Ikapitong Kabanata

2.7K 94 2
                                    

I K A P I T O

The Royal Couple
Grace Frias

Nito lamang mga nakakaraang linggo ay namataan ng maraming mga estudyante ang madalas na pagsasama nina King Blare Montecarlo at Vienna Hollistin. Ang dalawa ay nakilala dahil na rin sa kakaibang personalidad nila. Ang nasabing binata ay may kakaibang dating sa mga dalaga dahil na rin sa masungit nitong itsura at pagiging tahimik, habang ang dalaga na si Vienna naman ay likas ang pagiging palakaibigan sa mga estudyante ng Natividad Villarama University.

Ngunit, hindi maiwasan ng ilan na mapaisip kung ano na nga ba talaga ang estado ng relasyon ni King at ng kanyang long-time girlfriend na si Margarette Jayce Sanroa. Nang huli na namataang magkasama ang dalawa ay noon pang nakaraang buwan - noong sinundo ni King si MJ sa boxing classes nito. Pagtapos nito ay hindi na namataan na nagsama ang dalawa.

Sa pangungulit ng ilang mananaliksik ng ating unibersidad ay sinubukan nilang makakuha ng mga opinyon tungkol sa kumakalat na mga sabi-sabi. Ang naging tugon ng ating Friendly Princess na si Vienna ay, "Whatever we have right now, it's the memories I treasured." habang ang tinaguriang Haring King ay ilang beses tumanggi na sumagot sa tanong namin ngunit sa huli ay napilit naman ito na magsalita tungkol sa isyu. "We're friends. And about MJ and I, we're good." marami pang mga naging tanong ngunit hindi na talaga ito sumagot. At ang huli na tinanong namin ay si Margarette. Pero wala kaming nakuhang sagot sa dalaga dahil pilit itong tumanggi sa amin. Ngiti lamang ang aming natanggap sa kahit na anong tanong ang aming ibato sakanya.

Nang dahil sa pagiging tahimik ni Margarette sa isyu ay maraming mga estudyante ang nagconclude na hiwalay na nga ang dalawa at meron ng namamagitan kay King at Vienna. Kaya ang ang ilan ay tinawag silang Royal Couple kahit na wala pang kompirmasyon na hiwalay na nga si King at Margarette.

"Kayo na? Ang bilis naman! Parang wala ka pang kinukwento sa amin na naghiwalay kayo ah!" Sabi ni Troi habang kumakain. Agad siyang sinamaan ng tingin ni King at inirapan. "Could you please low down your voice? Mom might hear you."

"Takot kang mabuko ni tita?" France

"Sure na magagalit iyon. Botong-boto si tita kay MJ. Pati ata lola mo walang bukam-bibig kundi si MJ kapag nagkikita kayo e." Paul

Napabuntonh hininga si King at tinignan muli ang cellphone. Kalat na kalat na ang balita. Kagabi lamang lumabas ang balita pero ngayon lamang niya nabasa kung hindi pa pinabasa sa kanya ng kaibigan niyang si Troi.

"Ano ba talagang lagay? Hiwalay na ba kayo?" tanong uli ni France. Hindi pa naman sila hiwalay. Sa palagay niya ay nagpapalamig lamang si MJ. Pero iyong balita na lumalabas-labas silang dalawa ni Vienna, totoo. Hindi para ipangalandakan ang ginagawa nilang landian. Kung hindi para sundin ang gusto ni Vienna.

Vienna took the opportunity and asked King to accompany her since their relationship are in the middle of complication. And if he didn't do that, she'll tell everything to MJ. Even how she moan King's name.

"Hoy! Tulala ka na naman. Break na nga siguro kayo." konklusyon ni Troi. Napairap si King sa sinabi ng kaibigan. Para itong mga newsmonger na hindi titigil hangga't hindi nakukuha ang gustong makuhang impormasyon.

"Are you really that stupid to believe that me and MJ was already separated? That I'll leave her just for Vienna?"

"Yes/No." napataas ng kilay si King sa naging sagot ni France. Nagkatinginan din si Troi at Paul sa naging sagot nito at parang nakaramdam ng kung anong tensyon. Samantalang, cool na cool namang naglalaro si France at nakafocus ang atensyon sa nilalaro.

"Are you trying my sufferance?" King

"No." France

"Huy! Tama na yan." Paul

Dangerous ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon