Ikalabing-Apat na Kabanata

2.6K 99 7
                                    

Nabalik lamang ako sa katinuan ng makarinig ako ng katok mula sa pintuan. "Babe? Matagal ka pa?" agad kong humiwalay sa yakap ni King. Hahatakin pa nga sana niya ko payakap muli pero umalma na ko. Mali. Gaya ng sabi ko, hindi ko gagawin ang ginawa ni Vienna sa akin. Ayokong gawin iyon. "I'm sorry." yumuko ako at pinaglaruan ang hem ng blouse na suot ko. "Don't be."

"No. This isn't right. Don't fed me with lies."

"Babe? Babe?" Napapikit ako ng mata at pumunta sa likod niya. "I am not feeding you with lies. I'm telling the truth."

"I don't believe you. I don't trust you. The last time I did, you ruin it. So please. Stop. I am done. Papasok ako ng cr at mauna ka ng lumabas. Sabihin mo ay hindi pa ko tapos maligo."

Mabilis akong naglakad pabalik ng banyo niya at doon ibinuhos yung luhang pinigilan ko ng sabihin ko sa kanya iyon. Sobrang sikip at bigat ng dibdib ko. Hindi ko akalain na masasabi ko sa kanya yun. Sobrang sakit din na umabot kami sa ganto. Hindi ko man lang nakita na aabot kami sa dulo.

Natapos naman ang dinner namin ng walang awkwardness na naganap. Nakapalagay naman ako ng maayos. Vienna is better than I know. Ang akala ko ay magaling lang siya sa pag-ahas niya sa ex ko. Hindi pala. She knows how to use different utensils in table. Which King also know. She also know what word will be appropriate to her answers. She's very classy in front of others. She's far from me. I know... I already I accept that fact.. That she and King is very far from me. And... I can't stop myself to feel insecure because of those. Siguro ay iyon ang nagustuhan sa kanya ni King. Alam ko naman ang iba't-ibang gamit ng utensils. Nga lang ay kailangan ko munang titigan bago ko gamitin dahil iniisip ko kung tama ba o iyon na ang dapat gamitin. Itinuro niya sa akin kasi ang sabi niya, gusto niya alam ng girlfriend niya kung paano iyon gamitin lahat. And seeing Vienna a while ago, she's using it without hesitation. Para ngang kabisado niya kahit nakapikit. Hindi rin ako katulad niya na may maisagot lang kapag tinatamad. Kapag sumasagot siya ay sobrang ayos.

"Thank you po tita, tito. Lola, lolo. Thank you po. Babalik ko na lang po tong hiniram ko kay Queen."

"It's alright iha. Thank you rin." nakangiting bati sa akin ni lola Kath. Humalik ako sa mga pisngi nila at ganoon din ang ginawa ni Vienna sakanila.

"Thank you rin po. Sana po ay magkita pa tayo sa susunod na pasko."

Napaismid si Queen sa gilid. "Mygahd. Nagwish pa ng another year. Tsk." napailing na lamang ako ng ulo at nagpaalam. "Aalis na po kami. Salamat po. Bye."

"Bye. Ingat kayo. King." tumango lamang si King sa bilin ni lolo. Ilang taon na rin akong nagpapasko dito at alam ko na ang ilang galawan nila. Hindi naman na bago iyon.

"Bye ate! See you sa new year!" tila natigilan si Vienna sa narinig niya. Teka. Hindi siya imbitado? "Uh, sige." ngumiti ako at sumakay na ng sasakyan. Ganoon din ang ginawa ni Vienna at King. Tahimik lang sa biyahe. At dahil wala akong magawa ay katulad kanina, isinaksak ko na lamang muli ang earphone ko. Pero agad din namang nagsimula ang dalawa kaya nagkunwari na lang uli akong may tugtog ito at walang alam sa mundo. Kunwari.

"She will celebrate new year with you and your family?"

"It was lola's favor."

"So they talk without me?"

"I don't know. I also don't know thay they invite her. And will you please low down your voice? Margarette might hear you."

Napamura si Vienna sa sagot ni King at nanahimik. Ako naman ay bumuntong hininga na lamang at nirelax ang sarili ko. Nagplay na rin ako ng music at ipinikit ang mga maga ko. Antok na antok na rin ako.

Issue niyo na yan. Labas na ko.

---

"Margarette. Nandito na tayo. Margarette."
Pagdilat ko ng mata ko ay nasa harap ng mukha ko ang mukha ni King. Humiwalay naman ako at tinanggal ko ang isang earphone sa tenga ko. Kinuha ko ang paper bag na dala ko na may mga regalo nila pati ang bag ko. "Salamat." bumaba ako ng sasakyan at tumapat sa gate.

Dangerous ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon