D A L A W A M P U 'T A N I M
Third Person's Point of View
"Are you sure that you still want to go? I can talk to dad and tell that you can't. He'll understand anyway."
Malambing na sabi ni King. Nag-aalala siya kay MJ. Mula noong sunduin niya ito kahapon ay hindi pa rin ito nagsasalita. Ni hindi pa ito nagkukuwento. Iyak lang to ng iyak at ayaw tumigil. Sobra na siyang nag-aalala. Hindi niya alam kung paano patatahanin ang kasintahan.
Hindi na naman ito nagsalita at diretso lamang ang tingin sa bintana. Hinawakan niya ang kamay nito na nakalapag sa hita nito at hinalikan. Pagtapos ay pinaandar na ang sasakyan.
Tumulo na naman ang luha ni MJ. Hindi niya napigilang humikbi dahil sa nararamdaman niya. Ayaw talaga siyang makausap ni Ava. Binlock siya nito sa lahat ng social media account nito. Paulit-ulit naman siya nitong pinapatayan ng tawag sa tuwing tumatawag siya. Noong huli nga ay hindi na matawagan ang number ng kaibigan.
Hindi niya alam kung may lakas pa ba siya para sa mga susunod na araw pero kailangan niyang mabalik sa katinuan. Dalawang araw siyang magtatrabaho at ang susunod na tatlong araw ay ilalaan niya para sa boyfriend.
Sumikip na naman ang dibdib niya sa naisip. Walang Ava sa pagkakataon na to. At baka isipin ni Ava na wala lang talaga sa kanya ang pagkakaibigan nila dahil ilang araw siyang mawawala.
Tahimik si Ava sa loob ng kanyang kwarto. Nanunuod ng Higgly Town Heroes. Pero hindi naman talaga niya maintindihan ang pinanunuod dahil okyupado ng kanyang kaibigan ang isip niya.
Hindi siya makapaniwala na ganoon katanga si MJ pagdating kay King. Hindi naman talaga siya galit. Pero hindi na kasi niya gugustuhin pang makita si MJ na nasasaktan dahil kay King. Ayaw niyang makitang lumuluha ito. Handa naman siyang sumoporta. Pero hindi na kay King.
Handa nga siyang magparaya para kay MJ. Handa siyang igive up yung nararamdaman niya kay Mav dahil alam niyang may gusto si Mav kay MJ at makakabuti si Mav sa kaibigan niya. But MJ already refused on the idea even though she didn't tell her.
"Hello?" she picked up her phone and sit on her bed. Ngayon lang siya nagbukas ng cellphone. Nangungulit si MJ kagabi. Ayaw pa niya itong makausap. "Good morning, Ava."
"Ano yon?" matabang na sagot niya. Alam naman niya kung bakit ito tumatawag. "Sungit. Matanong ko lang, do you know where MJ is? She's not on her house. Pangalawang araw na." napapikit si Ava. Nasaan pa nga ba ang kaibigan niya? "Hindi ko alam. Baka umalis lang. Baka nag-grocery ganon." Hindi niya kayang ilaglag si MJ. Bestfriend pa rin niya yon.
"Ah. Labas tayo." muntik ng malaglag si Ava sa kinauupuan niya.
Jusko, Lord. Wag naman ngayon. May problema pa kami ni Jayce.
"Hey. Labas tayo. Kain tayo."
"Ah, ayoko Mav. Wala ako sa mood. Bye."
All she need right now is to breath. She wanted to be alone. Kung meron man siyang gustong makasama, iyon ay ang kaibigan niya, si Jayce. Pero gusto niya itong matuto. Tutal naman pala ay kaya na nito na magdesisyon para sa isa't-isa.
"Hey, tulog ka muna. Sabihan ko na lang si daddy na nagpapahinga ka pa."
"Sige." mahinang sagot ni MJ at nahiga sa kama. Napabuntong hininga si King at inayos ang mga bagahe na dala nila. Hinalikan niya ito sa noo at lumabas.
Sa sobrang kalutangan ni MJ, hindi niya napansin ang mga gamit na dala ni King. Naisip kasi niya na kailangan siya ngayon ni MJ at hindi niya ito pwedeng hayaan na lang.