Iyak ng iyak si Julie. Parang no’ng isang linggo lang, ang saya saya pa n’ya, tapos sa isang iglap, ang dami nang nagbago. Hindi n’ya matanggap. Hindi n’ya inakala na sa mga panahon na akala n’ya napagdaanan na n’ya ang lahat, bigla s’yang sasampalin ng katotohanan na hindi pa.
Pinilit naman n’yang magpakatatag sa lahat ng oras. Pinilit naman n’ya ipakita sa lahat na kakayanin n’ya kahit anong mangyari. Binuwag nila ang JuliElmo, kahit na masakit sa loob n’ya, tinanggap n’ya. Napakarami n’yang hinarap na intriga na pakiramdam n’ya mag-isa lang s’ya, hinarap n’ya. Ngayon naman, isang pagbabago na naman na kailangan n’ya sumunod.
Sa unang pagkakataon, gusto n’yang magrebelde. At gaya nang laging nangyayari, isang tao lang ang hinayaan n’ya makakita at makaalam ng nararamdaman n’ya.
“I can’t take this anymore. I want to get high. I want to drink. I want to shoot myself. I want to cut myself. I want to see my blood. I want to escape and be alone.” malabo na ang mga letra habang pinipindot n’ya dahil sa mga luha. Humiga s’ya sa kama matapos i-send ang mensahe. Pinilit n’ya matulog.
---
Nagising s’ya nang maramdamang may katabi na s’ya sa kama. Pagmulat n’ya ay nakita n’ya ang mukha ng lalaki, seryosong nakatingin sa kan’ya.
“Get up and get dressed.” utos nito at bumangon na sa kama. Sa isang iglap ay nawala na ito sa paningin n’ya.
---
They are on top of a tall hill, somewhere in Antipolo. Bumaba s’ya sa kotse, nakatingin sa binata na buong byaheng walang imik.
“Wait for me under that tree.” alam n’yang seryoso ito kaya sumunod nalang s’ya. Hindi n’ya alam kung anong iisipin.
May kinuha ito sa loob ng kotse, isang malaking bag. Maya-maya’y nasa harap na n’ya ito.
“Speak.”
Tinitigan n’ya ito sa mata. Hindi n’ya mabasa ang nararamdaman nito. Galit ba ito sa kan’ya? Hindi n’ya mahulaan. Siguro pati ito sumuko na rin sa kan’ya. Ang tanging kakampi n’ya, ang tanging tao na akala n’ya makakaintindi sa kan’ya, nagalit na sa kan’ya. Sa isiping iyon, at ang iba’t ibang alalahanin n’ya, hindi n’ya napigilang umiyak. Umiyak ulit ng umiyak.
“Hindi ko na kasi alam kung paano, kung anong tatag pa ba ang kailangan ko eh. Ginagawa ko naman lahat, pero bakit nasasaktan pa rin ako? Bakit nilalayo nila lahat ng importanteng tao sakin? Bakit kailangan lagi nalang ako magsakripisyo?”
Tahimik lang itong nakikinig sa kan’ya.
“Minsan nakakapagod na rin umintindi. Nakakapagod na rin yong expectation nila sa’kin. I never expected that things would end up this way.”
Lahat ng hinanaing n’ya sinabi n’ya rito. Lahat ng takot. Lahat ng mga bagay na bumabagabag sa kan’ya. Kahit na hindi na sya nito maintindihan. Okay lang, basta masabi n’ya. Mahabang katahimikan ang dumaan bago ito nagsalita.
“You said you want to escape, get high, so we’re here. Away from them and up in a hill.” sabi nito. Kinuha nito ang malaking bag at binuksan.
“You want to drink, so here it is.” inabot nito sa kan’ya ang tatlong lata ng Pepsi.
“Remember this?” pinakita nito sa kan’ya ang isang panyo. “This is the handkerchief I used when you tripped while we’re shooting. You want to see your blood, so here look at it.” Nakita n'ya ang tuyong bakas ng mga dugo n'ya.
“And these,” winagayway nito sa kan’ya ang mga larawan nito at isa-isang ginupit. “I want to cut myself, too.” Inabot nito sa kan’ya ang mga larawan n’ya at isang gunting. "Go. Cut yourself." Napangiti s’ya sa kabila ng mga luha.
“You want to be alone right?” inabot nito sa kan’ya ang isang nameplate na may nakalagay na “Hi! I’m Alone.” Natawa s’ya ng mahina.
“You want to shoot yourself, but I won’t let you because I will.” napatili s’ya nang ilabas nito ang isang water gun at binaril s’ya. Tawa s’ya ng tawa.
---------------------------------
Hingal na hingal silang humiga sa damuhan. Sinulyapan n’ya ito, at hindi na naman n’ya napigilang umiyak.
“Hey,” masuyo s’ya nitong niyakap.
“Ikaw kasi eh.”
“Aba, ako pa talaga ang may kasalanan Miss San Jose huh? Gusto mo bang barilin ulit kita?” natatawang sabi nito. Sumiksik s’ya sa tabi nito.
“Elmo, wala na akong mahanap na salita para masabi sa’yo lahat, pero thank you. For making me realize a lot of things. Na kahit na ang pangit pangit na ng nangyayari, you will always be there for me. Thank you for granting my wishes yet not letting me hurt myself.”
“You’re welcome Julie. I would do anything for you, but I also have one wish.”
“Ano ‘yon?”
“Don’t ever think that I won’t be there for you. Because I will. Always. Okay?”
Nakangiti s’yang tumango.
"Wait, may isa pa. If ever na you want to hurt yourself again, just call me. I will. " natawa na naman s'ya. Natawa s'ya nang maalala ang mga naisip n'yang gawin, at natawa s'ya dahil alam n'yang hindi naman nito gagawin ang sinabi. Elmo is the gentlest man for her.
Magkasabay nilang tinanaw ang palubog na araw. Alam n’yang pansamantala lang ang saya na ‘yon, at marami pa s’yang haharapin. Things are still not good, and this day is just an escape. But thinking of Elmo, and the fact that she’s not alone in her battles, she’s ready to face the crowd again.
~~~~~~~~~~~
Another Tumblr-post inspired one shot. (c)rw-sprng.
Dear Elmo,
Don't ever think that I'll stop pairing you with Julie. Because I won't. Okay?
Your secret mistress (secret na nga, mistress pa. Owow. Hahaha),
Claring.
BINABASA MO ANG
Serendipity to Forever: A JuliElmo Fan Journey
AdventureCompilation of Aling Claring's Posts in JE Facebook Group