May 30 2012

413 3 0
                                    

Pwede pa ba humabol? May 30 pa rin naman eh. 

I came to realize na hindi pala ako lubusan nakapagpasalamat sa inyo dun sa isang post. Kumbaga umeklat lang talaga ako. Haha. Mema-sabi lang. Kaya papart-two ako, since Two years na ang JuliElmo. (Palusot.com)

Salamat sa inyong lahat. Sa mga taong pilit umiintindi sa kadaldalan ko tuwing gabi, sa mga muntanga at waley moments ko, at mga kakaibang trip ko sa buhay kabilang na ang mga hirit kong pilit at jokes na makunat pa sa inuyat. Haha. Kahit alam ko na may ilan sa inyo na gusto akong ipetisyon para ipatapon sa Babuyan Islands, e umiiral pa rin ang awa nyo sakin kaya nakukuntento nalang kayo na ipagdasal ang kaluluwa ko.  

No, seriously, salamat sa pagtanggap sakin sa pinaka-imbakels na pamilyang nakilala ko. Nagsimula ako dito na parang walang malulugaran, kumbaga parang balat lang ng Boy Bawang sa tabi ng daan. Ngayon, may mga kaibigan na ko, na tinanggap ako kahit ganto ako (pakiramdam ko isa akong bulate sa pinagsasabi ko dine. Hahaha) Dati, akala ko dati imposibleng makatagpo ng pamilya sa cyberspace, but all of you proved me wrong. Hindi sapat ang isang truck ng Thank You, kaya sasamahan ko na rin yan ng dougie at ocho-ocho.

Sa mga Admin din pala, salamat. Sa pagpapalusot ng mga post kong medyo may pagka-kikay. Haha. Jokelang. Medyo OT.

Tsaka sa paminsan minsang pagcocomment nyo sa post ko. Hindi nyo alam kung anong kaba ang dulot ng pangalan nyo sa buhay at pagkatao ko. Sa totoo lang, mas takot pa nga ko sa inyo kesa sa nanay ko e. Hahahahaha. 

Salamat sa inyong lahat. Dahil sa inyo natuto akong mahalin yung mga bansag/nicknames na dati sinusumpa ko ang tumatawag sakin. 

Happy 2nd Anniversary sating lahat, at nawa'y dumami pa ang lahi natin. Sakupin natin ang mundo, pati ang senado at kongreso!

Muling nagmamainam/nagmamagaling/nagmamaganda,

Ate Claring.

P.S

Pinilit kong iklian yan sa abot ng aking makakaya, so wag kayong magrereklamo dahil lalagyan ko kayo ng poknat sa gilagid. Chos.=)))

Serendipity to Forever: A JuliElmo Fan JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon