang beses na niya itong bakit ang magkasama. Ayaw naman niyang sabihin kay Ava dahil hindi talaga kukunsintihin ni Ava iyon. Siya talaga mismo ang susuntok para sa kaibigan. Hindi lamang siya nakikialam sa ngayon dahil naniniwala si Ava na maaayos pa ng dalawa dahil sa haba ng panahon, siguro naman ay kilala na nila ang isa't-isa.
"Thank you." Vienna said while looking at him seductively and wearing a grinning smile. King nodded his head out of his mind. He wear his shirt and ruffled his hair. "I'll go." He said and left the room. It's already 1 in the morning and he's still outside. He just want to release his stress. Maybe also his liquid in his body.
When he got home, he's praying that his girlfriend is just inside the room, waiting for him or it will be enough for him if she's there, sleeping and get tired of waiting. But like the other night, no sign of Margarette's presence.
---