"20" (Happy Birthday Elmo!)

255 4 0
                                    

Nagising si Elmo sa sabay sabay na ingay ng alarm clock, cellphone at mga kapatid n'ya. Usually, mababadtrip s'ya dahil do'n. But today is different. Birthday n'ya ngayon, at bukod doon, may isa pang dahilan kung bakit napakahalaga ng araw na 'to sa kan'ya.

Matapos pasalamatan ang mga kapatid sa pagbati ng mga ito, agad n'yang chineck ang cellphone. Hindi n'ya muna binasa ang mga mensahe, bukod sa isa na galing sa isang importanteng tao.

From: J

Criselda II Building. 3PM at the lobby. I'm keeping my promise, you'll have my answer today.

------

2:59PM. Hingal na hingal na bumaba ng sasakyan si Elmo. Galing pa s'ya sa isang birthday lunch na regalo ng mga sponsors n'ya. Muntik pa s'yang hindi umabot. Pagdating sa lobby, walang katao tao bukod sa receptionist. Inabot nito sa kan'ya ang isang asul na sobre.

From: J

This will be the last day na pahihirapan kita. Elevator. 2nd Floor.

Nagmamadaling pumasok s'ya sa elevator, na himalang wala ring katao tao. Pagdating sa 2nd floor, pagbukad ng pinto, nakita n'ya si Barbie Forteza.

"Hi Elmo! Happy Birthday!"

"Uhm, thanks." luminga linga s'ya sa paligid.

"Wala s'ya dito," nakangiting sabi nito. 'Pinabibigay n'ya."

Inabot n'ya ang panibagong sobre.

From: J

Reason number 1: We're too different.

Nakakunot ang noo na tiningnan n'ya si Barbie.

"3rd floor." sabi nito.

"Do you know what's the meaning of this?" binasa nito ang nakasulat.

Umiling ito. "Sorry, pero tingin ko s'ya lang ang makakapagpaliwanag sa'yo n'yan."

Hindi nagugustuhan ni Elmo ang kutob n'ya. Pero dinala pa rin s'ya ng mga paa n'ya sa elevator. At naging mahaba ang mga sumunod na sandali. Bawat floor ay may sumasalubong sa kan'ya, magaabot ng sobre. Iba't ibang katrabaho, mula sa mga cameramen, videographers, make-up artists, drivers. At bawat bukas n'ya ng sobre, bumibigat ang pakiramdam n'ya sa nababasa.

"Reason Number 2: We like different things."

"Reason Number 3: Sometimes, you don't get my humor."

"Reason Number 7: You hate it when I wear short dresses."

"Reason Number 9: You once broke my heart."

"Reason Number 14: You lied, not once, but too many I already lost my count."

"Reason Number 18: You made me believe, yet, you're also the one who gave me a reason to stop."

"Reason Number 20: I'm scared."

Nakayuko ang ulo na lumabas s'ya sa 21st floor. Ang bigat bigat ng loob n'ya, gusto n'yang umiyak. Alam na n'ya kung anong sagot ng dalaga. Pero hindi n'ya alam kung masokista ba s'ya o ano, kahit alam n'yang uuwi s'yang bigo, gusto n'yang marinig mismo sa dalaga ang sagot nito. Siguro dahil sa kahit na ano pa mang dahilan, sa isang bahagi n'ya, gusto n'ya pa rin maniwala. Baka sakali, baka pwede. Kahit parang imposible na.

"Elmo." inangat n'ya ang ulo, at nakita n'ya ito. Hindi n'ya mabasa ang ekspresyon nito.

"Napagod ka ba?" tanong nito. Hindi s'ya makapagsalita, kaya tumango nalang s'ya.

"Napagod rin naman ako. Tsaka di ba, sabi ko naman sa'yo, ito na 'yong huling araw na pahihirapan kita?" nakangiti ito, pero bakas ang lungkot sa boses nito. Sumikdo ang dibdib n'ya, at ang pag-asa na meron s'ya habang naglalakad palapit dito, unti-unti na ring namatay.

Nakita n'yang sinulyapan nito ang mga sobreng hawak n'ya. Ngumiti ulit ito, pero nakita rin n'ya ang pamumuo ng luha sa mga mata nito.

"Mag-aapat na taon na tayong magkakilala, pero hanggang ngayon di ko pa rin alam kung bakit blue ang paborito mong kulay," tumalikod ito sa kan'ya, tila nagpahid ng luha at pumunta sa pinadulo ng rooftop, tanaw ang kalakhang Maynila. Sinundan n'ya ito.

"Apat na taon. Ang hirap itapon no? Pero paano kapag masyado nang kumplikado? Paano kapag..kapag gusto mo na sumuko? Hahayaan mo pa rin bang nasa kamay mo kahit sobrang bigat na?"

"Julie--"

"No Elmo, let me finish this. Gusto kong makinig ka lang sakin." huminga ito ng malalim. "Binigyan kita ng dalawang buwan para patunayan ang sarili mo sa'kin. Panibagong pagkakataon. At ito ang huling araw, katulad ng kasunduan natin. Yang mga nakasulat dyan sa hawak mo, totoo 'yan Elmo. Kulang pa nga eh. Marami pa, marami pang dahilan kung bakit hindi na tayo pwede. Kung bakit dapat manatili nalang tayo bilang magkaibigan."

Hindi s'ya makaimik. Ang sakit para sa kan'ya ng naririnig n'ya. Pero wala naman syang magawa, alam n'yang kasalanan n'ya ang lahat.

"But I want to give a try on this Elmo. On us."

Mabagal na inangat n'ya ang ulo. Sa nanlalabong mga mata n'ya, nakita n'yang nakangiti ito habang umiiyak.

"Julie?"

"Yes. Let's try again. Let's make everything better this time. Mapapangako mo ba yon sakin?"

"But--but--why? I thought.." hindi n'ya alam ang sasabihin n'ya. Gustong gsuto n'ya sumigaw, magtatalon, pero hindi n'ya magawa.

"Ayaw mo ba?" natatawang tanong ng dalaga. Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi n'ya. Pinunasan nito ang mga luha.

"Life can give me 20 reasons why we should stop this, why I should leave you, why we can't be together. 20 or a hundred or even thousands of reasons, Elmo. But when I think of why I've been holding on to this, nagiging invalid lahat ng reasons na 'yon."

"Why?"

"Dahil mahal natin ang isa't isa. Na sa mga pagkakataon na nasasaktan kita, nasasaktan mo ako, nagdududa tayo, sa lahat ng pagkakataon na hindi maganda, lagi pa ring sumasapat 'yong pagmamahal na meron tayo para gumising tayo sa susunod na araw na ang gusto pa rin nating makita, 'yong mukha ng isa't isa."

Hindi n'ya napigilan ang sarili at niyakap n'ya ito. Mahigpit. Matagal. Gusto n'yang maramdaman nito ang pasasalamat n'ya na dumating ito sa buhay n'ya, na hindi ito nagsawang umintindi kahit mismong sarili n'ya hindi na nya maintindihan. Pasasalamat sa mga pagkakataon na binibigay nito para patunayan ulit ang sarili n'ya sa kabila ng mga taong nagsasabi dito na huwag na.

"Happy Birthday, Elmo." 

"I love you, Julie."

"Sorry wala akong regalo." sabi nito. Napangiti s'ya.

"You already gave it to me, and probably, it is the greatest one I'll ever receive."

---------

Dear Elmo,

Hindi na ko magbibigay ng mahabang birthday message. Kung gusto mo, magbackread ka nalang ng mga dati kong post tungkol sayo. HAHAHAHAHAHA! Ang hard ko na naman sayo e no? Joke lang. Kahit ganyan ka, ganyan ka pa rin! XD Basta, sana masaya ka sa buhay mo. Kung hindi naman e ikaw, ginusto mo yan eh. Hahahahard na naman.

Pero eto seryoso, I'm wishing that one day, I'm going to see you smile so candid, or laugh like there's no tomorrow. And by then, I'm gonna smile too. Because I know that I'm seeing the Elmo you used to hide for so long behind that cold exterior.

Happy Birthday dude. The cage is not really locked, 'ya know?

Serendipity to Forever: A JuliElmo Fan JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon