Ikasampung Kabanata

2.6K 98 20
                                    

I K A S A M P U

Dahan-dahan naglakad si MJ ng marinig na niya ang hudyat. Sobrang gulo ng paligid kaya hindi niya alam kung paano hahanapin si Mav. Ang dami-daming sumisigaw at kung sino lang yung mangibabaw sa pandinig niya ay iyon ang sinusunod niya.

"Sa bandang kaliwa Vienna!!"

"Putangna, Jayce! Umikot ka pakanan ng konti! Sa akin ka makinig!!"

"Hindi! Hindi! Sa kaliwa MJ. Sa kaliwa!"

"Wala dyan Vienna! Nasa likod mo! HAHAHAHAHAHA!"

At para silang tanga na sumusunod sa mga estudyante na turo ng turo. Hindi alam kung tama ba ang sinasabi.

Tuloy lang sa paglalakad si MJ. Hindi na niya pinakinggan ang nasa paligid at sinubukan hanapin si Mav. At ng marating niya ang pwesto ng mga lalaki, agad siyang napangiti at isa-isang inamoy ang lalaki.

"Unang nakarating sa mga lalaki si Margarette! Come on girls!"

Napapangiwi si MJ kapag hindi pabango ni Mav ang naaamoy niya. Sa totoo lang ay nagwiwild guess na lang din siya sa amoy ni Mav. Hindi na talaga niya matandaan. Isang pabango na lang ang alam niya ngayon. Ang pabango ni King. Naamoy niya ito kanina ng dumaan sa tabi niya. At hindi niya kayang kalimutan ang amoy nito. Siya kasi ang namili ng pabango ng binata.

"Damn. Paano kita hahanapin, Mav?"

Bulong ni MJ sa sarili habang nasa tapat ng isang lalaki na hindi pa niya naaamoy. Pero agad na niyang iniwasan ito. Alam na niya kung kaninong amoy iyon. Amoy ni King at ayaw niyang dumikit ang balat niya sa lalaking ayaw na niyang mahawakan pa.

Lumipat siya sa kabila at agad hinablot ang leeg ng lalaki at inamoy. Matagal-tagal niya itong inamoy dahil hindi na talaga niya matandaan ang amoy ni Mav. Naiiyak na nga siya dahil hindi niya makita si Mav at gusto na niyang matapos ang laro. Pero dahil medyo makulit ang mga nagpapalaro ay ishinuffle pa uli ng ilang beses at napunta sa kabilang dulo si Mav - na siyang ikinainis ni Mav dahil dapat ay malapit na siyang mahawakan ni MJ.

"Bakit ikaw na naman?" bulalas ni MJ nang makilala na naman niya ang scent ng lalaking nasa harap niya. Nagtataka na siya. Kanina pa dapat niya nakita si Mav pero parang wala naman ata si Mav.

Ilang beses ng nagtiim bagang si King at pikon na pikon na rin. Pang-apat na beses na siyang natapatan ng dalaga pero ni minsan, hindi siya nilapitan ng dalaga at hinatak man lang sa leeg para amuyin. Samantalang sa iba ay kung amuyin ito sa leeg ay akala mo nakasalalay sa mga leeg nito ang kapalaran ng laro. At pinangako niya sa sarili niya na isang beses pa siyang iwasan ng dalaga, ihihinto na niya ang laro. Pero bago pa mangyari iyon ay meron ng magkapartner ang nagtagpo.

"We already have our winner!"

Tinanggal ni MJ ang blindfold niya at agad hinanap ng mga mata si Mav. Napapadyak siya ng paa at tumawa ng parang timang ng makita niya ito na nasa kabilang dulo. Lumapit siya kay Mav habang nakangiti.

"Anong ginagawa mo dyan? Hindi ka naman nandyan kanina ah." sigaw niya kay Mav dahil sa lakas ng tugtog. Sinalubong naman siya ni Mav at inakbayan at dinala sa inuupuan nila kanina. "Masyadong maharot ang mga nagpapalaro, MJ. Ishinashuffle nila kami kapag malapit na. At alam kong hindi tayo mananalo dahil ang layo mo sa akin." natatawang pahayag ni Mav. Nagtawanan silang dalawa at umupo na.

"Pakatanga mo naman maglaro, Jayce. Nag-ubos ako ng boses sayo tapos hindi mo naman pala nahanap si Mav!" ani Ava na siyang ikinanuot ng noo niya. "Who told you to help me to find the way? I am not listening to anyone, Ava." She said with a little tease on her laugh. Ava cuss under her breathe. Minsan talaga ay sayang ang effort niya kay MJ at gumagawa ng sariling paraan.

Dangerous ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon