June 25 2011
Isa to sa mga rare moments na free sya. Free in the sense na wala syang taping na pupuntahan, mall show na aattend-an o kaya recording. Nasa bahay lang sya, doing some stuffs na hindi nya pwedeng asikasuhin pag may schedule sya, and at this moment, she’s online, browsing some fan forums about her, and also about Elmo.
Elmo..nasan ka kaya ngayon? Iniisip mo rin kaya ako gaya ng pagiisip ko sayo? Probably hindi. And it’s sad, I guess we don’t feel the same.
She put away the negative thoughts and focused on the current forum she’s into reading. She stumble upon this in Pinoy Exchange, JuliElmo thread 19. She was amazed by the fact na 19 thread was already built because of their tandem. Hanggang ngayon, hindi pa rin nya ma-absorb yung fact na may mga tao talagang naglalaan ng oras para sa team-up nila. And she’s very grateful for that. Kung pwede nga lang nya i-meet isa isa yung mga taong yun at personal na pasalamatan kaso imposible. Kaya nga kahit man lang sa ganitong paraan, like taking time to read the fans thought and ideas about them, e mapasalamatan nya sila.
Then she read an article about Elmo and Lauren Young.
Gustong gusto nya i-click yung close button ng browser nya, hoping na kasabay ng paglalaho ng webpage na yun, e mawawala na rin yung di maipaliwanag na kirot na umaatake sa kanya. Hindi nya alam kung saan nanggaling yung pesteng damdamin na yun na ayaw maalis. Ayaw na nya mag-isip. Hanggang sa namalayan nalang nya na may mainit na likidong tumutulo galing sa mata nya.
Peste talaga. Bakit ko ba to nararamdaman? E ano naman ba sakin kung may kung ano sila? Pakealam ko ba?
Alam nya na hindi nya dapat nararamdaman yung ganong bagay. Oo, nagseselos sya. Hindi naman kasi tama eh. Magkaibigan lang sila ni Elmo. Halos hindi nga matatawag na kaibigan yun eh, dahil may kaibigan ba na halos madalang pa sa patak ng ulan ang kausapin sya? At pag naguusap sila, about lang sa mga prod naumbers nila. Aside from that, wala na. Minsan nga, nagmumukha na syang tanga eh. Pano ba naman, pag hindi nakatingin si Elmo, e halos tunawin na nya to sa titig. Madalas din sya mag-greet dito through text and BBM.At madalas, walang reply.
Kung may makakaalam nang nararamdaman nya ngayon, malamang batukan sya ng paulit ulit. Kaso hindi nya mapigil yung sarili nya, dahil kahit na parang nakikipag-usap sya sa pader off-cam, e bawing bawi naman lahat ng disappointments nya on-cam. Sya naman yung halos tunawin ni Elmo sa titig at ngiti nito. Yung mga hawak sa kamay na mahigpit, pagalalay sa kanya, at ang boses nito na nagpapalimot sa kanya sa mga tao sa paligid nila. Pag kumakanta sila, pakiramdam nya sila lang dalawa yung tao sa paligid. Kaya nga madalas, nahihiling nya na sana lagi nalang ganun. Sana tumigil ang oras.
Kaso, katulad ng kanta, lahat may katapusan. Lahat ng damdaming hatid nang isang nakakakilig na kanta, lahat ng yun, naglalaho pag pumatak na yung huling tono. Yung huling salita. Yung huling nota. At kasabay ng pagtatapos ng musika, kasabay din nun naglalaho yung init sa mata ng lalaking mahal nya.Napapalitan ng walang katapusang lamig. Lamig na unti unting binabalot ang puso nya.
Manhid na ata sya.
A/N
Another one shot. Ginaganahan ako sa response ng mga tao. Salamat po.
PS.
Medyo walang kilig vibes to. Naisip ko lang, dahil maulan at malamig. Nakakalungkot di ba? Pasensya na ah. Pero sana magustuhan nyo din. :)
with Love&Drugs,
Clarisse
BINABASA MO ANG
Serendipity to Forever: A JuliElmo Fan Journey
AdventureCompilation of Aling Claring's Posts in JE Facebook Group