"Nanjan po ba si Ava sa loob?"
"Pasensya na iho. Pero ang sabi ni Ava ay ayaw muna niya ng bisita ngayong araw at sa mga susunod."
Napabuntong hininga ako at ngumiti ng maliit sa guard nila.
"Ganoon po ba? Sige po. Salamat."
Bigo akong sumakay sa sasakyan ko at umalis sa lugar nila Ava. Ilang araw ko na kasing hindi sila nakikita ni MJ sa university kaya pakiramdam ko ay may problema.
Sinubukan ko rin puntahan si MJ sa apartment niya, but apparently, wala rin doon. Hanggang sa makita ko ang isang post sa facebook ng kapatid King. Nakatagged si MJ and they are celebrating the twin's birthday on Zambales.
I wasn't sure what this strange feeling I felt. Gusto ko si MJ. Pero sa mga nakaraang buwan na lagi kaming nagsasama, I know she still love King. Hindi naman ata nawala sa kanya yon. Ganoon naman ata basta mahal mo ang isang tao, kahit anong kalokohan ang ginagawa sa likod mo, mamahalin mo pa rin.
Kinabukasan ay nagpunta muli ako sa department nina MJ at Ava. Ngunit mag-isa ko lamang na naabutan si Ava na naglalakad palabas ng klase nila.
Tumakbo ako para maabutan ko si Ava. Tinawag ko siya at huminto naman pero hindi siya lumingon saakin.
"Hindi ko alam kung nasaan si Jayce. Huwag mo saakin hanapin."
Nagsimula na siyang maglakad pero hinawakan ko siya sa braso niya at iniharap saakin.
Nagulat ako ng makita ko kung gaano kamiserable ang itsura niya. Halatang maga ang kanyang mga mata at maiitim rin ang ilalim nito.
"Hindi ko nga sinabi alam kung nasaan si--"
"Ikaw ang hinahanap ko."
Sabi ko sa kanya dahilan para mapatingin siya saakin. Noong una ay halatang nagulat siya. Pero hindi niya pinahalata at hindi nagpakita ng emosyon.
Siya naman talaga ang hinahanap ko. Hindi ko lang din alam kung bakit.
"Wala ako sa kondisyon para sakyan ang trip mo, Mavistin. Aalis nako."
Ipinalag niya ang kanyang braso pero hinigpitan ko ang hawak dito. Pero sinigurado ko namang hindi siya nasasaktan sa hawak ko.
"Mav--"
"May alam akong bagong kainan. Tara."
Hinatak ko siya at dinala sa sasakyan ko kahit paulit-ulit na siyang tumanggi. Wala naman na siyang nagawa ng isakay ko siya at ilock ang pinto niya sa children's lock.
"Iuwi mo na lang ako."
Hindi ko siya pinakinggan at dinala pa rin sa restaurant ng ate ko. Hindi naman talaga bagong bukas to. Gusto ko lang siyang dalhin doon dahil iyon ang unang pumasok sa isip ko.
Siguro dahil sa alam niyang hindi ako papatinag ay nanahimik na lang siya at pagod na nakatingin sa labas ng bintana.
Masasabi kong may problema talaga silang magkaibigan. Hindi naman kasi ganito si Ava. Masiyahin siya. Madaldal. Sa sobrang daldal nga niya ay naiirita ako noon. Pero ngayon ay nakakapanibago ang pagiging tahimik niya.
Alam ko na rin kung anong dahilan ng pagkakagalit nilang magkaibigan.
There's no doubt that it is King. Kahit kaharap ako nung dalawa ay walang pakialam si Ava na sasabihan si MJ at paulit-ulit ipapaalala rito na hindi na niya gusto si King para kay MJ.
At sa litrato na nakita ko sa facebook, masasabi kong may mas malaki pangdahilan ang pinag-awayan nila. Kung ano iyon ay hindi ko alam.
Inihinto ko ang sasakyan ko sa parking lot at narinig ko ang malalim niyang buntong hininga.