D A L A W A M P U 'T P I T O
Suot ni MJ ang isang white kaftan beach dress habang may suot itong shades. Nakabalumbon pataas ang kanyang buhok habang naglalakad sa tabing-dagat.
Ala syete lang ng umaga ng maisipan na niyang lumabas. Mamaya kasing 8 ay aalis na muli sila ni Dwayne para sa trabaho at talagang gumising siya ng maaga para naman marelax niya ang sarili niya.
Hindi siya nakatulog kagabi knowing that King and Vienna was just on the other room. Plus the fact that Ava already unblocked her. Hindi man siya minessage nito, atleast, humupa kahit mga 16% ang galit nito sa kanya. Yon ang tantsa niya.
Her phone vibrated on her hand so she checked who's calling. She smile when her ate Tasya calling her. "Ate!" she can't hide her blissfulness on her voice. She was excited to see her. She's about to go home this month. Hindi nga lang sinasabi ni Tasya kung kailan. "Hey. So much greatful?"
"I am. I misses you." umupo sa isang malaking bato si MJ at inilapag ang sandals na hawak niya habang naglalakad kanina. "Meeeeh. Nang-uuto. Papauwi ka ng pasalubong." natatawang sabi nito pero agad dumipensa si MJ. "Hindi no! Hindi ko na kailangan pang sabihin sayo yon. Automatic na agad na uuwian mo ko ng pasalubong."
"Aba! Ang hangin nitong babaeng to ah. Hahaha."
"Hahahaha. Biro lang. Kailan ka ba kasi uuwi? Para masundo kita. Makapaglinis ng bahay kahit wala namang kalat. Tsaka para makapagluto ako."
"E yun na nga, bunso." sa boses pa lang ng ate niya, alam na niya kung anong ibabalita nito. "Ano yon ate?"
"E nakiusap pa yung boss ko rito na next month na daw ako umuwi kasi may mga trabahong kailangan tapusin."
"Akala ko ba natapos mo na lahat?" hindi niya naiwasang malungkot sa balita. Matagal na niyang hinihintay ang pag-uwi nito. "Oo nga. E biglaang emergency dito sa office. Hayaan mo. Babawi ako, ok? Tatapusin ko ng mabilis para makauwi kaagad ako." napabuntong hininga si MJ. Ano bang magagawa niya? Maghintay.
"Margarette!" napalingon si MJ sa likod niya ng makarinig siya ng pamilyar na boses. Nandoon si King at naglalakad papalapit sa kanya. Nagpaalam naman na siya sa ate. "Alright. Sige na ate. Kailangan ko ng ibaba to. Aalis na kami."
"Ok. Sorry, bunso. Ingat ka."
"Ingat ka rin."
Napabuntong hininga siya ng patayin niya ang tawag. Sakto naman ay ang dating ni King. Hindi naman kasi mahihirapan hanapin siya dahil malapit lang ang batong inupuan niya sa resthouse na pinuntahan nila. Kanina pa rin siya nag-ikot-ikot at nakabalik na siya.
"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni King. Agad kasi niyang napansin ang aura nito. "Ayos lang ako." sabi nito at bumaba na. Inalalayan naman siya ni King sa pagbaba. "Hinahanap ka na ni daddy. Lalakad na daw kayo."
"Pasensya na kung hindi kaagad ako nakabalik. Nakausap ko kasi si ate."
"Ayos lang. Pagdating ay magbihis ka." napakunot ang noo ni MJ at naglakad na. "Anong magpalit?"
"Yan. Yung suot mo. Palitan mo. Maikli." natawa si MJ sa inasal ng boyfriend. Ano kayang gustong ipasuot nito, nasa beach sila. "Nope. Not gonna happen." sagot ni MJ ng natatawa at nagmadaling tumakbo papasok sa loob ng bahay.
Napakunot naman ang noo ni King sa inasal nito. Pero natawa rin agad. Parang bata. Sa isip nito. Alam naman niyang hindi ito magpapalit kaya nakaisip na siya ng paraan.
Pagpasok niya ay siyang baba ng dalawang babae mula sa hagdan. Nauna nga lang si MJ dahil nagmamadali ito. Napansin pa niyang naglagay ito ng konting lipstick sa labi. Sisitahin sana niya ng maalala niyang nasa likod nga pala si Vienna. "Baby." sabi nito at yumakap.