Dalawampu't Limang Kabanata

3K 93 4
                                    

D A L W A M P U 'T L I M A

Mabilis akong tumakbo papunta sa bulletin board sa building namin habang nauuna naman si Ava saakin. Labasan ngayon ng mga Dean Lister. And hoping ako na kasama pa rin ako kahit na kinausap ako ng dean noong nakaraan dahil sa konting binaba ng mga grades ko. Konting-konti lang naman daw. Hindi daw sigurado kung matatanggal ako sa listahan. Pero sana hindi. Umaasa si ate sa goodnews dahil kapag kasama uli ako sa listahan, uuwi na siya.

"Excuse me. Excuse me. Makikiraan ho! Aray! Uy! Makikiraan naman!"

Tuwing nilalabas ang listahan ng pasok sa dean list ay si Ava ang taga-tingin. Habang ako ay taga sign of the cross ng paulit-ulit habang nagdadasal ng mahina. Ganito lagi ang scenario naming dalawa. Bago nga dumating ang araw ng labasan ng listahan ay panay na ang dasal ko sa lahat ng santo at santa na kilala ko. Sana naman ay dininig nila ang dasal ko ngayon.

Maya-maya pa ay natanaw ko na si Ava na lumalabas mula sa kumpol ng tao. Ang dami kasing nakikiusyoso. Nakakasikip sila sa daan.

Walang emosyon ang mukha ni Ava ng makalapit saakin. Tila ko nanlamig sa kung anong naiisip ko ngayon. Hindi ba ko kasali? Wala na ba ko sa listahan?

"Jayce."

Napahugot ako ng hangin sa baba at hina ng boses niya. Namunuo na ang luha sa mga mata ko. But I still choose to quiet until she finish what she's about to say. Kung ano man ang resulta, tatanggapin ko. Pero hindi ganoong kadali. Masakit para saakin na matanggal sa dean list. Ilang taon kong minaintain iyon.

"Kasali ka uli sa dean list, Jayce!! Aaaahhh!!!" sumunod ako sa pagtili kay Ava at sabay pa kaming tumatalon ngayon sa saya. Niyakap naman niya ko kaya niyakap ko siya pabalik habang tumatalon. "Uuwi na si Tasya! Uuwi na si Tasya!" sa sobrang saya ko ay tumutulo ang luha ko. Overwheming. Akala ko kasi ay matatanggal ako sa listahan.

Napahiwalay ako ng yakap ng maramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ko at nakita ko ang isang sent photo na galing kay King at parang ngayon lang kinuhanan. Kung ano kasing suot ko ay iyon din ang suot ko sa litrato. Napakunot noo ako.

Fr: Hari ♚
April 4, 09:48
*insert photo*
Congratulations 😘! Dinner?

Tumingin ako sa kanan ko at nakita ko si King na nasa dulo ng baba ng hagdan kasama ang mga kaibigan niya. Nakangiti siya saakin habang hawak ang strap ng bag at hawak ang cellphone sa isang kamay.

"Dinner tayo, Jayce! Tayong tatlo nina Mav! Celebrate tayo." nabaling ang atensyon ko kay Ava ng mag-aya siya ng dinner. Pero muling nagvibrate ang cellphone ko kaya binasa ko muna ang mensahe.

Fr: Hari ♚
April 4, 09:49
Movie date? My place. Celebrate with your friends first 😊

To: Hari ♚
April 4, 09:50
Ok. Movie date then 😀

"Sige. Dinner tayo. My treat."

"Yown! Leggo!"

Agad akong hinatak ni Ava paalis sa lugar na yon. Muli ko pang tinignan si King at nakita kong natatawa siyang nakatingin sa akin. Ikinaway ko pa ng maliit ang kamay ko dahil baka makita ni Ava. Hindi pa kasi niya alam.

---

Alas diyes ng gabi ay nasa loob kami ng condominium ni King at tulad ng napag-usapan ay nanuod kami. Pero tinapos din namin agad ang Love and Other Drugs dahil nagkukwentuhan lamang kaming dalawa.

I was leaning on his shoulder while he was supporting my body by caressing me on my shoulder. "Queen was inviting you on our birthday." napahiwalay ako kay King ng marinig ko yon. Gahd! Muntik ko ng makalimutang birthday niya. "Birthday mo nga pala."

Dangerous ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon