I K A L I M A
Fr: Vienna Hollistin
November 2, 19:27
Where are you? Let's meet? My place.He immediately turn off his phone and shut his eyes annoyingly. Vienna keeps on sending him messages telling that she wants to take him out. Well, not totally out because they will just hang out on her place.
"Sino iyon? Si MJ ba? Akala ko ba pinayagan kang lumabas?" tanong ni Troi at tinungga ang isang shot ng alak. "Oo nga. Pero hindi naman si Margarette iyon. Si Vienna. Nangungulit." Paliwanag ni King habang nakakunot ang mga noo.
"Why don't you just leave your side chick, King? I thought you love MJ and you don't want to lose her?" France told him while he was tapping on his phone because Carla checking him time to time. "Vienna can give my needs. Margarette don't. Makukuha ko lamang iyon kapag ikinasal kami."
"Pakakasalan mo ba siya?" tanong ni Paul at kibit-balikat lamang ang kanyang sinagot. "I'm too young to answer that question." His friends let out a deep sigh and took another shot of a glass.
Ilang oras na ang nakalipas at lasing na halos sina Troi at Paul. Si King ay nasa wisyo pa at ganoon din si France. "Alis nako." ani King at nag-iwan na ng pambayad kay France. "Saan punta?"
"Uuwi." sagot niya at lumabas na. Ang totoo niyan ay hindi naman talaga siya uuwi. Didiretso siya kay Vienna upang gawin ang dapat gawin. Ngunit hanggang ngayon ay nagdadalawang isip siya kung pupunta nga ba siya o hindi. Naalala niya ang girlfriend niya.
"Please promise me that you'll go home right away."
"Promise."
"I trust you, Hari." Ngumiti si King sa girlfriend at niyakap niya ito. Hinalikan sa ituktok ng ulo at sumagot. "Thank you. Promise. I'll go home right away."
But like what he always do, he didn't keep his promise. He always makes promises but one of it never been keep.
"MJ, matulog ka na. Utang na loob. Hindi ka pa nasanay diyan sa boyfriend mong hindi naman talaga nagtetext pagkagaling sa inuman." antok na sabi ni Ava. Hindi siya makatulog dahil sa ilaw na nagmumula sa cellphone ng kaibigan. "Lalabas na lang muna ko." Paalam ni MJ at lumabas na siya ng silid.
Fr: France Lacson
November 3, 1:12
He's already home. He told us that he's going home.To: France Lacson
November 3, 1:12
Ganun ba? Sige. Salamat. Good Night.Nahiga na lamang sa sofa si MJ at nilibang ang sarili. Hindi siya makatulog dala na rin ng sakit ng ulo. Buti na lamang ay sabado kinabukasan at kahit mamaya pa siya matulog ay pupwede.
Scroll lamang siya ng scroll sa cellphone niya at nagbabasa ng kung ano-ano sa mga social media accounts niya. Hindi siya masyadong aktibo sa mga ganito dahil mas gusto niyang ituon ang pansin niya sa buhay at pangarap niya.
Sa gitna ng kanyang ginagawa, bigla na lamang lumitaw ang pangalan ng kanyang kasintahan. Tumatawag ito. Kunot noo niyang sinagot ang tawag ng kasintahan.
"Hello?"
"Hey. Did I wake you up?"
"Hindi naman."
"Ah. Bakit gising ka pa?"
"Hindi ako makatulog. Ikaw? Why you're still awake?" Dapat sa mga oras na to ay tulog na siya. Dahil kanina pa niya tinetext ang boyfriend niya at hindi man lang ito sumasagot. At sabi rin ni France ay kanina pa rin ito nakauwi. At napakaimposibleng gumising lamang ito para tawagan siya.
"Ngayon palang ako uuwi, Margarita." natatawang sagot ng binata. Pero para sa dalaga ay hindi ito nakakatuwa. Hindi niya alam kung ano ba ang magiging reaksyon niya sa sinabi ng kasintahan. Hindi niya alam kung sino ba ang nagsasabi ng totoo. Hindi niya alam kung ilang beses pa siyang pangangakuan nito pero lagi siyang bibiguin. Dapat ay sa boyfriend niya siya maniwala at hindi kay France. Pero paano niya iyon gagawin kung ganito ang pinakikita niya.