Ikasiyam na Kabanata

2.7K 82 7
                                    

I K A S I Y A M

Para kay MJ, isang malaking tulong ang naging activity niya out of the university. Basta alam niya, nakalayo siya sa environment ng unibersidad. Pakiramdam kasi niya ay hindi siya makakahinga kung patuloy siyang titignan ng tao na may awa at may mga questionable faces. Kung ang mga ito ay nalilito, nagtatanong at nasasaktan para sa kanya, ano na lang ba ang nararamdaman niya hindi ba? Sobra-sobra pa doon. But there's no one can't console her feelings right now. Even Ava that trying her best, she knows that she can't help her. She wanted to be alone and Ava respect that.

"Did you already saw the inside?"

"Yes sir."

Naupo sa provided sofa si MJ para sa kanila at isinulat sa isang notebook ang mga ideya na naisip niya. Samantalang ang iba niyang kasama ay nasa loob pa rin at hindi pa tapos.

May ilang oras na rin silang nasa loob ng isang maliit na restaurant na bago lamang. Project ito ng isang prof nila at sa kanila ipinagawa at project na nila iyon. Ang mapipili na design ng may-ari ng restaurant, automatic ng makakauno sa subject na iyon.

Pagtapos ng mga kaklase niya ay naupo na ito at halatang busy rin. Siya naman ay hinihintay na lang silang ibrief ng prof nila para sa pasahan ng design dahil tapos na siya kanina pa.

"Is everyone already here?"

"Yes sir."

"Good. I'll give you three weeks before you pass your design to me. I am expecting that It'll be hard enough for me to choose who's student will represent me. Wag niyo kong biguin."

Tumango-tango sina MJ at marami pang sinabi ang professor nila. Pero natapos din at umalis na siya bitbit ang mga gamit niya. Dumiretso naman siya sa isang cafe at doon napagdesisyunan na gumawa.

Gaya nga ng gusto niyang mangyari, lumayo muna sa unibersidad niyang magulo. Na sa tingin niya ay naging magulo lang naman at nasabi niyang magulo dahil sa nangyayari. Buhay lang nila ang naging magulo. Hindi ang mga tao sa paligid nila.

Ilang oras na rin sa loob ng cafe si MJ at ramdam na niya ang sakit ng likod. Gusto niyang tapusin yung pinapagawa ng prof niya para free na siya sa susunod na mga linggo.

Nakuha naman ng cellphone niya ang atensyon niya ng maging ito. Nakita niyang tumatawag si Ava at agad niya itong sinagot.

"Nasaan ka?"

"Hello, Ava. Cafe near at... Bakit ba?"

"Pupuntahan kita."

"Wag na. Busy rin ako. Marami akong ginagawa."

"MJ..."

"Ava, please. Pati ba naman ikaw? Please lang. Lahat na lang kayo e."

Pagod niyang sabi at pinatay na ang tawag. Pinatay na rin niya ang cellphone niya at nagligpit. Hindi niya alam kung paano ba makakatakas sa mga tao na hindi siya palalagpasin na hindi tanungin kung ok siya at kung gusto ba niya ng kasama. She already been through in this kind of situation. Yung ipinagpalit sa iba. Nahandle nilang magkapatid yun. Siguro naman ay mahahandle niya pa rin ngayon.

Tatayo na sana si MJ nang may pumigil sa kanya dahilan para mapaupo uli siya. Nagulat naman siya ng makita niya kung sino iyon.

"Let's talk, Margarette."

"Sa susunod na Vienna."

Tumayo uli siya pero pinigilan uli siya nito. Tinanggal naman niya ang pagkakahawak sa kanya ni Vienna at lumunok.

"Let's talk now about King."

Tumawa ng maliit si MJ at humarap kay Vienna.

"What's with my ex?"

Dangerous ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon