Mirrors (One Shot)

403 2 0
                                    

"Baby, 'wag mo na kasing pilitin abutin 'yong falsetto nyan. Ang kulit mo talaga!"

"Tsss. Why don't you just help me? Di yung inaasar mo pa ko dyan, Bully Anne.."

"Hahahahaha! Hindi kaya kita inaasar, nagsasabi lang ako ng totoo, mataas talaga 'yang part na 'yan ng Angel's Cry. Di ba nagtry ka na don sa prod? Wag na kasi ipilit.."

Sumimangot lang si lalaki. Gwapo. Nako, huwag ka gumanyan, baka mahalikan kita. Bwahahahahaha! Natawa si babae.

Huhulaan ko susunod na mangyayari.

Magpopout si lalaki.

"Nakapout ka na naman dyan.." reklamo ni babae.

See? Tapos, di pa rin kikibo si lalaki. Haharap sa kabilang direksyon. Si babae naman, susuyuin pa rin si lalaki.

"Uyyy, Mosey baby ko, galit ka na? Tsk! Tsk!"

O di ba?Hehe. Tapos, eto namang si babae ang magpopout. Takte, nakasimangot na, ang ganda pa din. Laki siguro ng panghihinayang nong mga umaaligid dati kay babae.Kung lalaki lang din ako, liligawan ko na 'to. Swerte ni lalaki.

Hmm, ang susunod na mangyayari, e di syempre, tahimik silang dalawa. Tapos, haharap na ulit si lalaki kay babae.

"Tss. Ikaw naman galit ngayon?"

"Tse! Bakit ka nakaharap sakin? Don ka humarap sa pader!"

Ngingiti si lalaki, kasi sobrang cute magmaktol ni babae.

"Bakit ka natatawa? May nakakatawa ba? Sinabi ko bang tumawa ka?"

Hahaplusin ni lalaki 'yong pisngi ni babae. May pagkurot, pero magaan lang. Tsansing ba. Hahaha. Ayos din 'tong lalaking 'to eh. Ako naman Elmo. Please. Di ako papalag kahit konte.

"Cute. You're really cute when you're like that miss."

Magpopout ulit si babae. Tatawa naman si lalaki. Tawang minsan mo lang talaga makita sa kanya. 'Yong mataginting. 'Yong parang wala nang bukas. 'Yong tawang si babae lang ang kaisaisang pwedeng maging dahilan.

"Elmo, isa pa ha. Akala mo nakakatuwa ka?"

"Bakit ka ba kasi nagagalit?"

"Hindi ako galit!"

"Don't shout." saway ni lalaki.

"Sumisigaw ba ko?" asar na sabi ni babae.

"Hehehehe."

"Hindi nga ako galit. Ikaw kaya nauna!"

"Hindi ka nga sumisigaw." nakangising sabi ni lalaki.

"Tseee!"

Tahimik na naman sila. Maya maya nagindian seat si lalaki. Si babae din nagindian seat. Magkaharap na sila ngayon.

"Galit ka pa Bully Anne?"

"Hindi nga ako galit."

"Then smile."

Ngumiti naman si babae. Pero halatang pilit. Pero maganda pa din. Hay, walang pangit na angulo ang ale.

"Fake."

Ngumiti ulit si babae. Pinilit pagmukhaing totoo.

"Again, fake."

"Kasi naman ikaw eh, basta basta nalang nagagalit dyan!"

"See? I thought we're okay?"

Humalukipkip lang si babae. Nagtitigan sila. Matagal. Matagal na matagal. Sa sobrang tagal lumaki na si Ryzza Mae.

Serendipity to Forever: A JuliElmo Fan JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon