Dalawampu't Tatlong Kabanata

2.7K 104 12
                                    

D A L A W A M P U 'T T A T L O

"Hindi pa ba tayo aalis?" Tanong ko sa kanya ng mapansin kong wala pala siyang balak paandarin ang sasakyan at hinayaan lang buksan ang makina. Siguro para hindi mainit. "Let's talk."

"King, nilinaw na ni tito sayo. Mali ang iniisip mo. Namisinterpret mo lang yung nakita mo kahapon. Nagtatrabaho lang ako kay tito." Paliwanag ko. Naiinis nako. Ang hirap kasi kay King ay hindi kaagad natatapos ang isang isyu sa isang paliwanagan. Titigil lang siya kapag mismong sarili na niya ang nakarealize sa mga bagay-bagay. "I already believe my dad."

"Ayun naman pala e. Aalis nako."

"Iba ang pag-uusapan natin." Para kong napako sa kinauupuan ko. Ano na naman gusto niyang pag-usapan? 'Yong sa amin? E wala nga kaming kami. Tapos na di ba? Jusko naman. Ayoko na nga e. Ayoko na. "Mahal mo pa ba ko?" nauubusan na ko ng pasensya sa kanya. Kung mahal ko man siya, e ano? Kapag ba mahal mo ang isang tao ibig sabihin icoconsider mo yung feelings mo sa kanya? Paano naman yung feelings mo? Hahayaan mo na lang bang saktan ka niya paulit-ulit? "Bakit yan na naman ang pag-uusapan natin?"

"Mahal mo pa ba ko?" tanong niya uli na akala mo ay hindi narinig ang tanong ko. "Kung ako kasi ang tatanungin mo, oo. Mahal kita."

"Mahal mo ko kailan? Saan? Kapag walang Vienna? Kapag nag-iisa ka? Kapag kailangan mo ng taga-grocery? Ganoon mo ba bigyan ng depinisyon ang pagmamahal mo sa akin? Kasi kung tinatanong mo saakin kung mahal kita, mahal kita. Pero sa dahilang ikaw. Mahal kita kasi ikaw yan. Wala ng ibang dahilan pa."

"Kung mahal mo pala ko, bakit mo ko iniwan?"

"Ako ba talaga ang nang-iwan? Alam mo ba kung ano talaga masakit dito? Hindi mo ko kayang irespeto. At hindi ko rin kayang irespeto ang sarili ko. Alam mo kung bakit? Mahal pa kita e. Mahal pa kita kahit sabi ng utak ko, wag na."

Matapang kong pahayag sa kanya. Gusto kong malaman niya ang lahat hindi para maguilty siya. Kung hindi para maging aware siya sa feelings ng iba. Alam kong mag-ex na kami at hindi na dapat. Pero nagtanong siya di ba? Idigest niya. Kasi ako, dinadigest ko. Kahit mahirap.

"Ayokong iconsider yung feelings ko para sayo. Sasaktan mo lang uli ako. At kung tayo para sa isa't-isa, tayo. There's a perfect time for everything."

"I can't wait for that perfect time!" he scold frustratedly. I was hold on a back when he shouted. Parang nawala lahat ng lakas ng loob ko ng makita kong nasasaktan siya. "Gusto na uli kitang makasama!" umiling ako. Malabo ang gusto niya. Sobrang labo. "Hindi mo ba mahal si Vienna? Bakit ganyang kadali sayo na sabihan yan kahit girlfriend mo siya? Sinasabi mo rin ba sa kanya yan noon? Na mahal mo siya? Na gusto mo siyang makasama kaya mo ko iniwan bigla-bigla?"

"Hindi mo naiintindihan." mahina niyang sagot at humigpit ang hawak sa sterring wheel. "Ano bang hindi ko naiintindihan? Ipaintindi mo! Para alam ko!" sigaw ko at halos paiyak na ko dahil hindi ko na makontrol yung emosyon ko.

Ito na naman yung pakiramdam kong galit ako sa kanya. Ayoko na sanang magalit dahil ayoko ng ganoon. Pero sinusubukan at para kong pinipilit nitong si King. "Mahal kita. Hindi ba pwedeng iyon ang intindihin, Margarette?"

"Hindi, King. You're more than mature than I am. And where is that mature King? Why does he sounded like a child right now? Do you think we're just on the idea of 'puppy love'? That whenever you say you love me is all matters? That the trust, loyalty we need to each other will disregard? We're not children anymore, King. You ruined my trust, you betray me. In that case, we'll just having a hard time to provr that we love each other. It's easy to say the three words and eight letters. But it's hard to feed it in our system."

I said in convincing tone and left him on his car. I let out a deep sigh and walk to the side of the road and wait for a public transpo.

---

I wiped my tears for the ninth time and get another bunch of tissues. Ava continue to console me even though she didn't know what I am crying for. "Tahan na, Jayce. Mababaliw na ko. Iyak ka ng iyak. Ano bang nangyari? Inaway ka ba ng prof mo? Bumagsak sa quarterly exam? Ano? Sabihin mo naman, Jayce. Simula ng dinatnan kita dito ay umiiyak ka na."

Paano ko ba ioopen ang sarili ko? Paano ko sasabihin na mahal na mahal ko si King at gusto kong igrab yung opportunity kanina na makipagbalikan sa kanya dahil sabi niya ay mahal niya ko?

Yes, pag-uwi ko pa lang ay binalot na ako ng lungkot. Bumalik na naman yung mga memories ko with him inside this house. Sa sobrang kalungkutan ay hindi ko na nagawang tuluyang makatungtong sa kalahati ng bahay at napaupo na lang sa gitna at nagsimulang tumulo ang luha. Hanggang ngayon, eto, iyak pa rin ako ng iyak. "Jayce, para namang walang kabisa-bisa ang labing tatlong taon nating paglakaibigan!" himutok niya at naiiyak na rin siya. Lalo akong umiyak. Nahihirapan akong magtago kay Ava.

"Ava.."

"Tangina naman, Jayce! Kanina ka pa Ava ng Ava! Alam ko naman pangalan ko! Hindi ko nakakalimutan!"

"Huhuhu.."

"Seryoso tayo dito Margarette Jayce Sanroa. Anong iniiyak mo?" pinunasan ko ang mga mata ko pati ang ilong ko bago sumagot. "Nag-usap kami ni King kanina." Napahampas siya sa lamesa at napahilamos sa mukha. "Siya pa rin?! Siya pa rin ang iniiyak mo?!" tumango ako at pinunasan ang panibagong batch ng luha ko. "May iba pa ba kong iiyakan?" sabi ko sa gitna ng mga hikbi ko. "Wala. Wala ka namang ibang iiyakan e." sabi niya at inipon na ang mga tissue na nagamit ko. "Ikukwento mo ba sakin o hindi?" umiling ako at inipit ang buhok ko. "Sabi nung kapatid ni Mia na si Macky sa Barcelona, Crying is good for the soul. Pero para saakin, mas maganda kung sasabihin mo rin yang nilalamon ng puso mo. Sakin ka pa ba nahiya? Kahit pa katangahan mo kay King pinakikinggan ko."

"Sabi niya mahal niya ko. Sabi ko mahal ko rin siya. Pero sabi ko, hindi ko icoconsider feelings ko sa kanya para lang saktan na naman niya ko. Pero tignan mo naman ako, Ava. I looked devastated because of my decision. Mali ba yung sinabi ko? Bakit nagsisisi ako? Dapat ba hindi ko pinakita na galit ako? Dapat ba tinanggap ko siya?"

"Nasasaktan ka pa ba sa nangyari sa inyo?"

"Oo. Bumabalik pa rin yung ginawa niya sakin."

"That's what matters, Jayce. Consider your own feelings than your feelings for him. How can you love him if you know to yourself that the nightmare on your past can make a mess someday? Di ba? Magkakasakitan lang kayo sa tuwing maaalala niyo yon. Dapat kung gusto niyo uling subukan, kalimutan niyo muna ang nakaraan. Move on. But don't let your feelings to let go. If your feelings let go when you're trying to forget that nightmare on past, only means that you and him is just a lesson that came in to your life."

"Walang mali sa ginawa mo. Hindi mo makalimutan e. Alanganamang magpakaplastik ka sa harap niya para lang mapanindigan niyo na mahal niyo ang isa't-isa. Tsaka bakit niya sinasabi sayo yan? Hindi ba mahal niya si Vienna? Di ba sila ni Vienna? Ano? Gagawin ka niyang third party tapos sa huli ay ikaw ang masama?"

Tuloy-tuloy niyang sabi saakin. "Iyon nga rin pinagtataka ko, Ava. Nandyan si Vienna. At kung hindi siya natatakot kay Vienna, ako oo. Alam naman natin ang impluwensya niya."

"Kaya nga hanggang maaari ay subukan mo na ring ilet go yang feelings mo."

Sumakit ang ulo ko pagtapos ng pag-uusap namin ni Ava. Umuwi na rin siya dahil uuwi daw ngayon ang mama niya sa apartment niya at maglilinis siya.

Ako naman ay continuation ng pag-iyak ko ang ginawa ko sa kwarto. Nakatalukbong ako ng kumot habang may tissue na nakatabi saakin. Hindi ko alam kung paano titigil sa pag-iyak. Hindi ko alam kung --

*ding dong*

Napakunot ang noo ko at agad-agad tinanggal ang kumot sa katawan ko dahil sa narinig ko. Inayos ko muna ang sarili ko at chineck kung ok lang ba ang suot kong sando at short kung haharap ako sa bisita. Nang sa tingin ko ay mukha ayos naman ay lumabas ako.

Paglabas ko ay hindi ko inaasahan ang taong dumalaw saakin ng ganoong oras. Pinagbuksan ko siya ng gate habang may maliit na ngiti sa kanyang labi.

"I brought snacks and movies. Let's spend the night together."

King said while smiling and put his arms around my waist and guided me heading on to my house.

---

:)

Dangerous ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon