Ikalabing Walong Kabanata

2.5K 93 14
                                    

L A B I N G W A L O

Nagtatalo ang isip ko kung papasok ba ko sa loob ng kwarto o hindi. Kanina pa rin ako dito sa labas at ilang beses ko na rin inuuntog ang ulo ko sa pader at binibigyan ng lakas ng loob ang sarili.

Walang nagbabantay sa kanya ngayon sa loob. Hindi ko alam kung bakit iniwan siya pero ng madaan si Ava at si kuya Avon kanina sa may gilid kung saan nagtatago ako, narinig kong nagpaiwan ito at kakausapin ang kapatid.

Bumuntong hininga ako at kumatok sa pintuan. Binuksan ko ito at nakita kong nakatingin siya kung sino ang dadating. Hindi ko alam kung ako lang ba, pero biglang nagbago ang emosyon ng kanyang mata.

"Hi." bati ko pero blangko pa rin siyang nakatingin sa akin. Pakiramdam ko ay sinaksak na naman ako sa puso. Pero sabi nga kasi nila, ito ang pag-ibig, masasaktan ka.

"Take a seat." aniya at isinara ang librong hawak niya. Hininaan niya rin ang volume ng TV. Mahilig talaga siyang magbasa o mag-aral na bukas ang TV. Sabi niya ay kung distraction yon sa iba, sa kanya naman daw ay mas gusto niyang nararamdaman na may tao sa paligid niya.

"Prutas nga pala."

"Just put it there. Thank you for visiting."

Lumapit ako sa pinaglalagyan ng prutas. Nasa tabi niya ito sa bandang ulunan. Napansin kong umusog siya ng konti palayo at humugot ng malalim na hinga.

Mapait akong tumawa sa ginawa niya. Ang sakit pala. Yung para kang may sakit kung iwasan ng taong mahal mo. Na para bang nakakahawa ito at ayaw niyang mahawa sayo.

Bumalik ako sa inuupuan ko kanina at pinagmasdan siya kung paano laruin ang remote at ang telebisyon.

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan na makipag-usap sa kanya. Tahimik lang siya at halatang malalim ang iniisip. Hanggang sa napansin kong tumulo ang luha niya pero pinunasan niya kaagad ito.

Nagsimula na namang manikip ang dibdib ko. Sorry, Margarette. Sorry.

"Bakit ka ba nandito?" paos niyang tanong sa akin. Siguro ang gusto niyang sabihin, Pagkatapos mo kong iwan, magpapakita ka? Dapat iyon na lang sinabi niya. Tutal naman ay deserve kong marinig sa kanya iyon.

"Binibisita kita."

"Nasa plano mo na naman ba ang bantayan ako at pagtapos ay iiwan ako ng walang paalam? Baka kasi oo. Wag na. Hindi ko kailangan ng kahit sino. Si Ava ay ok na."

"I'm sorry, Margarette."

"Sorry.. Tanginang sorry yan." katulad ko kanina, tumawa rin siya ng mapait at pinunasan na naman ang luha sa mata niya. Nakita ko rin kung paano humigpit ang hawak niya sa remote at ang pagtangis ng kanyang mga ngipin.

"I fucking hate you."

I took a deep breath before I could finally find my words to say. This was really hard for me... For us. But this is the least thing I could think.

Someone told me, if you love her, set her free..

"I.. I want to.. To give the closure you were asking me last time, Margarette. Pinakakawalan na kita. Mahal na mahal ko si Vienna. Hindi ko kayang makitang nasasaktan si Vienna dahil lang sa nagseselos at nag-aalala siya na baka agawin mo ko sa kanya. Hanggang dito na lang siguro tayo. Maybe we're not meant to be. And let's just move on. Let's be professional on our work. Iyon na lang sana ang mag-ugnay sa atin. Ayoko na ng kahit anong connection mula sayo. And sana, after our work, hindi na tayo magkita. Bye, Margarette. Thank you for all the efforts, time, trust and love. Thank you. And I'm sorry for breaking your heart. Bye."

---

The next day, Mr. Garcia brought me a news that totally breaks my heart into tiny pieces. Margarette re-signed and let mr. Garcia to handle the works she left. Our project will still lasted for 2 months but she already decided to left us.. Ang totoo nga ay hindi lang ako malungkot.. Pati ang ilang contractual ay nagulat sa balita ni sir. Pero wala kaming magawa, pumunta na dito sa kuya Avon at kinuha na ang ilang personal things ni Margarette.

Dangerous ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon