So for everyone to be at least 'ready' for anything, eto ang mga possible scenarios sa mga susunod na araw:
*GMA will launch their newest loveteam, ang DenLie. Expect shows, guestings, and segments in PP. Tapos magkakaroon ng movie kung kakagatin ng masa. Tapos isa pang movie ulit. Isa pa, hanggang nagki-click sila sa masa. Elmo will be on his own, an album and some endorsements. Of course, masaya ang GMA. Bawing bawi sa kung ano pa mang naganap 'dati'. Everyone is happy, or is it? 'Cause in the depths of 'her' eyes, buried beneath the lies, you'll see the truth. *wink*
Personal Rating: 4 stars out 10
*DenLie will be launched, too. May guestings, shows, at prod din. May launching movie din. Pero unfortunately, it will fail. Then Julie will be paired again and again to different young actors. Same scenarios again and again and again.
P.Rating: 3 stars out of 10.
*After DenLie's fallout, Julie will be a solo artist. Solo guestings, solo shows, solo prods, solo album, maybe even solo movie.
And so is Elmo. Two people who were taken out of one path and splitted into two. Then they will not meet anymore. End of story.
P.Rating: 7 out of 10.
*After DenLie's fallout, Julie will be a solo artist. And so is Elmo. But after some months, or years, narealize ng GMA Management na kahit ano palang baligtad nila sa bituka nila, at baliktad nila sa mundo, hindi pala ganoon kadali sumuko ang fans ng dalawa. Hindi nawala ang suporta kahit anong mangyari, maging dalawang magkaibang artista man sila, o bilang tandem. Nagkaroon man ng panahon na nangbash ang JE's ng ibang artista, natuto sila huminahon, magparaya, ngumiti sa gitna ng pagsubok (naks!), magkaisa at namnamin kung ano at sino ang natira, lalo na ang mga ala-ala (double naks!). At dahil dyan, binalik ang JuliElmo. Kahit na hindi na sila tweens, hindi nawala ang magic at chemistry. Kahit hindi na patweetums na mga kanta ang kinakanta nila, astig pa din. Walang nagbago. Parang walang panahong nawala.
Tapos isang araw, nauntog si Elmo sa pinto ng banyo nya kaya sya natauhan. Niligawan nya si Julie, sinagot sya ng 'Hindi'..dejoke syempre 'Oo', nagpakasal, at nagkaanak ng isang dosena.
Anong nangyari sa mga fans nila?
Malamang magaganda't gwapo pa rin. Biniyayaan lahat ng masayang lovelife at masayang buhay. Si Claring nakapangasawa ng foreigner na mayaman.
Anong nangyari sa mga haters?
Naging alipin lahat ni Claring. Dejoke.
P. Ratings: 100 stars out of 10. Hahahahahaha! Biased. XDD
BINABASA MO ANG
Serendipity to Forever: A JuliElmo Fan Journey
AdventureCompilation of Aling Claring's Posts in JE Facebook Group