L A B I N G D A L A W A
Tahimik kong kinakabit ang mga Christmas balls sa christmas tree na kinakabit ko kanina. Mag-isa lang ako ngayon sa bahay dahil magshoshopping daw sina Ava kasama sina tita at si kuya Avon (A/N: Ah-Von basa para di awkward sa Ey-Von 😂). Hindi nako sumama kasi tinatamad pa ako mamili. Wala pa rin akong listahan ng mga taong bibigyan ko ng regalo at kung anong ibibigay. Kaya dito muna ako sa bahay at tatapusin ko muna tong ginagawa ko.
Ilang araw na lang, pasko na. Inalok na ko ni Ava na sa kanila magpasko. Pero tinanggihan ko. At paulit-ulit daw niya kong pipilitin na sa kanila mag pasko hanggang sa pumayag but unfortunately, I've already decided and I will celebrate Christmas alone.
Huli kong inilagay ang star sa ituktok nung puno at napangiti ng natapos ko na ang Christmas tree. White and Blue Christmas ang napili kong theme ngayon. Last year kasi ay white lang. Naisip ko sana ay blue lang dahil iyon ang una naming ideya ni King but since may mga pagbabago, isinama ko na lamang yung white. Para kasing dumilim yung blue sa paningin ko that's why hinalo ko yung white.
Kinuha ko yung phone ko sa gilid at pinicturan ko yung tree. Tapos ay pinost ko ito at pumasok sa kwarto para magligpit
Margarette Sanroa posted a photo
White and Blue for this year Christmas theme! Ava Proverbs I already finished it, sis. Come over here and bring me pizza! 😘 *insert big voice*
4 minutes ago 🌎
*insert photo*---
*ding dong.*
Agad akong tumayo sa hinihigaan ko at lumabas ng kwarto. Paglabas ko ay nakita ko ang isang delivery boy from Yellow Cab. Lumapit ako at binuksan.
"Magandang tanghali po. Margarette Sanroa po?"
"Yes po."
"Delivery po."
Napaisip ako kung nagpadeliver ba ako. Dahil hindi naman magpapadeliver si Ava dahil ayaw niya lalo na kapag nag-iisa ako sa bahay. Pupunta at pupunta dito yun kahit anong oras kapag inutusan ko.
"Sandali lang ha. Kukuha lang ako ng pambayad. Wait lang po."
"Ay ma'am. Hindi na po. Bayad na."
Ngiti sa akin nung delivery boy. Lalo akong nagtaka kaya tinanggap ko na lang yung dalawang box ng pizza. Pero nagdalawang isip muna talaga ko. Nagpasalamat ako doon sa delivery boy at pumasok na. Agad kong tinawagan si Ava. Nakakapagtaka lang kasi talaga e. Tsaka nung huling nagpadeliver iyon, ako ang nagbayad. Hindi siya nagbabayad.
"Hello. Papunta na ko dyan. Hindi naman makapaghintay tong isang ito."
"Ako daw iyon. Ipinadeliver mo na kaya dito yung pizza! Bakit hindi ka na lang sumabay sa pizza?"
"Anong pinadeliver? Ihahatid pa lang ako ni kuya dyan. Dala ko nga tong pizza natin e. Bumili pa ko ng isang box ng vita milk para match!"
Kumunot ang noo ko at nagpaalam na kay Ava. Tinitigan ko iyong pizza box. Mahilig din talaga ako sa pizza. Paborito rin namin kainan ni Ava ang Yellow Cab. Pati na rin si..
"Si King."
Napailing ako ng ulo at parehas kong binuksan ang box. Napapikit ako ng mata ng makumpirma kong siya nga ang nagpadala nito. Manhattan Meatlovers at Pepperoni and Mushroom yung flavor. Paborito naming kainin sa yellow cab.
Nagtatalo iyong isip ko kung kakainin ko ba yung pizza o hindi. Ilang minuto na rin itong nakabukas lang at para kong tangang kinakausap ito.
"Hindi ko maintindihan e."