D A L A W A M P U 'T I S A
MJ's Point of View
Tahimik akong naghihintay sa loob ng silid ng VIP. Sabi kasi ni tito ay dito na lang kami magkita at mag-usap para masyadong pribado para daw maiiwas ako sa mga isyu kung sakaling may makakita saamin.
Tito requested me to make an outline for the interior of the house he was planning. It was a surprise gift for tita for their 25 years. Actually, the location was on Zambales. Nagsisimula na yung structural nung bahay and last week nga, binigyan na ko ni tito ng kopya ng plano ng bahay at sinimulan ko na rin gumawa ng outline. Hindi lang iyon ang surprise ni tito. Plano rin ni tito na pakasalan si tita bago ipakita yung bahay. He wants to renew their vows. And the whole plan only knew by him, me and his few friends.
Maya-maya pa ay bumukas na ang pinto at pumasok si tito. Nakapantalon lamang ito ng itim at puting t-shirt. Ito na ata talaga ang usual get up ni tito na namana ni King. "Hi, Margarette. Pasensya ka na. Medyo late ako ng konti." nagbeso kami ni tito at naupo sa magkatapat na upuan. Ngumiti lamang ako ng maliit at sinabing ayos lang. Pero ang totoo, ayoko talaga ng taong nalelate sa usapa. Pero naiintindihan ko naman si tito. Kailangan niyang tumakas. Ayaw talaga niyang ipaalam kahit kay King at Queen. Pakiramdam ko tuloy ay hindi magandang ideya iyon.
"Shall we start?" I nodded my head and pick the clear book on my back pack. I handed him the book and let him observe the idea. "It was a pastel color idea, Tito. It reflects your relationship with tita. It was so pleasant in the eyes of a person. The relationship between your wife and your children was so smooth. Bagay na bagay sa inyong apat." paliwanag ko habang binubuklat niya yung book.
Kinakabahan ako. Kung tutuusin, unang kliyente ko si tito. At hindi lang basta-bastang tao si tito. Ayoko rin magfail though sabi naman niya saakin, kahit anong maging design ko dahil wala naman daw talaga siyang alam kung paano niya ieexplain ang sarili niya. Basta daw, gusto na lang niya na makasal uli sila ni tita and makapagmove na away from Manila.
"Itong closet ng sapatos niya, gusto ko sana white yung color ng wall. Pero may wallpaper na sapatos. Nagegets mo ba ko iha?" natatawang tanong saakin ni tito. Tumango ako bilang sang-ayon. Naiintindihan ko naman. Hindi lang masyadong elaborated. "Tapos ganun din sa closet namin. Kapag damit, syempre may wallpaper ng mga damit pero light lang yung ink ha? Yung bang kapag malayo, hindi mo malalaman na may design pala yung wall." marami pang suggestion si tito at panay naman ang sulat ko.
May mga konting pagbabago, pero yung kulay na pastel, nagremain siya. Ilang appliances lang ang nabago. At wala naman akong say doon dahil masaya lang akong nakikinig kay tito.
I just wonder, ganto rin kaya yung mapapangasawa ko? Mag-eeffort para saakin? Matataranta mag-isip ng ideya? Yung bang, may nauna na siyang naisip pero ipapabago niya kasi may mas better siyang naisip na bagong ideya. Yung bang ganun.
Sa kusina, nagseparate si tito ng side ng room para sa baking ni tita. Gusto daw niya na may wallpaper na cupcake yung pagitan ng two pastel colors.
"Tas yung counter top, maganda siguro kung--"
Napatingin kami ng sabay ni tito sa pintuan ng bumukas ito. Napatayo si tito sa kinuupuan niya at ako naman ay nagulat pero hindi ko pinahalata. Gulat ang rumehistro sa kanyang mukha. Pero imbis na iba ang ibulalas niya, tinawag niya ako sa sobrang gulat.
"Margarette?!"
Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng takot at kaba. Tumitibok ng mabilis ang puso ko. Hindi rin ako mapakali lalo na ng magdilim ang paningin niya at nang mapansin kong humigpit ang hawal niya aa doorknob. Halos mamuti ang kamay niya.
"King. Mali ka ng iniisip." pero agad sinuntok ni King si tito. Sa gulat ko ay napalunok ako at natawag ko lamang si tito sa pangalan niya. "Tito Dwayne." pero nawala na agad si tito sa paningin ko at doon ko na lamang nalaman na hinahatak na ako palabas ni King.