Made Better (One Shot)

337 3 0
                                    

Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. Ilang taon na ako sa showbiz kaya dapat sanay na ako makipag-usap sa mga tao, mag-project sa camera, at syempre mag-endorse ng mga produkto. Yon naman kasi ang isa sa mga trabaho ko eh. At tinanggap ko ‘to, kaya dapat panindigan ko ‘to.

Pero kasi, malay ko naman ba na sa ganto mauuwi ang lahat.

--------------------------------------------

Few weeks ago…

“Good morning anak,” bati sa kan’ya ng mommy n’ya habang naghahanda ng almusal sa lamesa. Tamad na tamad s’yang naupo. Lunes na naman at dahil may commitment pa s’ya after ng SAS kahapon, hindi pa handa ang katawan n’ya para pumasok sa eskwelahan. Pero kailangan. Naghahabol sya ng mga exams at malapit na rin ang isang major presentation n’ya.

Tahimik s’yang kumuha ng pagkain at nakihati sa binabasang dyaryo ng daddy n’ya. Nakaugalian na nila ‘yon, lalo na no’ng nagcollege s’ya, at bilang Communications major, dapat updated s’ya sa mga nangyayari sa mundo.

“Wow, astig nitong ads ng Smart dito oh, full page. Ganda ng graphics.” komento n’ya.

“Speaking of, Julie, nakausap ko si Sir Adrian kahapon habang nasa dressing room. May offer na product endorsement sa’yo,” balita sa kan’ya ng mommy n’ya.

“Ano pong brand?” tanong n’ya habang umiinom ng tubig.

“Smart.”

Muntik na n’ya maibuga ‘yong iniinom n’ya. “Po????!”

Natawa ang daddy at mommy n’ya.

“Ayaw mo?”

“Pwede pag-isipan ko muna po? HAHAHAHAHAHAHA! Joke, naman! Oh my gosh, naeexcite ako!”

Masigla n’yang tinapos ang agahan at pumasok sa eskwelahan. Life gave her another reason to be thankful. But she can’t thank enough.

But what she’ll going to discover few days after, will make her think again if she made the right decision to accept the offer.

-------------------------------

“So kamusta naman ang recording mo ng upcoming album? Baka naman pwede collab tayo..” panunukso sa kan’ya ni Maqui. Di nya mapigilang matawa habang kausap ito sa telepono.

“Adik! Pero why not? What do you think? Original o cover?”

“Hahahahaha! Sineryoso mo naman! Biro lang ‘yon..” natatawang sabi nito.

“Di nga, jusko naman Maq, sige na please, pagisipan mo. Alam mo naman na isa kang special na tao sa buhay ko..” 

‘Asus! Nagdrama pa! Oo na, oo na, pagisipan ko. Wait, special..meaning kasama si—

“Hep! Tama na. Alam ko na ‘yan, Maqui ilang beses ko bang uulitin sa’yo na hindi—

“Ayaw mo maka-collab ‘yong ibang members ng Sugar Pop?”

Natigilan s’ya. Tsk. Huli na naman s’ya ni Maqui. Mabilis s’yang nagiisip ng palusot nang marinig nya ang hagikgik nito sa kabilang linya. 

“Maqui naman eeeeh!”

“Hahahahahahaha! Napaghahalataan ka Julieta. Pero bakit naman hindi kayo pwede ni Elmo,” napapikit s’ya nang tuluyan na nitong banggitin ang pangalan ng lalaki.” Balita ko nga gagawa kayo ng commercial eh.”

“Ha?!”

“Di ba kayo ata ‘yong pinupush ng Smart.”

Muntik na n’ya malaglag ang cellphone n’ya.

Serendipity to Forever: A JuliElmo Fan JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon