Insert Title

224 2 0
                                    

"Ang ganda ng dagat.." tinitigan n'ya ang katabi, nakapikit ito habang dinadama ang simoy ng hangin. Ito ang ngiting bihirang bihira makita ng iba dito. Ngiting walang iniintindi na mga matang nakatingin. Ngiting malaya sa panghuhusga.

"Oo nga. ang ganda.." sabi n'ya. Pero hindi patungkol sa dagat na tinutukoy nito. Lumingin ito sa kan'ya, sandaling blangko ang mukha, at nang maintindihan ang ibig n'ya sabihin, unti-unting kumalat ang pula sa pisngi nito. Natawa s'ya, hindi n'ya napigilang kurutin ito. Natawa rin ang babae.

Ang tagal nilang nakaupo sa buhanginan. Magkahawak ang kamay, nakapatong ang ulo nito sa balikat n'ya. Tahimik. Masaya. Kahit sandali lang, kahit patakas.

"Julie?"

"Hmm?"

"Marry me."

Lumayo ito sa kanya. "Elmo.."

"I'm serious." Nakita n'ya ang kalituhan sa mga mata nito. Napangiti s'ya at kinuha ang mga kamay nito. "Julie Anne, do you promise in front of the sea, under the sun, with the birds flying and the trees swaying around us, to love and cherish me in sickness and in health, 'til death do us part?"

Napangiti muli ang dalaga. Nilibot nito ang tingin mula sa dagat, sa mga ibon, sa mga puno at sa kan'ya. "I do."

Pilyong nilapit n'ya ang mukha sa mukha nito.

"Hep! Ako rin. Elmo, do you promise in front of this amazing sea, under the beautiful sun, with the free birds flying and the sturdy trees swaying around us, that you will love and cherish me in sickness and in health, 'til death do us part?"

Napahalakhak s'ya. "You, girls, don't really run out of adjectives huh?"

Napasimangot ito. "Sumagot ka nalang."

"I do."

"Dami dami pang sinasabi sasagot---

Of course, it ended with a kiss. Supposedly and literally.

--------------

A reason to smile inspite of many reasons not to. Like planting flowers in the middle of a war.

PS.

In a parallel universe, we don't have to give up on things that really makes us happy.

Serendipity to Forever: A JuliElmo Fan JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon