Dalawampu't Walong Kabanata

2.8K 93 5
                                    

D A L A W A M P U 'T W A L O

Naalimpungatan si King ng maramdaman niyang may kung anong bagay ang gumugulo sa mukha niya. Hindi niya ito pinansin at tumagilid. Kahit antok na antok pa siya ay nasa 13% naman na ang wisyo niya. Pero hindi ito tumigil. Sa inis ay napaupo siya sa higaan. "Fuck." mura niya at napahilamos ng mukha.

Napansin naman niyang nakaupo si Vienna sa gilid ng nakasingi. "Good Morning." bati nito at lumapit uli upang halikan. Pero agad siyang umiwas dahil sa inis.

Napagtanto niyang ito ang gumugulo sa kanya sa pagtulog. At alam naman nito na ayaw niya iyon. Ayaw na ayaw niya. "You know how much I hate when someone disturb me in sleeping." inis nitong sabi at tumayo mula sa kama. Tumayo rin si Vienna sa kama at sinundan si King sa banyo. "Naglalambing lang ako."

"But in a way that I am awake!"

"There's no difference when you're awake or not. You won't allow me!" napairap si King at pinunasan ang mukha. Dinaanan niya ito at lumabas sa banho. "Ewan ko sayo Vienna." sagot na lamang niya at nagsuot ng sandong itim.

Lumabas siya ng silid at dumiretso sa kusina. Nandoon uli ang daddy niya at nagkakape na ito. Halatang bagong gising ito dahil sa magulong buhok. "Morning." bati niya at kumuha ng tasa para magtimpla ng kape. "Morning. Si Vienna?"

"Nasa kwarto."

"Tulog pa?"

"No." tahimik nitong sagot at nagsalin ng mainit na tubig. "You seems in a bad mood. You've been disturbed?"

"Yea." he lazily said and sit beside his dad. He sips on his coffee while rubbing his hair into mess. "Badtrip nga yon." bulong nito ay kumagat sa tinapay.

Binalot ng katahimikan ang dalawa. Ngayon na ang dating ng mag-ina at ng isang kaibigan. Kausap na kanina ni Dwayne ang asawa niya at sinabing parating na daw ito sa ilang sandali na lang.

Napalingon silang dalawa sa dalagang pumasok galing sa taas. Nakamaong short ito at off-shoulder. Nakaligo na rin ito base sa basang buhok nito. "Saan punta iha?"

"Papaalam po ako. Tutungo po akong bayan para mamalengke. Darating na po kasi sina tira at Queen."

"Ah. Hoy King. Samahan mo."

"Sasamahan ko talaga siya. Magpapalit lang ako." sagot nito at tumaas na para magbihis. Si MJ naman ay nagpalaman lamang ng tinapay.

"MJ, lalabas lang ako. May aasikasuhin lang."

"Sige po, tito." lumabas na ito bitbit ang tasa ng kape. Siya naman ay hinintay niya si King na lumabas.

"Dito ka na nga lang. Hindi naman kami magtatagal."

"Gusto ko ngang sumama, King!"

"Ang kulit naman, Vienna! Walang dadatnan sina mommy dito! Babalik kaagad kami!"

"Bakit ba ayaw mo kong isama?! Sasama ako! Sa ayaw at sa gusto mo!"

Pinanuod lamang ni MJ na magtalo ang dalawa. Napailing siya ng ulo at kinuha na ang wallet niya. "Isama na siya." sabi ni MJ at nagalakad na palabas.

"Too early for drama." bulong nito at dumiretso sa sasakyan ni King. Nakasunod naman ang dalawa. Napabuntong hininga si King at pinindot na lamang ang susi upang bumukas ang sasakyan. Agad namang sumakay si MJ at binuksan ang cellphone. Nag-iwan siya ng mensahe kay Ava.

To: Ava
March 19 7:06
Good morning, Ava. I miss you. So much.

Napabuntong hininga siya at isinilid na sa wallet niya ang cellphone. Nakasakay naman na ang dalawang nagtatalo kanina. Tahimik sila at ramdam niya ang tensyon ng mga ito. Hinayaan na lamang niya ang  mga ito at ipinikit ang mata.

Dangerous ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon