Sinong masokista ang gugustuhin sumuporta sa loveteam na pinaghiwalay na? Sinong masokista ang gugustuhin na umasa pa rin na darating ang panahon na mababalik din sa dati ang lahat? Sinong masokista ang gugustuhin na araw-araw magdasal para sa mga bagay na itinuring nang imposible ng iba?
Sino? Kami.
Hindi ka dapat maging fan ng JuliElmo dahil masasaktan ka lang. Wala ka sa isang fans club na fairytale ang peg. Na ang pangarap nila para sa loveteam ay nagiging realidad. Dito, puro pangako na kadalasan napapako. Puro pag-asa na nauuwi sa wala. Puro paghihintay sa walang kasiguraduhan.
Wala kang show na dapat abangan, pelikula na dapat paghandaan na magkasama sila. Walang guestings sa mga TV show na magpapakilig sa'yo. Wala sa ngayong mga behind the scenes na eksena na bubuo ng araw mo.
Lahat kami rito ngayon, nabubuhay sa nakaraan na hindi na pwedeng balikan. Lahat kami dito, 'yon lang ang kinakapitan.
Para lang 'to sa mga marunong maghintay. Sa mga gising sa katotohanan na unfair ang mundo ng showbiz sa mga fans ng mga artista. Dito, patatagan ng sikmura sa mga mababasa mo sa kung saan saan, hindi pwede ang masyadong sensitive. Dapat sanay ka sa maraming disappointment, sanay ka na hindi makuha ang gusto mo, sanay ka makakita ng mga bagay na hindi mo gusto. Nananampal ang realidad dito at hindi kami humihingi ng tawad kung magigising ka sa katotohanan.
Sa loob ng mahigit tatlong taon, naramdaman na siguro namin ang lahat ng pwede naming maramdaman. Takot, lungkot, galit, sakit, disappointment, excitement, saya, kaba. Sa loob ng tatlong taon, natutunan na namin na hindi lang kilig ang magpapa-stay sa'yo. There's more to being a fan than that.
Na hindi naman kilig ang nagpapapatatag sa'yo kundi lahat ng downfall. Lahat ng sakit, disappointment at failures. Lahat ng pag-asa na laging nauuwi sa wala. Kaya kung ang gusto mong loveteam na susuportahan ay para lang kiligin ka, ako na ang nagsasabi sa'yo, hindi ka dapat maging fan ng JuliElmo.
(At this point, kung narealize mo na hindi ka tatagal dito, I'm asking you to please stop reading this, leave this group, and forget about the loveteam as soon as possible. Thank you.)
So you're staying huh? Okay, let me tell you this.
One day, habang nagbabasa ka ng mga post dito, maiintindihan mo kung bakit tinatawanan nalang ng mga tao ang mga issue na kung ikukumpara mo sa iba, big deal na.
After that, you'll never look at JuliElmoes the same way again. After that, you'll know why we stayed. And you will, too. But it will never be easy. It's a long process, parang on-off relationship. Some almost did it but in the last minute, failed. Some is still on the process and some didn't even try.
In the end, no matter what happen, you'll never regret anything. Magkatuluyan man ang JE o hindi. Mabalik man ang loveteam o tuluyan nang mawala.
Alam mo kung bakit di ka magsisisi? Dahil JuliElmo is worth the battle. And that battle is not breaking us all along, it is molding fighters out of us.
BINABASA MO ANG
Serendipity to Forever: A JuliElmo Fan Journey
AdventureCompilation of Aling Claring's Posts in JE Facebook Group