Noon at Ngayon (JuliElmo Version)

768 8 0
                                    

Noon, kulang nalang maglagay sila ng placard sa pagitan nila na may nakalagay na ‘AWKWAAARD!’

Ngayon, di na uso space.

Noon, aware pa sila na may nanonood sa kanila on stage.

Ngayon, keber! Saglit silang nakakalimot sa paligid.

Noon, tantyado ang kilos nila sa isa’t isa.

Ngayon, ano yung hiya? Nakakain ba yon? HAHAHAHAHA.

Noon, stutter king si Elmo sa interviews.

Ngayon, ay, wala palang nagbago. ^.^

Noon, hanggang kamay lang si Elmo.

Ngayon, aba, aba, aba, Dora The Explorer ang peg! Gumagala hanggang bewang! Where are we going, Elmo? Choss.

Noon, si Julie lang ang pala-ngiti.

Ngayon, may balak yata si Elmo maging endorser ng toothpaste, makangiti (lalo na after prod) WAGAS!

Noon, after ng prod, wala, tapos na.

Ngayon, mas kaabang abang, dahil MARAMING nagaganap na hindi mo aasahan.

Noon, pahirapan mag-edit para lang kiligin.

Ngayon, bye photoshop! Screencaps palang, wala.ka.nang.magawa. 

Noon, yung sagot nila sa interview, predictable,usual ‘showbiz’ answers.

Ngayon, bigger at bolder, makapigil hininga ang sagot! Daig pa Finals ng NBA.

Noon, cooperation lang ang hanap sa isa’t isa.

Ngayon, naghihingian ng kotse, bahay, regalo! Naglalaro pa ng Nanay-Tatay! Saan may lumevel-up times ten? =)))

Noon, holding hands pang-loveteam.

Ngayon, holding hands pang-in a relationship. Umiintertwine pa! Luneta Park nalang kulang sa eksena. =p

Noon, si Julie lang ang macho.

Ngayon, si Elmo may maskels na din. Takot maungusan? 

At noon, ang sarap ipagtulakan ni Elmo kay Julie.

Ngayon, ang sarap nya hilahin! Baka masobrahan, mamatay tayong lahat! HAHAHAHAHAHAHA.

Serendipity to Forever: A JuliElmo Fan JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon