D A L A W A M P U 'T A P A T
"Kung nandyan siya, nasaan ako?! Anong lugar naming mga gustong magmahal sayo?!"
Iyak ako ng iyak ng walk-outan ni Mia si Ely. Sobra akong nasasaktan para kay Mia. Ang labas kasi ay para siyang pinaasa ni Ely sa posibilidad na pwedeng maging sila. Pero hindi pa pala nakakamove on si Ely kay Celine. "Tahan na." mahinang bulong saakin ni King habang pinupunasan ang mukha ko na puno ng luha.
Ang sumunod na eksena na aming naabutan ay iyong naglalakad na si Mia patungo sa train. Humigpit ang hawak ko sa damit ni King ng maisip ko na tatangkain ni Mia'ng magpakamatay. Halos maubusan ako ng hangin sa katawan ng muntik na niyang tuluyang patayin ang sarili. Kasabay ng pagtulo ng mga luha ni Mia ay ganoon din ang saakin.
Natapos ang palabas na kilig na kilig ako lalo na sa first on-screen kissing scene ng KathNiel. Habang ito namang kasama kong nanuod at nag-aya na iyon ang panuorin, hikab ng hikab. "Ok. It's done. Let's go to bed and sleep." he said in a sleepy tone and straight ahead on my room. My eyebrow arched and follow him on my room.
"Hey! Bakit ka papasok sa kwarto ko? Hindi ka ba uuwi? King!" sabi ko habamh tuloy-tuloy siyang naglalakad paloob at pabagsak na nahiga sa kama ko. Niyakap yung unan ng nakadapa at pumikit. "Good night, Margarette." he said and drift to his dreamland. I let out a deep sigh and do nothing and start to fix the sofa bed.
Nang matapos ako sa ginagawa ko ay mahimbing ng natutulog si King sa kama. He's even snoring. Ganoon ba siya kapagod at naghihilik pa siya?
Lumapit ako sa kanya at nagsquat malapit sa mukha niya. I stared on his face and notice some wrinkles and pimples on it. My forehead frowned. Wala naman siya pimples noon. Ayaw nga rin niya sa pimples. Ano kayang problema niya? Stress kaya siya? Tapos naman na yung project ni sir Garcia.
"Hay nako King. Good night."
---
Nagising ako ng maramdaman kong may malambot na kung ano ang humampas sa mukha ko. Nang idilat ko ang mata ko ay nakita ko ang bestfriend ko na lamukot ang mukha at nakapamewang ang dalawang kamay habang hawak ang unan.
"Buti naman gising ka na. E sa katotohanan kaya?!" makahulugan niyang sabi at ibinato muli ang unan saakin. Bumangon naman ako sa higaan ko at hinilamos ang kamay sa mukha. Hanggang sa mapansin ko kung saan ako nanggaling. "Teka. Sa kama ako nagising?"
"Ay hindi. Sa bowl ka nagising, Jayce! Sa bowl! Ewan ko sayo!" hindi ko siya pinansin at napaisip. Nag-iisleep walk ba ko? Kailan pa? "Ava, nakita mo na ba kong nagsleep walk?"
"Ano?! Ano bang sinasabi mo dyan, Jayce?!"
"Sabo ko, nakita mo na ba kong nagsleep walk? Para kasing hindi ko naman ginagawa yon." parang tanga kong sabi at pinulot ang unan sa baba. Paano naman napunta tong unan dito? "Alam mo, Jayce? Ewan ko sayo! Mag-uusap tayo pag-alis ng bisita mo!" sabi niya at lumabas ng kwarto. Doon ko lang naalala na nandito nga pala si King at iyon ang ikinagagalit ni Ava.
Nakita ko si King na naghihiwa ng mansanas habang suot ang apron na kulay dilaw na may printed ng mukha ni Spongebob - which is apron niya dito saakin. Samantalang ang apron ko ay kulay puti at may design na dalawang bilog sa magkabilang dulo ng guhit - Baymax.
"Gising ka na pala. Upo ka na. Hahanguin ko na lang yung tocino." ngiti niyang saad saakin at tumalikod para tumungo sa kalan. "Nasaan nga pala si Ava?" tanong ko habang inaabot ang kapehan ko sa taas ng cabinet. At dahil maliit ako, hindi ko siya abot. "Ako na, ako na." anito at iniabot saakin ang mga kakailanganin ko. "Uuwi muna daw si Ava. Babalik na lang daw siya maya-maya."
Tumango ako at nagtimpla ng dalawang kape. Sakanya ay black coffee at saakin ay may halong cream. "Kain na tayo." binitbit ko ang dalawang tasa sa lamesa at naupo sa katapat na pwesto niya.